SUNOD-SUNOD sa pagpatak ang mga luha sa mata ni Enara matapos mapanuod ang video ng mama nito. Ang mga kaganapan sa loob ng opisina nito sa nagdaang araw. Nalilito, naguguluhan kung sino ba ang dapat na kampihan. Pero base sa mga nakita at narinig nito mula sa bibig ni Adriana... she was upset and guilty at the same time. Kinampihan nito ang ina na siyang may kasalanan ng lahat. Hindi ito makapaniwala na gano’ng klase si Adriana. “Enara—” “How can she do this to us kuya? Pati ang lola at papa idinamay niya.” Umiiyak na saad nito. “Shhhh! Stop crying!” anang Cohen at nilapitan ang kapatid sa kinauupuan nito upang patahanin. Masuyo niyang hinimas ang likuran ng dalaga pagkuwa’y dinala ang ulo nito sa kaniyang dibdib. “I’m sorry po kuya!” “Wala kang kasalanan so don’t say sorry okay.”

