A beautiful blue sky and green tall trees were too mesmerizing and a great sight while walking through nowhere. Wala na akong alam sa tinatahak naming daan gayong ang lahat ay wala ring nalalaman kung nasaang parte na kami ng gubat ng Veonniphere. Tila walang katapusang kagubatan ang aming nilalakad sa ngayon.
I was glad that the three of them already recovered while the assassin who is with us is still recovering, but seeing them okay was also a great sight and made me smile for some reason.
After a couple of hours of resting earlier, it seems to be effective to regain their strength and body condition. However, it doesn’t count the fact that they are still psychologically unstable and of course, emotionally.
And due to some few reasons, I helped the assassin to free the chain from the chair where he was sitting a while ago but didn't totally loosen the chain on his body. That’s what the assassin told me to do so since Blizzard is opposed to help him. Isa pa, tila binabalot ng engkantasyon ang kinakalawang na kadena sa kaniyang katawan at iyon ay maaaring ang pumipigil sa kaniya upang hindi niya magamit ang kaniyang abilidad o hindi kaya’y ang gift na mayroon siya ngunit pumayag naman siya na manatili ang kadenang iyon sa kaniyang katawan.
“Isang ilog!” malakas na sigaw ni Sapphire mula sa unahan kaya’t nabali ang aking malalim na pag-iisip. Nasa unahan kasi silang dalawa ni Cerulean at nasa likod naman kaming tatlo nina Blizzard at kasama naming mula sa assassin tribe.
Tila nagalak naman ang lahat sa winikang iyon ni Sapphire gayong ang lahat ay tumakbo patungo roon habang ako ay naiwang naglalakad at nakatanaw sa kanilang mga likuran.
Nang makarating silang tatlo ay kaagad na sumisid sila sa ilog habang matatanaw rin ang isang water falls mula sa itaas. Tila simpleng ilog lang iyon katulad ng ilog sa aking mundo. Ang kinaibihan lang ay ang kulay nitong kulay mala-asul tulad ng kalangitan.
Maririnig mula sa malayo ang malakas na pag-agos ng tubig mula sa itaas. Halos wala rin akong marinig bukod doon at sa halakhak ng tatlo habang naliligo roon.
They were as if children who were not permitted to go outside and play or let them bathe at sea nearby by their guardians. Makikita sa kanilang mga mukha ang saya mula sa paliligo roon kaya’t marahan akong napangiti habang pinapanood silang nagtatampisaw sa ilog.
Samantala, ang assassin namang kasama namin ay nasa tabi ng ilog at naghihilamos ng mukha habang nakababad naman ang kaniyang mga paa sa tubig. He can still use his hands though since the chains was like hanged all over his body to restrain him to do such unexpected ability-use actions.
Nang makalapit ako sa b****a ng ilog ay naupo ako sa malaking batong naroon habang pinanonood silang nagsasaya. Ayaw ko namang maligo roon gayong hindi ako marunong lumangoy at isa pa hindi pa ako nakakaranas maligo ng ilog gayong nasa bahay lang din ako.
“Zeniya! Tara maligo!” yaya sa akin ni Sapphire kaya’t napatingin din ako sa kaniya mula sa aking kinauupuan. Muntik ko nang makalimutan na prince charming niya nga pala ang inaakbayan niya. I want to laugh in the sense that she can freely wrap her hands over the nape of Cerulean.
But something pained me in some reason. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang ganoong pakiramdam ngunit hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla na lang bumilis ang t***k ng dibdib ko. Tila bigla akong kinabahan pero hindi ko alam kung bakit at anong dahilan.
Nang magtama ang aming mata ay bigla na lang muling bumilis ang t***k ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan kaya’t kaagad na nag-iwas ako ng tingin.
Why am I feeling like this? Ngayon ko lang naramdaman ang bagay na iyon at hindi ko maipaliwanag sa bibig kung paano nangyari iyon.
“Do I like him?!” I asked myself.
Mahina kong sinampal ang sarili ko. No way! Ako, magkakagusto sa kaniya? That is completely absurd! Malakas na humalakhak ako mula sa aking kinauupuan gayong paano ako magkakagusto sa lalaking iyon e gusto siya ni Sapphire? In fact we are not in good terms since the day he left me on the alley. Additionally, masyado siyang...
I lost my words when I realized that everyone was looking at me. Nagtataka kong tiningnan silang lahat. Anong problema ng apat na ito at bakit lahat sila ay nakatingin sa akin?
Wait! Did they realize what am I thinking?
Puto naman! Sana wala sa kanila ang marunong magbasa ng isip dahil kapag nagkataon, patay na ang naglason!
Kaagad na kinatusan ko ang aking ulo saka paulit-ulit na tinampal ang aking noo. Inalog-alog ko rin ang aking ulo para mawala sa isip ko ang bagay na iyon. I am doomed if they realized what’s on my mind.
“Ayos lang yan, Zeniya!” Kaagad na napalingon ako sa may bandang kanan ko kung nasaan naroon ang assassin na kasama namin. “Ako lang makakaalam!” He gives me thumbs up then winked at me. Marahan naman siyang napadaing dahil tila napuwersa ang kaniyang sugat sa kaniyang mukha sa ginawa niyang pagkindat.
So he has the gift of telepathy? So that also means that he knew it all along then? Kapag minamalas ka nga naman oh! How would I be able to face him if he already knew it?
Wait... Does that mean he can use his gift with the chain on him? Is he tricking us?
“Simpleng kadena lang kasi ‘to! Walang espesyal na engkantasyon ito kaya’t nakakaya kong makipagkomunika mula rito sa tayo ko gamit ang gift na mayroon ako.” He infiltrated my mind again and here he goes to his gift of telepathy.
Sinamaan ko siya ng tingin. I averted my gaze after and for some reason, I started to be swallowed by curiosity again.
If I ever and really am, hindi ako ang may gusto sa kaniya, hindi ba? It was Zeniya’s body to act like this or maybe Zeniya have feelings for him beforehand. If so, I don’t have to be awkward if he will be near at me, right?
Para akong tangang kinakausap ang aking sarili at walang katapusang tinatanong sa aking isip ang maaaring posibilidad kung bakit ko naramdaman ang bagay na ito.
“Zeniya! Ayos ka lang ba?!” Kaagad na napatingin ako sa pamilyar na boses na iyon.
“O-oo naman!” nauutal na depensa ko at marahang umayos nang upo sa inuupan kong malaking bato.
I remain myself in control of me gayong ayaw kong makita niya at nila kung bakit ako nawawala sa aking katinuan. At dahil kapag nalaman nila, maaaring layuan ako ni Sapphire o magalit siya sa akin kahit pa hindi ko alam kung pagkagusto ba ang nararamdaman ko para kay Cerulean at sunod na dahilan ay maaaring tuksuhin nila ako (kung parte o uso iyon dito sa mundong ito.)
I hope this assassin will not say any word out of his tongue because if that happens, I will add wounds on his body or else kill him or continue torturing him, but of course just in my head.
Hindi naman ako marunong pumatay ng kapwa ko tao no! I’m still aware about the ethical principles for humankind or humanity so I will never kill people for my own personal gain.
Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi ko napansin na nasa harap ko na pala si Blizzard habang malawak na nakangiti sa akin.
“Don’t tell me...” I whispered but before I ran off out of her sight, she held me on my arm and teleported towards the river.
Nang nasa tabing ilog na kami kung saan niya ako dinala ay ginapos niya ang aking katawan gamit ang kaniyang mga yakap saka tumalon sa ilog.
Ni wala man lang akong nagawa upang pigilan siya sa kaniyang ginagawa kaya’t nagpadala na lang ako sa pagkahulog mula sa malalim na ilog.
Kaagad na naramdaman ko ang malamig na temperatura ng tubig kaya’t marahan akong nagising mula sa aking inaantok na mga mata. Nang tingnan ko ang tubig ng ilog ay may mga maliliit na isdang naroon na tila naglalaro din ng habol-habulan habang pinaiikutan ako ganoon din sina Cerulean at Sapphire.
The river was like a healing for me and it somewhat makes me feel relaxed. Tila habang sa patagal nang patagal akong nakababad sa tubig ay unti-unti kong naiipipikit ang aking mga mata. Masyadong nakagagaan ng pakiramdam ang tubig at parang dinuduyan ka niyon sa pagtulog.
Akala ko ay tutulungan nito akong magising ngunit pilit ko mang gustong imulat ang aking mga mata ay hindi ko mapigilan at tila mas gugustuhing ko na lang matulog sa ilalim ng ilog.
Seems like something was helping me to fall asleep but I am afraid if I fall under the surface. I am not sure if someone will help me out if I fall because I can't take the feeling anymore. Dahan-dahan ko nang nararamdaman na malapit ko ng tuluyang ipikit ang aking mga mata. Tila wala na akong balak na igalaw ang aking katawan dahil natatalo ako ng antok. I am very sure that something was special in this river that made me feel like this.
I can slowly feel my body started to withdraw inside me, like my soul was being taken from me. I cannot feel anything but a feel of wanting to close my eyes forever.
What if I let myself to sink under? Will I go back to the world I really belong? Pero paano naman ang mga taong naging tahanan ko na rin na nagpapasaya sa akin at ang mga bagay na hindi ko nagagawa sa mundo ko ay hindi ko na muli pang magagawa?
But there’s also something that telling me I must take control my desire of falling asleep.