Ang dampa ay yari sa isang pawid at kawayan. Nang makarating kami sa b****a ng pinto niyon ay agad naming narinig ang mga boses mula sa likod ng pinto.
Mga hiyaw at pagdaing ng boses ang maririnig mula roon at hindi namin alam kung anong nangyayari sa loob. Marahan naming binuksan ang pinto. Mabuti at hindi naka-lock ang pinto at nang binuksan namin iyon ay nagdulot iyon ng matinis na ingay.
Kasabay ng pagbukas ng pinto ay agad na sumilay sa amin ang madilim na loob nito kaya’t wala kaming masyadong makita. I was like inside a dark room and can’t see anything but darkness.
Maingat naming inihakbang ang aming mga paa at baka marinig kami ng tao sa loob. Mula sa siwang o sira ng dingding ng dampa ay nagbigay ng kaunting ilaw iyon mula sa sinag ng araw kaya’t ginamit ng tatlo ang kanilang mga elemental ability upang gawing ilaw sa madilim na paligid ngunit hindi iyon sapat. Marahan silang naglakad saka itinapat ng tatlo ang kanilang ginawang ice torch sa may siwang at nag-reflect ang sinag ng araw sa paligid. Kumalat ang ilaw sa paligid kaya naman ay nakita namin nang bahagya ang buong paligid na hindi katulad kanina na tanging dilim lang ang makikita sa loob. Nagkaroon kami ng kaunting liwanag mula sa aming tinatahak na daan kaya’t nagpatuloy na kami sa aming paglalakad.
Makikita sa loob ng dampa ay tanging mga lumang vial at mga iba’t ibang kulay na likido na nasa loob niyon. We are very cautious to the surroundings that might create even a little noise because it would be a doom of us if the people inside the cabin will hear us.
Sinundan namin ang ingay ng boses. Habang sinunsundan ang ingay ay dinala kami niyon sa isang pinto. Maybe this was the room that we hear the frightening noises.
Marahang pinihit ni Cerulean ang seradura ng pintong yari sa pawid saka iyon binuksan. Hindi rin naka-lock ang seradura kaya’t marahang sumilip kami kung anong mayroon sa loob.
Splatters of blood was everywhere while there’s a red fire surrounding someone sitting on a chair, completely tied up with a rusty chain. Nakabusal din ang kaniyang bibig gamit ang isang panyong kulay pula at makikita sa kaniyang hitsura kung gaano na siya nahihirapan sa kaniyang kalagayan.
His face was all covered with blood, with marks of bruises and wounds near on his left eye, on his right cheek, and on his right neck. He was tortured so badly that I can’t see his face anymore due to continuous drips of his blood from his wounds and bruises.
“Sino ang pinuno niyo? Sino and pinuno ng dark assassin?!” halos pahiyaw na wika ng isa habang nakatutok ang isang espada sa leeg ng lalaking nakaupo sa silya na balot ng dugo. Galit na galit ang boses nito at makikita ang ugat sa kaniyang leeg nang siya ay nagsalita.
Mula sa bahagyang nakabukas na pinto ay makikita ang dalawang lalaki. Pareho silang may malagong balbas at bigote at nakasuot ng kulay pulang baluti na hanggang tuhod lang samantalang ang sapin sa paa ay isang botang baluting gawa sa isang matibay na metal na kulay pula rin. Base sa kanilang postura ay maaaring sila ay mula sa warrior tribe.
“H-hindi nga a-ako kabilang sa o-organisasyong i-iyon,” nahihirapang wika ng lalaking nasa upuan sa dalawang lalaking nakatayo. Hindi ko tuloy maatim kung gaano na siya nahihirapan ngayon gayong wala siyang kalaban-laban sa dalawa.
“A-anong ginagawa niyo?” bali ko sa kanilang mapagpaslang na ginagawa kayaʼt agad na napalingon ang dalawa sa amin.
Naaawa ako sa kalagayan ng lalaking nakaberdeng suot ngunit dahil sa labis na p**********p sa kaniya ay naging sira-sira na ang kaniyang suot na damit at pang-ibaba.
“Zeniya!” sabay na wika ng tatlo sa akin kayaʼt napalingon ako sa gawi nila. Tila iisa ang sinasabi ng kanilang mga ekspresyon at iyon ay kung bakit ako nakialam sa ginagawa ng dalawa.
“Tila mayroon tayong mga bisita!” Kaagad na napalingon ako sa dalawa na malakas na pumapalakpak. Nakangiti silang nakatingin sa gawi namin habang nilalaro ang apoy sa kanilang mga palad. “At mga estudyante pa ng akademya!” pagpapatuloy nito sa kaniyang winika.
I heard whispers from my back but can’t seem to decipher their words due to scary atmosphere between these two guys in front of us.
“Ang akademya na walang ginawa kung hindi magpaginhawa sa kanilang mga upuan samantalang kami ay nagpapakahirap mula sa kamay ng hayop na kasamahan nito!” nanggagalaiting wika ng isang nasa kanan namin habang nagpapauli-uli sa paligid saka sinuntok sa tiyan ang lalaking nakaupo.
“Sigurado ba kayo na siya ay kabilang sa Dark Assassin?” taas noong tanong ni Sapphire na nasa likuran ko.
Napahalakhak ang dalawa sa naging tanong na iyon ni Sapphire. “Kailangan pa ba ng ebidensiya? Ang kaniyang abilidad ay sapat na upang malaman na siya ay kabilang sa hayop na organisasyong iyon!”
Hindi ko alam kung sinasapian ba itong dalawang ito dahil sa kaninang paghalakhak nila ay agad napalitan ng seryosong mukha. Tila labis na kinamumuhian nila ang sinasabi nilang organisasyon at tila iyon din ang may kagagawan sa malalang nangyari sa isa sa mga bayan ng Veonniphere kanina.
“A-ano ho ba ang abilidad ng sinasabi niyong organisasyon?” tanong ko na lang gayong naglalaro ang isip ko sa kung ano kaya ang natatanging abilidad nila upang malaman kung kasapi siya sa Dark Assassin.
“Ang natatanging bilis at liksi. Tanging ang mga Dark Assassin lang ang may ganoong abilidad mula sa Assassin tribe,” tugon ng nasa kaliwa ko.
“Ibig ho bang sabihin, ang mga Dark Assassin ay isang physical class samantalang ang natitirang nakatira sa Veonniphere continent ay tanging mga elemental class lang?” kaagad na tanong ko sa kanilang naging tugon.
If plant and trees manipulation was for elemental class assassins, therefore the agility and speed manifestations was for physical assassins, if I am not mistaken.
“Ngunit mayroon din namang mga assassin mula sa Veonniphere continent na mayroong ganoong abilidad!” singit naman ni Cerulean. “Hindi kaya inosente ang taong iyan at napagkamalan niyo lang na kabilang sa Dark Assassin?”
“H-hindi! Hinding-hindi k-kami magkakamali! Matagal na naming pinagmamatyagan ang isang ito at lagi siyang umaalis dito sa k-kaniyang munting k-kubo!” pagdadahilan naman ng nasa aming kanan habang uutal-utal na nagsasalita. Basa ko rin sa kaniyang mga mata na hindi siya sigurado sa kaniyang sinasabi gayong kung saan-saan siya tumitingin. Tila naghahanap ng maidedepensa sa naging tanong ni Cerulean.
“Ngunit bakit ka nauutal? Hindi ka ba sigurado sa iyong mga sinasabi?” dagdag pa ni Cerulean habang diretsong nakatingin sa dalawa.
Sa hindi inaasahan ay biglang nagliyab ang kapaligiran kaya’t napaabante kaming apat papasok sa kwarto upang hindi masunog ang aming mga kasuotan.
His eyes turned b****y red while balls of fires played on his hands. Seems like Cerulean angered him and let the beast take control over him.
“O-okay so how would we tame this raged guy?” tanong ko samantalang sina Sapphire, Blizzard, at Cerulean ay unti-unti nang pinagpapawisan nang lumingon ako sa kanila. “T-teka! A-anong nangyayari sa inyo?!” natatarantang wika ko sa kanila habang palaki na nang palaki ang apoy sa aming paligid. Tila nanghihina na rin ang kanilang mga katawan. Mayamaya pa ay natumba na sila sa kanilang kinatatayuan na ikinagulat ko.
Labis ang aking pangamba sa aking nasasaksihan. Hindi ko alam kung paano ko sila maililigtas lahat kung nasa ganito kaming kalagayan.
“Tila hanggang dito na lang pala ang inyong mga buhay. Kung gayon ay dito na kami magpapaalam.” Napalingon ako sa nagsalita. Suot niya ang malawak na ngisi bago biglang nilamon ng apoy ang kanilang mga katawan saka naglaho.
Nang maglaho ang dalawang warrior ay kaagad na tiningnan ko ang apat sa kanilang mga kalagayan. Tila nawalan na sila ng malay ngunit hindi ko maintidihan kung bakit hindi ako naaapektuhan ng kung ano mang ginawang engkantasyon ng mga warrior kanina upang ilagay sa ganitong sitwasyon ang aking mga kasamahan. Ang kasama naman naming assassin ay tila nawalan na rin ng malay dahil sa malalang kalagayan niya mula sa kaniyang sugat.
“Ano na ang gagawin ko nito?” wika ko sa aking sarili habang natatarantang nag-iisip kung paano ko sila mailalabas dito sa loob ng nasusunog na kubo.
Ni wala man lang ako kakayahan upang iligtas sila rito mula sa nagbabagang apoy. I don't have such gift or any other ability to help them get out of here.
What if this is my last chance of being alive?
First is from the hand of someone with dagger, then from the tree forest that attacked me, other is that from the thinking that someone is following me when I run away from academy and lastly, from Pheagrax which I already know it was Kylo all along.
And now, I do not know if we will be alive within an hour. Lalong nagliliyab ang apoy at maririnig sa buong paligid ang mga kahoy na unti-unting kinakain ng apoy.
Namumuo na rin ang aking mga luha dahil napapaiyak ako sa aming kalagayan. They were there for me to help me out but I don’t know if I will be there for them at this rate. Siguro ay hanggang dito na lang talaga kami.
Marahan akong pumikit at bahagya kong naramdaman ang pag-agos ng aking mga luha pababa sa aking pisngi.
“Sana makalabas kami mula rito sa munting kubo nang buhay at ligtas,” marahan kong bulong sa sarili ko habang nakapikit pa rin at patuloy sa pagluha.
Marahan kong naramdaman ang panlalamig sa aking kapaligiran kaya’t kaagad akong nagtaka kung bakit naging ganoon ang temperatura.
Bahagya kong iminulat ang aking mga mata at kaagad akong nagtaka nang ibaling ko ang aking tingin sa kapaligiran.
How could this be possible? Paanong nangyari na wala na kami sa munting kubo at ngayon ay nasa labas kami niyon habang matatanaw sa malayo ang kubong unti-unting kinakain ng sunog?
Labis ang pagtataka ko sa nangyayari ngayon. Ako ba ang may kagagawan kung bakit kami narito ngayon sa labas ng dampa? Ngunit paano ko naman magagawa iyon gayong hindi ko naman alam kung mayroon akong abilidad o gift?
I was captured by my curiosity and I don’t know if I did the unexpected or someone helped us to escape.
But... is there someone following us?