I slowly opened my eyes as I felt the heat and light directly kissing my skin from above. My vision was still blurry and cannot seem to see anything but the light that dazed my eyes.
“Zeniya!” they called me in unison while gently shaking my shoulders to wake me up.
Marahan akong napaubo at hindi ko inaasahang may lalabas na tubig mula sa aking bibig. Mula sa pagkakahiga ay agad na napaupo ako saka muling umubo. Naramdaman ko naman ang marahang paghawak nila sa aking balikat upang tulungan akong maupo.
“A-ano na ang pakiramdam mo, Zeniya?!” kaagad na tanong ni Sapphire sa akin nang matapos kong umubo at mailabas ang tubig sa aking katawan habang ramdam ko naman ang kanilang paghagod sa aking likod. Hawak ang aking dibdib ay hinahabol ko ang aking hininga at habang humihinga nang malalim ay hindi ko lubos maisip kung anong totoong nangyari sa akin sapagkat halos blangko ang nasa isip ko ngayon.
Makalipas pa ang sandali ay walang lumabas sa aking bibig at tumango na lang ako bilang tugon. Ni hindi ko alam ang nangyari. Ang natatandaan ko lang ay unti-unti akong nilamon ng ilog pailalim at wala akong magawa kung hindi ang magpadala roon habang marahang ipinipikit ang aking sarili. Para bang may sariling buhay ang aking katawan upang hayaan ang sarili na pumailalim sa ilog.
“Isa iyong Ilog ng Damdamin.” Kaagad na napalingon kami sa nagsalita at agaran ko rin namang ikinakunot ng aking noo. The assassin was in front of us while his attention was on playing with the small stones on the ground.
“Ilog ng Damdamin?” sabay-sabay na tanong namin sa assassin na kasama namin. Hindi pa rin siya lumingon bagkus ay diretso lang siya sa kaniyang paglalaro ng mga bato.
Well maybe, he was really here for a long time so he knows something about that river. And besides, he can roam around at this place since it is nearby from his house. He can also use his ability to lurk as too far as he can.
Nang pagmasdan ko ang kapaligiran ay nasa tabi kami ng ilog. Makikita pa rin sa paligid ang matatayog na mga puno at halaman na pinagsama-samang kulay asul, berde, at lila. Marahan ding nakasisilaw ang liwanag ng kalangitan habang ako ay nakahiga mula sa isang malambot na tela.
Pansin ko sa aking mga kasama na basang-basa pa rin ang kanilang mga suot gayong makikita ang kanilang magagandang hulma na katawan na niyayakap ng kanilang basang unipormeng pamasok. Marahan ding tumutulo ang tubig mula sa kanilang ulo at basang buhok.
“Ang Ilog ng Damdamin ay isang ilog kung saan ang inyong mga gustong maramdaman ay ipararamdam sa inyo kapag nagtagal kayong nakababad sa ilalim niyon. Bibigyan kayo niyon ng pagkakataon na ipakita sa inyo ang inyong kagustuhan nang hindi niyo napapansin,” mahabang paliwanag niya.
So that means my system desires to sleep?
Bigla na lang sumagi sa isip ko ang mundo ko kung saan tanging ang paggawa ng mga gawain sa paaralan at deadline na lang ang tila naging routine ko sa araw-araw habang nag-aaral din para sa darating na final exam. Tila iyon ang dahilan kung bakit gusto kong ipikit ang aking mga mata at matulog na lang.
I badly want to sleep maybe because of the reason that only sleeping might get me escape from that dire reality. Also, I have never been slept at the right time since I have many things to do and complete, and also to pass requirements. Ni hindi na talaga ako makatulog nang maaga dahil idagdag pa ang expectations nina Mom at Dad sa akin dahil gusto nila, lahat ng mga gagawin ko ay naaayon sa kanilang kagustuhan. All of the things that I have chosen was not for me but for them and I don’t think if I really deserved to wake up after falling asleep.
Paano at kailan ko kaya mararamdaman ang pagmamahal nila sa akin? Mararamdaman ko pa rin kaya iyon?
Mabuti pa rito sa mundong ito. I can feel the sincere love from the people around me and the care they have for me, even though it wasn't for me but for the girl whose name is Zeniya.
Hindi ko namalayan na bigla na lang tumulo ang luha ko pababa sa aking pisngi na marahang pinunasan ni Sapphire nang sunod. Marahan siyang ngumiti sa akin saka ako niyakap.
“Salamat naman sa mahabaging Bathala at nagising ka na!” nag-aalalang bulong ni Sapphire sa aking tainga habang nakayakap pa rin sa akin.
She’s really sweet and warm. I hope everyone has friends like these people on their side.
I can’t seem to see Cerulean around. He is nowhere to be found.
Marahang kumalas naman si Sapphire sa akin saka muli akong nginitian. “S-salamat!” Nginitian ko silang dalawa ni Blizzard saka marahang tumayo. Agad naman nila akong inalalayan upang makatayo nang maayos.
Muling hinanap ng aking mga mata ang isang tao na kanina ko pa hinahanap ngunit bigo pa rin ako. “N-nasaan pala si Cerulean?” tanong ko sa kanila habang inililibot pa rin ang aking tingin.
“Hindi siya nagpaalam ngunit umalis siya makatapos niyang makita kang nagkaroon na ng malay,” tugon sa akin ni Blizzard. “B-bakit mo pala siya hinahanap?” dagdag na tanong naman niya.
“W-wala,” depensa ko. “Nakapagtataka lang kasi gayong hindi kayo kumpletong tatlo. H-hindi ba’t isa kayong team?” dagdag ko.
“Masanay ka na sa kaniya, Zeniya. Lagi siyang umaalis kapag gusto niya,” tugon naman ni Sapphire sa akin kaya’t napatango na lang ako bilang pagsang-ayon. “Oo nga pala, may nasabi sa amin si Chartreuse kanina nang mawalan ka ng malay. Totoo ba ang sinasabi niya?” dagdag ni Sapphire habang nakatingin sa assassin na kasama namin kaya’t bahagya akong kinabahan.
So Chartreuse was his name then. At sinabi niya ba na may nararamdaman ako para kay Cerulean? Did he just spill it when I was unconscious?
Kaagad na sinamaan ko siya ng tingin saka sinugod siya sa kaniyang ginagawa. Kaagad na hinila ko siya patayo saka dinala siya malayo sa dalawa.
Nang makalayo-layo kami ay gulat na tiningnan niya ako habang nakataas ang kaniyang mga kamay sa ere. “S-sandali, sandali, sandali!” sunod-sunod niyang wika habang napapapikit dahil marahan kong nasanggi ang kaniyang sugat mula sa kaniyang leeg.
“A-anong sinabi mo sa kanila nang wala akong malay?” pabulong na tanong ko sa kaniya upang hindi marinig ng dalawa ang aking sinasabi.
Mahirap na kapag nalaman nila ang tungkol doon. Maaari ko namang ipaubaya ang nararamdaman ko kung nararapat. Ayaw ko lang mag-away kami dahil lang doon.
“Huh?!” nakakunot-noong tanong niya sa akin habang hindi ko lubos maisip kung tila nagpapanggap lang siyang walang nalalaman o hindi. “Sinabi ko lang naman ang totoo ah!” dagdag pa niya kaya’t mahina ko siyang pinalo sa kaniyang braso na agad na ikinangiwi niya.
“Ang sabi mo sa akin hindi mo sasabihin sa kanila!” Bahagyang pumadausdos ang gabutil na luha pababa sa aking pisngi. “Akala ko pa naman mapagkakatiwalaan kita!” Tinakpan ko ang aking mukha gayong muling namumuo na naman ang luha sa akin g mga mata.
“A-ano ba ang sinasabi mo?” tila naguguluhan pa rin niyang tanong sa akin. “Ang sinabi ko lang naman ay ang tungkol sa kung bakit mo hinayaan ang sarili mong pumailalim sa Ilog ng Damdamin at ang dahilan niyon. Hindi ba’t online class ang may dahilan kung bakit mo gustong ipikit ang iyong mga mata o nagkakamali ako?”
Kaagad na pinunasan ko ang aking mga luha nang marinig ang sinabi niya. “I-ibig bang sabihin ay hindi mo sinabi ang tungkol kay Cerulean?” tanong ko sa kaniya.
“A-anong tungkol kay Cerulean?!” kaagad na napalingon kaming dalawa sa nagsalita.
“Blizzard!” gulat na wika ko nang makita siya sa hindi kalayuan. Tila narinig niya lahat ang aming pinag-usapan kaya’t muli akong kinabahan.
“Zeniya! Anong mayroon kay Cerulean?!” seryosong tanong niya habang naglalakad papalapit sa aming tayo.
“Ah... eh...” Wala akong mahagip na tamang salita upang i-depensa ang aking sarili. Tila natameme at nagulat ako sa biglaang pagdating ni Blizzard.
“Zeniya, sagutin mo ako!” tila umuusok ang tenga na wika ni Blizzard sa akin samantalang ako ay hindi ko pa rin alam kung anong sasabihin ko.
“A-a-ang totoo k-kasi niyan a-ay... a-ay...” Hindi ko alam kung ito na ba ang oras para sabihin ko sa kaniya ang tungkol doon gayong ngayon ko lang naramdaman ang bagay na iyon. It is not that serious because I only feel it for once and maybe it will fade as time goes by.
“May gusto siya kay Cerulean!” Kaagad na napatingin ako kay Chartreuse na pilit akong nginitian kaya’t sinamaan ko siya ng tingin saka mahina ko muli siyang hinampas sa kaniyang balikat at sinamaan ng tingin.
“K-kung iniisip mo na may gusto ako sa kaniya, Blizzard, o-oo... may gusto ako sa kaniya,” pag-amin ko. “P-pero ngayon ko lang iyon naramdaman at walang kasiguraduhan kung magpapatuloy pa iyon pagdating ng araw. G-gusto ko lang siya pero h-hindi ko siya mahal!” pag-depensa ko naman.
“Pero nagtago ka pa rin sa akin, Zeniya! Akala ko pa naman hindi ka na muling magtatago ng sikreto sa akin pero nagkamali ako. Akala ko lang pala iyon!” Pilit siyang ngumiti sa akin pero kaagad din namang siyang sumeryoso.
“S-sasabihin ko rin naman sayo–”
“Kailan?!” putol niya sa akin. “Kapag lumalim na ang naramdaman mo para sa kaniya?” Bigla na lang siyang naglaho sa aming paningin at nakita ko na lang nasa tabi na siya ni Sapphire na halos sampung metro ang layo sa amin.
Kita ko mula sa aking tayo na may binulong si Blizzard kay Sapphire dahilan upang tumingin sa gawi ko at samaan ako ng tingin saka tumalikod sa akin.
So that means Blizzard already told her everything and it pains my heart that much because of this feeling. How would I be able to face Sapphire and Blizzard now?
It's all my fault in the first place though. Bakit ba kailangang kay Cerulean pa ako magkagusto? Bakit sa kaniya pa? And now I lost my friends who really loved Zeniya and I ruin her life because of this feeling.
I thought I am far different from my parents but no, I wasn’t. I was also like them ruining others’ future. And I know that feeling of controlling someone although it wasn’t their choice in the first place. It was my choice to tell them the truth and my personal feeling and not the real Zeniya.
Napaupo na lang ako at isinandal ang aking likod sa puno saka niyakap ang aking tuhod. “Paumanhin, Zeniya.” Marahan siyang lumuhod upang makapantay ako. “H-hindi ko sinasadya na ganoon ang mangyayari. Paumanhin talaga, Zeniya!”
“H-hindi mo kasalanan, Chartreuse. Ako ang may kasalanan ng lahat,” saad ko habang nakasubsob ang mukha ko sa aking nakayakap na tuhod. “Nagkagusto ako sa taong gusto rin ng kaibigan ko at isa iyong malaking pagkakamali!”