Marahang inihahakbang ko ang aking mga paa sa gitna ng madilim na kapaligiran na tanging mga kulisap at kuliglig lang ang natatanging maririnig.
Bahagya na ring sumisilip ang buwan sa itaas na naging tanglaw ko sa ilalim ng dilim. Hindi ako sigurado kung anong oras na ngayon pero natitiyak ko na alasais imedya na ng hapon.
Muli akong naglakad sa makipot at madilim na daan habang mahigpit na hinahawan ang suot kong cloak na tinatabunan ang aking buong katawan samantalang ang hoodie niyon ang aking naging pangkubong sa aking mahabang buhok.
Mahigpit na hinahawakan ko rin ang dala kong mapa na halos hindi ko na rin maaninag nang dahil sa dilim. Hindi na rin ako sigurado kung nasaang lupalop na ba ako ng akademya.
Kaluskos ng mga dahon ang nagpaalerto sa akin at dahilan din upang igala ko ang aking mga mata. Walang kasiguraduhan kung mapanganib sila o hindi, at hindi ko na lubos alam ang gagawin ko oras na may umatake na naman sa akin upang kitlin ang aking buhay. Hindi pa ako handa kapag nangyari ang bagay na iyon at hindi ako papayag na sa isang panaginip ako mamamatay.
I can hear the strange sounds and I don’t want to think that it would be the trees again. No way. Not today. I feel in those sounds someone’s temptation to kill me and maybe if he or she attacks, I won't be able to handle it.
Kinakabang nagpatuloy ako sa aking paglalakad at sa huli kong hakbang ay napasigaw ako nang malakas. Sa hindi inaasahan ay nahulog ako patungo sa ilalim ng lupa. Wala akong nagawa kung hindi ang magpadaloy sa kung saan ako dalhin ng butas na iyon na tila ba nagpapadausdos ako sa isang slide.
Patuloy pa rin ako sa pagsigaw gayong hindi ko mapigilan ang sarili ko tungkol sa nangyayari. I was being abducted by the soil of this world and if I am not mistaken, maybe this slide will take me to the inner core of the Earth.
Halos nagpapaligsahan sa pagtakbo ang dibdib ko at ang aking sariling patuloy pa rin sa pagbaba mula sa pinagkahulugan kong butas. Hindi ko naman mapigilan na hindi dumiretso gayong wala akong mahawakan. Tila walang katapusan ang tila lagusang ito at maaaring sa sobrang kaba na ako maaaring mamatay. Halos mag-init na rin ang aking likuran dahil sa patuloy na pagkikiskisan ng likod ko sa matigas na lupa. Tanging boses ko lang din ang maririnig at halos mabingi ako sa echo na dinudulot niyon.
Mula sa aking pwesto ay marahang sumisilip ang liwanag sa dulo kaya’t nabuhayan ako ng loob gayong maaaring iyon na ang dulo ng lagusang ito.
Nang makalapit na ako sa liwanag ay napapikit ako kaagad dahil sa nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa paligid. Nakapagtataka lang na kanina lang ay sobrang dilim samantalang sa lugar na ito ay tila inangkin ang liwanag.
Kaagad na napasigaw ako habang hinihintay ang sarili na bumagsak sa isang konkretong sahig. Ni hindi ako sigurado kung buhay pa ba ako pagkatapos kong mahulog sa isang malalim na bangin.
Kahit na nakapikit pa rin ako habang hinihintay ang sarili na mahulog ay napapa-inda na lang ako sa bawat sanga ng punong marahas na dumadampi sa aking balat. Pero hindi ako sigurado kung sanga nga ba ng puno ang bagay na dumadampi sa balat ko gayong mainit ang temperatura niyon hindi katulad ng karaniwan kong nararamdam sa Sorzendom Continent.
Kaagad na napainat ako sa sobrang sakit na dinulot ko nang tuluyan na akong mahulog sa lupa. Marahan kong binuksan ang aking mga mata habang pakurap-kurap na tiningnan ang kapaligiran. Halos sumakit na rin ang aking mga mata gayong kanina lang ay sobrang dilim ngunit ngayong napadpad ako sa lugar na ito ay tila nasobrahan naman sa liwanag.
Nang tuluyan nang maka-adjust ang aking mga mata sa liwanag ay muli kong binuksan ang aking mga mata pero agad na rumehistro sa akin ang pagkagulat dahil sa mga armas na nakatutok sa aking direksyon.
They are wearing a bandana on their heads, halfly covering their raven black hairs. A brown loose three-fourth shirt, patterned with curves and straight lines was evident. It was partnered with below the knee skirt with same patterns and a three-layered necklace hugging their long and beautiful necks. I roamed my eyes everywhere but I most likely noticed that they are all women, covered in such dress code.
“Sino ka! At bakit ka narito?” a voice asked from the group.
I was so shocked by how they put their guns at my direction and one wrong move can change my life forever.
“A-ako si Zeniya. Iyon lang ang nalalaman ko sa aking sarili,” tugon ko. “Pakiusap, huwag niyo akong patayin,” saad ko habang bakas sa aking boses ang kaba at marahang panginginig. Marahan din naman nilang ibinaba ang kanilang mga armas kaya’t nakahinga ako kaagad ng maluwag.
Hindi ko naman kasi sinasadyang magtungo rito sa lugar na ito. Wala namang nakapagsabi sa akin na shortcut pala ang nadaanan ko patungo sa ibang continent. Sana sa susunod ay may nakalagay na karatulang makapagsasabi kung anong maaaring mangyari oras na mahulog o mapadaan sa lugar na iyon.
Hindi maiaalis sa kanila ang pagkilatis gamit ang kanilang mga mata. Para bang may iba pang pakahulugan ang mga tinging ipinupukol nila sa akin.
Marahan akong tumayo upang pagpagan ang aking sarili saka nilapitan ko ang isa sa kanila upang matanungan ko tungkol sa lugar na ito.
“Paunmahin, ngunit maaari mo bang sabihin sa akin kung nasaang kontinente ako?” halos pabulong na tanong ko sa kaniya. “At bakit tila walang gabi sa lugar na ito?” dagdag ko pa.
Hindi naman siya umimik bagkus ay narinig ko na lang ang pagkasa ng kaniyang b***l na agaran niyang itinutok sa aking direksyon. Naging alerto naman ang kaniyang mga kasamahan sa naging kilos na iyon ng isa sa kanilang kasama.
Huli na nang mapagtanto ko kung saang kontinente ako naroroon. They are using guns anyway, so that means I am at the Agrojan continent, the continent of Gunner tribe.
Kung hindi ako nagkakamali ay ginagamit nila ang kanilang mga mata para sa mga long-ranged shots o hindi kaya’y may iba pa silang kakayahan bukod doon.
“Ang mga mata namin ay nababase sa kung anong class nabibilang ang isang gunner,” saad ng isa na marahang papalapit sa direksyon ko. Tila nabasa niya ang aking iniisip kaya’t pinaningkitan ko siya ng mata.
“A-ano ang ibig mong sabihin?” takang tanong ko sa kaniya.
“Ang pagkakaroon ng medyo dark yellow na mga mata ay sumisimbolo na ang isang gunner ay nabibilang sa physical class samantalang kapag medyo maliwanag ito o bright yellow, nabibilang ang isang gunner sa elemental class,” maikling paliwanag nito na hindi ko pa rin mawari kung anong pakahulugan ng sinasabi niyang iyon.
“Paumanhin sa abala. Ngunit hindi ko lubos maintindihan ang iyong sinasabi. Ni wala akong maalala tungkol sa iba’t ibang kontinente at kahit ang aking sarili ay hindi ko lubos kilala,” saad ko na lang na naging dahilan ng kanilang malakas na bulungan. “May makatutulong ba sa akin upang bumalik ang aking alaala?” dagdag ko.
Ang lahat ay napatingin sa isang direksyon. “Pinuno!” sabay-sabay na wika ng mga ito habang marahang lumalapit ito sa direksyon ko. Marahan ding yumuko ang lahat upang tila tanda ng kanilang pagrespeto sa kanilang pinuno. Kahit ang kaniyang presensiya ay nakakakaba na at ramdam ko mula rito ang malakas na enerhiyang bumabalot sa kaniya.
“Hija!” mahinang wika niya sa akin pero sapat na upang marinig ko. Ngumiti naman ako nang malawak saka akmang aalalayan ngunit pinalo niya ako kaagad sa aking binti gamit ang kaniyang mahabang tungkod kaya’t bahagya akong napayuko.
Agad na napahimas ako sa aking binti. Mahina lang naman ang kaniyang pagpalong iyon pero medyo masakit iyon.
“Magandang...” Napatingin ako sa kalangitan. Madilim ang langit at makikita roon ang buwan ngunit ang kapaligiran ay nababalot ng liwanag. Ang lahat ng mga nakikita ko ay tila nasisinagan ng matinding ilaw mula sa buwan ngunit mas maliwanag pa roon. Tila isang kapaligiran kung sakaling kumidlat nang mas matagal sa isang segundo.“Magandang gabi po,” pagpapatuloy ko saka yumuko.
“Tila nagmula ka sa Sorzendom,” saad ng pinuno ng Gunner tribe sa mahinang boses.
Gulat ko siyang tiningnan. “P-paano niyo po nalaman?” tanong ko naman.
“Dahil sa iyong kasuotan. Ang bawat tribo ay nagsusuot ng kani-kanilang kasuotan base sa kulay ng kanilang mga tribo,” tugon ng pinuno ng Gunner tribe.
Ngayon ay hindi ko pa rin maintidihan.
A tribe is classified based upon their physical and elemental abilities?
Pero anong mayroon sa physical at elemental class? Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapaisip tungkol doon.
“Kung gayon, maaari niyo po bang tingnan kung anong class ako nabibilang?” tanong kong muli sa kaniya kaya’t lumapit ako at lumuhod nang bahagya upang kilatisin niya ang kulay ng aking mga mata.
Marahan niyang tiningnan ang aking mga mata. Nagulat na lang ako nang halos matumba si Lola sa kaniyang kinatatayuan. Kaagad din namang tumakbo papalapit ang dalawang babae upang siya ay alalayan habang hindi naman maipinta sa mukha ang naging reaksyon ni Lola.
“A-anong nangyayari kay Lola?” nag-aalalang tanong ko sa dalawang babaeng umaalalay sa kaniya.
“A-ang a-aklat!” nanginginig na wika nito ngunit napapakunot noo lang ako gayong hindi ko maintidihan kung saan patungkol iyon.
“Ano pong aklat ang sinasabi niyo Lola?” Nagugulumihanan na ako sa sinasabi niya. Ni walang akong kaide-ideya sa aklat na sinasabi niya. Hindi pa rin ako nakakatungo sa library kung sakali man.
“Ang aklat ay muling nagbalik kaya’t muling mauulit ang nakaraan!” Halos kapusin sa boses si Lola nang sabihin niya iyon. Dahan-dahan silang nagsimulang maglakad habang nakaalalay ang dalawang babae sa pareho nitong braso.
“Paumanhin, Zeniya,” wika ng isang babae saka tinapik ang aking balikat. Ang iba ay umakyat muli sa puno habang ang iba ay sumunod kay Lola. “Maaaring hindi pa rin maayos ang kalagayan ni Pinuno kaya’t ganoon na lamang ang kaniyang naging reaksyon.”
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. “Ako pala si Fawn. Fawn Alinac.”
She gave me her hand and I unhesitatingly accepted it. “Zeniya. Zeniya na lang gayong hindi ko alam ang aking apelyido sapagkat wala pa rin akong maalala.” Nginitian ko siya nang pilit at muli naman siyang nagsalita.
“Napakagandang pangalan. Halika at ihahatid kita sa akademya. Tila naligaw ka habang naglalakbay,” nakangiting wika nito sa akin kaya’t nginitian ko siya saka tumango.
Fawn escorted me to the way towards the academy. Pero hanggang ngayon ay isang malaking katanungan pa rin sa akin ang sinabi ni Lola. Was she pertaining to me?
Anong nakita niya sa kulay ng mga mata mo at bakit ganoon na lang ang kaniyang naging reaksyon?