Mula sa labis na pagtataka ay nabali iyon ng bahagyang paggalaw ng tatlong nakahiga sa lupa kaya’t nabuhayan ako mula sa aking kinauupuan. Kaagad na pinunasan ko ang aking mga luha bago marahang suminghot saka tsi-nek ang kanilang kalagayan.
Nang tingnan ko sila ay bahagyang nagmulat si Cerulean. Pinipilit niyang tumayo kaya’t inalalayan ko siya upang maupo at sumandal sa malaking ugat ng puno. Tila hinang-hina pa rin ang kaniyang katawan habang marahang ginagalaw ang kaniyang katawan. Naririnig ko rin ang kaniyang mahinang pagdaing habang tinutulungan ko siyang maupo.
Mayamaya pa ay natinigan ko naman ang mahinang boses ni Sapphire kaya’t lumingon ako sa gawi niya. “Z-Zeniya!” mahinang saad niya na halos pabulong na rin kaya’t lumapit ako sa kaniya. Marahan kong inilapit ang aking tainga sa kaniyang labi upang marinig ang kaniyang nais sabihin.
“A-ano iyon?” tanong ko kay Sapphire. “May gusto ka bang sabihin?” dagdag na tanong ko habang siya ay napapahawak sa kaniyang ulo. Tila masakit pa ang kaniyang ulo dahil siguro sa ginawang engkantasyon ng dalawang warrior kanina.
“A-ayos ka lang b-ba?” nanghihinang tugon niya sa akin kaya’t bahagya akong napangiti. Ni hindi ko inaasahan na ganoon ang kaniyang magiging tugon. She must have check on her self but she rather check up on me.
Zeniya’s friends are all a gift for her and she should have treasure it no matter what.
“Oo, ayos lang ako. G-gusto mo bang maupo muna?” suhestyon ko na marahan niyang ikinatango.
Marahan ko siyang hinawakan sa kaniyang braso at likod para alalayan siyang maupo sa kabilang ugat ng puno upang isandal siya roon. Katulad ni Cerulean sa kaliwa namin ay marahang napapapikit na rin siya, upang siguro’y makapagpahinga o matulog nang sandali.
Samantala, si Blizzard naman nang tingnan ko ay nakaupo na sa kaniyang kinahihigaan kanina. Tila nakaka-recover na ang kaniyang katawan mula sa naging engkantasyon ng mga warrior na hindi ko alam kung bakit hindi ako naapektuhan niyon.
Lumapit ako kay Blizzard upang tingnan ang kaniyang kalagayan. Marahan akong umupo upang makapantay siya. “Maayos na ba ang iyong pakiramdam?” tanong ko habang tinitingnan ang kaniyang temperatura gamit ang likod ng aking palad.
Hindi na siya masyadong pinagpapawisan hindi katulad kanina na halos maligo na siya sa pawis sa sobrang basa ng kaniyang uniporme katulad din ng dalawa kanina na halos maligo na rin ngunit hindi na ganoon kalala ngayon.
“A-anong nangyari?” kunot noong tanong niya sa akin matapos niyang tingnan ang paligid. Tila napagtanto niya na wala na kami nasa loob ng kubo.
“Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag pero nasa labas tayo ng kubo kung saan tayo naroroon kanina. Ngayon ay isang malaking katanungan pa rin kung paano tayo nakapag-teleport patungo rito sa kung nasaan tayo ngayon,” mahaba kong paliwanag ngunit tila hindi siya nakikinig gayong sa iba siya nakatingin.
“S-sila, ayos lang ba sila?” Tinuro niya ang dalawa sa magkabilang ugat ng puno na marahang nakapikit at tila mahimbing na natutulog.
“Oo. Ayos lang sila. Tila nagpapahinga pa sila gayong masyado silang nanghihina base sa kanilang kalagayan.” Kaagad naman siyang napatango at marahang bumuga ng hangin.
“Tila hanggang ngayon ay nanghihina pa rin tayo sa tuwing pinaliligiran o pinalilibutan tayo ng apoy. Isa sa mga kahinaan nating mga elemental sorcerer ay ang ma-expose sa abilidad ng elemental warriors katulad ng nangyari sa atin kanina,” mahabang paliwanag ni Blizzard.
Kaagad na napakunot ako ng aking noo. Ibig sabihin pala niyon ay walang halong engkantasyon ang apoy na ginawa ng mga warrior kanina. Kung gayon pala isa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit wala akong naramdamang panghihina.
“N-ngunit hindi ako nanghina kanina!” saad ko kaya’t marahan siyang napakunot ng noo.
“A-anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong niya sa akin. Marahan din siyang napahawak sa kaniyang sintido ngunit hindi naman niya iyon dinaing gayong para wala lang sa kaniya iyon.
“Iyon din ang aking ipinagtataka. Bakit hindi ako nanghina kung walang halong engkantasyon ang ginamit na abilidad ng warrior? Hindi kaya...”
Napaisip din si Blizzard sa sinabi ko. Tila wala ng iba pang dahilan kung bakit hindi ako nanghina. It only means that I am a physical class sorcerer if I am not mistaken, given that I didn’t wilt because of the fire that surrounded us a while back.
“P-paano nga pala tayo napadpad sa lugar na ito?” muling tanong sa akin ni Blizzard.
Napahilamos na lang ako sa aking mukha. Tila hindi nga siya nakikinig kanina. “Ang totoo kasi niyan ay hindi ko rin alam. Bigla na lang tayong napunta sa lugar na ito nang iminulat ko ang aking mga mata. Hindi mo ba nagagamit ang iyong gift bago ka mawalan ng malay?” Agad na nagsalubong ang kilay niya.
“H-hindi ko alam,” nakakibit-balikat na wika niya. “Wala akong natatandaan matapos nang lumiyab ang apoy. Pagkatapos niyon ay tila nawalan na ako ng malay,” paliwanag niya kaya’t lalo lang akong binalot ng aking kuryusidad.
“Kung hindi siya, sino naman kaya ang tutulong sa amin?” tanong ko sa aking sarili. Hindi naman maaaring ako gayong hindi ko naman alam ang gift na mayroon ako. Isa pa, isa lang akong ordinaryong tao na napadpad sa katawan ni Zeniya. Ngunit kung mayroon man akong abilidad dito sa mundong ito ay maaaring ang abilidad ni Zeniya ang tila natatangi kong kayang gawin ngunit wala ni isa sa kanila ang nakakaalam kung anong class o gift mayroon si Zeniya kaya’t isa rin iyong malaking katanungan.
Sa kabilang banda naman, wala pa ring malay ang assassin na kasama namin. Nakaupo pa rin siya sa silya habang balot na balot siya ng kulay pulang likido sa kaniyang damit at katawan lalong-lalo na ang kaniyang mukha. Hanggang ngayon ay nasa ganoon pa rin siyang kalagayan habang nakatali pa rin ang sarili sa kaniyang inuupuang silyang yari sa kahoy.
Marahan akong tumayo saka nilapitan siya upang tingnan kung may pulso pa ba siya o wala na. Nanginginig kong tiningnan ang pulso mula sa kaniyang leeg gayong ngayon ko pa lang mararanasan na hawakan ang isang taong tila nag-aagaw buhay at hindi pa alam kung makakaya pa ba niyang mabuhay mula sa natamo niyang mga sugat.
I felt relieved when he still had a pulse and I hope he’s still okay and kicking after having those enormous wounds on him.
Habang kinikilatis ang kaniyang mukha ay bigla na lang siyang nagmulat ng mata kaya’t marahan akong napaatras nang dahil sa gulat. Kaagad din akong napahawak sa aking dibdib dahil halos hindi ako nakahinga nang magmulat siya ng mata.
It seems to be a corpse who just brought his life back and I was very surprised after witnessing such. Sino ba naman ang hindi magugulat kung bigla-bigla na lang magmumulat ng mata ang taong akala mong walang malay o mahimbing na natutulog?
That's kinda creepy!
“G-gising ka na pala!” wala sa oras na saad ko habang siya ay marahang umayos ng upo at napapainat dahil siguro sa kaniyang mga sugat.
Marahan ko namang tinanggal ang busal sa kaniyang bibig upang siya ay makapagsalita.
“S-sino ka?!” gulat na wika niya sa akin nang magtama ang aming nga mata sa isa’t isa. He had this faded green eyes which totally enticed me. Ngayon lang kasi ako nakakita ng taong may ganoong kulay ng mata at nakakapanibago sa isang tulad ko na makakita niyon sa harap ko.
They were beautiful like the tall green grasses and trees everywhere that brought colors to the surroundings.
“A-ako si Zeniya!” panimula ko pero bahagyang nagpalinga-linga siya sa paligid gayong tila iniisip niya na ako na ang may hawak ng buhay niya at handa siyang patayin ano mang oras. “May masakit ka bang nararamdaman sa ngayon?” tanong ko naman kaya’t agad na napaharap siya sa gawi ko mula sa kaniyang paglinga-linga kanina.
I can read on his bruised face a little shock but later became serious by how he fixed his eyes towards mine.
“Ayos lang ako,” simple niyang tugon. “Ikaw ba ang nagligtas sa amin mula sa nasusunog kong munting tahanan?” tanong naman niya sa akin ngunit hindi ko alam ang aking isasagot.
“Hindi ako sigurado, lalaking mula sa assassin tribe,” panimula ko kaya’t napakunot siya ng noo. Tila tinatanong niya kung paano kami nakalabas. “Bigla na lang kasing nagbago ang paligid nang iminulat ko ang aking mga mata at wala rin akong natatandaan na nagsabi ako ng engkantasyon upang makalabas tayo mula sa loob ng iyong nasusunog na kubo,” mahaba kong paliwanag.
Hindi naman siya nagtanong pa kaya’t napatahimik na lang ako. ngunit makalipas ang ilang sandali ay narinig kong muli ang nanghihina niyang boses. “Maaari ba akong makahingi ng pabor mula sa iyo?”
Kaagad na napakunot ako ng aking noo. Ano naman kaya ang hihinging pabor ng isang assassin mula sa akin?
“A-ano iyon?” tanong ko na lang habang sinisipat ang tatlo mula sa aking likuran.
“Maaari mo ba akong kalagan mula sa aking pagkakagapos?” tugon nito ngunit bago ko pa man kalagan ang lalaki ay nagsalita na kaagad si Blizzard.
“Huwag, Zeniya!” malakas nitong wika mula sa kaniyang pagkakaupo kaya’t napatingin ako sa pigura niyang nakatalikod sa akin.
“B-bakit, Blizzard? Mayroon bang problema?” nagtataka kong tanong sa kaniya. Hindi naman siya humarap nang tanungin ko siya kaya’t lumapit ako sa kaniya.
Nang tuluyan na akong makalapit ay hinila niya ako sa aking braso kaya’t napaupo ako sa kaniyang harap pagkatapos ay may ibinulong sa akin.
“Hindi mo maaaring kalagan ang lalaking iyon dahil hindi tayo sigurado kung nagsasabi siya ng totoo kanina,” mahinang wika nito malapit sa aking tainga na ikinakunot ng aking noo.
Does that means she doubt this assassin who is with us? Pero bakit? Bakit parang iba ang pakiramdam ko sa winiwika ni Blizzard patungkol sa lalaking iyon?
“Tapatin mo nga ako, Blizzard. M-may problema ba?” mahinahon kong tanong ngunit hindi siya umimik. Tila may pumipigil sa kaniya upang magsalita ngunit hindi ko naman maintidihan kung anong pakahulugan ng kaniyang sinabi at kung bakit tutol siya sa pagtulong sa lalaking assassin na iyon. “Magkaibigan tayo, hindi ba Blizzard? Hindi ba?”
Marahan siyang humikbi at makikita ang marka ng nagbabadyang luha mula sa kaniyang mga mata. Wala naman akong sinasabing mali bukod sa pagtatanong kung magkaibigan kami.
Nabigla na lang ako nang agad niya akong yakapin saka humagulhol sa iyak. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit naging ganito ang reaksyon niya.
It is very unusual of her to see her like this. Tila mayroong nangyari mula sa kaniyang nakaraan ngunit hindi ako sigurado sa aking mga iniisip.
But why does seeing her cry on my shoulder pained me in some ways?