Chapter 13 - Class and Gift

1801 Words
Wala sa sarili akong nakatingin sa kisame ng aking kwarto. Tinatanaw ang maliliit na detalye niyon habang bumabagabag pa rin sa isip ko ang nangyari. I need answers about who I really was, of who I really am. Sino nga ba itong si Zeniya at tila bakit ayaw nilang sabihin sa akin nang diretso kung sino ako? Wala akong mahanap na kasagutan sa mga tanong ko sa aking sarili. Wala akong kaide-ideya kung bakit ko nararananaan at nararamdaman ang bagay na ganito na dapat hindi ko maramdaman sa isang panaginip. Dumagdag pa sa isipin ko ang babaeng hinahamon ako sa susunod na buwan para pababain ako sa ranggo. That lunatic b***h! Hindi ko naman din siya siguro masisisi dahil mataas ang ranggo ko kung ikukumpara sa kaniya Tila kailangan ko na lang muna ito itulog upang sakali ay mabawasan ang aking iniisip. Ni wala rin akong kaide-ideya tungkol sa mga class ng naririto sa lugar kung nasaan ako at mga abilidad na sinasabi kanina ng mga Gunner tribe. Napapaisip tuloy ako kung ano ang aking abilidad. Am I a sorcerer here or the other kind of tribe but has just happened that I became friends with sorcerers? Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga saka tumayo mula sa aking kama. I can see my vague reflection from the window but I smiled directly at her. I opened my palm to try to release some energy and produce it as an ice. I concentrated and inhale deeply. Once I am ready to release my element, I was caught of guard by the sudden pang of pain in my head. Kaagad na napahawak ako sa aking ulo. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin. Sobrang sakit ng ulo ko at at parang pinipilipit ako niyon sa akin. Marahan akong napaluhod mula sa aking kinatatayuan at hindi ko mawari kung kailan matatapos ang sakit mula sa aking ulo. Mahina akong napapasigaw ng dahil sa sakit. Para bang hindi na iyon matatapos at wala akong magawa kung hindi maramdaman ang sakit. A flash of memory flashed inside my head. “Zeniya!” Nakarinig ako ng boses sa utak ko at wala akong kaide-ideya tungkol sa taong tumawag sa pangalan ko. Isang sanggol ay nababalot ng tela habang nasa bisig naman ito ng isang lalaki. Tumakbo nang tumakbo ang lalaki sa isang masukal na kagubatan na tila may humahabol sa kaniya. Maririnig ang kaniyang mabibigat na baluti na bumabalot sa kaniyang katawan habang siya ay tumatakbo. The baby was deep asleep as he ran through the deep, dark forest and the baby was so innocent about what is going on. However, the man was tripped against the small stone, having the baby slightly slipped out of his arm. The baby looked at his father with her blue, little eyes. Kaagad na napamulat ako ng aking mga mata nang makita iyon sa aking isip. It felt deeply real. And I can’t help myself but to ask myself “why am I seeing this thing?” I shouldn't be seeing those things anyway but how is that? Nang mawala ang imahe sa aking isip ay dahan-dahang gumaan ang sakit ng aking ulo. Mabilis na tumatakbo ang puso ko na tila ba may hinahabol. ”Zeniya!” kaagad na napalingon ako sa bandang bintana, sakay sa isang mahabang tungkod saka pumasok papasok sa bintana at ipinatong ang kaniyang tungkod malapit sa mesa. His grey hair shone slightly as the light from the moon peeks at the window. He has this aura that anyone could fall for him but might I say I should be telling the otherwise. As he came closer, I can purely see his gorgeous blue eyes making a contact with me. He is tall, wearing a cloak identical to mine which fits him more. “A-anong ginagawa mo rito?” kunot noong tanong ko sa kaniya. Kaagad na tumayo ako at kinuha ang unan sa aking kama. “Subukan mo lang na lumapit, masasaktan ka sa akin!” “H-hindi kita sasaktan, Zeniya. Ako ito! Hindi mo ba ako natatandaan?” he said as his defense. “Hindi kita kilala at hindi kita natatandaan,” diretsong tugon ko naman sa kaniya. “Wala ka bang maalala o kinalimutan mo na talaga ako?” Napangiwi siya na parang bata saka naglakad papalapit sa akin. “Isa pang hakbang, tatamaan ka sa akin!” pagbabanta ko sa kaniya kaya’t kaagad na napatigil siya sa kaniyang paglapit sa akin. “Hindi ako nakikipagbiruan, Zeniya. Wala ka bang maalala?” kibit balikat na tanong niya habang magkasalubong ang kaniyang kilay. Marahan akong tumango at kaagad na rumehistro sa kaniya ang pagkagulat. “Hindi naman siguro kita ka-s*x buddy, hindi ba?” I feel betrayed by myself to ask such question. Eh sino ba naman kasi itong lalaking ito na sa bintana pumapasok? “Hoy! Ang baboy ng iniisip mo! Siyempre hindi!” depensa nito. “Oh! That’s good to hear that.” I sighed out of relief. “Anyway, anong pangalan mo, grey hair?” I put down my pillow and sat upon the faded white couch. “Wala ka talagang maalala?” pag-uulit niya habang magkasalubong ang mga kilay na nakatingin sa akin at nang tumango ako ay lumapit siya saka naupo sa tabi ko. I was hesitant at first dahil medyo naiilang ako at hindi ko pa siya nakikita. Yet, I let go of to whst he'll do. He placed his back of his hand against my forehead. “Wala ka namang lagnat. Saan ka naumpog at bakit kinalimutan mo na ako?” Ngumuso ang mokong na parang bata. “Ako si Cobalt Frost, ang iyong mabuti at gwapong kaibigan.” “Oh! So isa ka rin pala sa kaibigan ni Zeniya,” tatango-tango kong saad. “Siguro? Pero hindi ko alam kung ganoon ang tingin mo sa akin.” Ngumisi siya pero sinimangutan ko lang siya. “So bakit ka nagtungo rito ngayon? Malalim na ang gabi!” tanong ko. “Medyo naboboryo na ako sa dormitoryo namin. Wala akong makausap doon. Siguro magpapalipat na lang ako ng dormitoryo at dito na lang ako makikitira,” saad niya. Nanatili naman akong tahimik pagkatapos niyang sabihin iyon. “Sandali, hindi ka ba magagalit kung sakaling dito ako matulog?” “Bakit naman ako magagalit? Hindi ba’t sabi mo na kaibigan ka ni Zeniya. Hindi naman siguro kita ka-s*x buddy at kapag nangyari iyon, palalayasin talaga kita.” Natawa siya sa sinabi ko. Anong problema ng gunggong na ito. “Ah. Naririnig mo rin pala ang ingay sa kabila. Maaari naman kung gusto mo,” nakangiting wika nito kaya’t kaagad na dinampot ko ang unan sa may couch saka binato sa kaniyang mukha. “Titirisin kita ng buhay kapag nangyari iyon!” Tumayo ako mula sa couch saka naupo sa may kama. Naiwan namang nakaupo sa couch si Cobalt. Tila may dumaang anghel dahil sa biglaang pagtahimik ng apat na sulok kwarto at wala naman sa amin ang gustong magpanimula ng usapan. “Cobalt, maaari ba akong makahingi ng pabor sa’yo?” “Siyempre naman! Ano ba iyon?” abot ngiting wika niya habang nakasandal sa couch. “Maaari mo bang sabihin sa akin ang mga kaalaman mo tungkol kay Zeniya, sa akin?” tanong ko sa kaniya. Alam ko namang nakikinig siya kaya napalingon siya sa gawi ko. “Tungkol sa iyo? Hmmm... Hindi ko alam kung paano kita nakilala eh pero ang alam ko lang ay ikaw ang role model ko. Matalino, matapang, at malakas ang dating mo sa tuwing nasa pagsusulit ka. Iyon ang nagustuhan ko sa’yo.” I was overwhelmed by what he said. Although he is not pertaining to me but rather, to the owner of the name, Zeniya, I felt proud at myself hearing those stuffs from him. “Nakita mo na ba akong gumamit ng aking abilidad? Ni hindi ko pa rin kasi kayang palabasin ang tinutukoy nilang physical o hindi kaya ay elemental.” “Hayss! Bakit mo naman inumpog ang iyong ulo kaya wala ka ngayong maalala? Ganito para madali mong maintindihan.” Umayos siya ng upo saka muling nagsalita, “Ang bawat tribo ay nahahati sa dalawang klase: ang elemental class at physical class. “Ang elemental class mula sa bawat tribo ay may kakayahang manipulahin ang tubig o yelo, ang apoy, ang kidlat, at ang mga halaman. Samantalang ang physical class ay may kakayahang manipulahin ang lupa, iba’t ibang sandata tulad ng espada, ang kakayahang itago ang sarili nang hindi nakikita o nararamdaman ng iba at ang panghuli, ang iba’t ibang paghawak ng pangmalayuang sandata tulad ng pana at palaso.” “Bukod pa roon ay kay tinatawag tayong Gift,” dagdag niya na nagpakunot ng aking noo. “Gift?” pag-uulit ko. “Oo. Bukod sa pagkakaroon ng class, ang bawat tribo ay mayroon ding abilidad na tinatawag na Gift.” “Ang Gift ang siyang pangalawang abilidad ng bawat tribo bukod sa paghahati ng dalawang class. Bukod pa roon, ang Gift ay nahahati rin sa dalawa: ang Non-omnipotence at Omnipotence Gift.” I was taken aback by what he just said. So there’s also another ability rather than those elemental and physical abilities that he mentioned a while back. I thought only the fire, ice, lightning, and poison vines can be the ability of the four tribes. “Ang Non-omnipotence Gift ay isang abilidad kung saan ang isang nilalang ay limitado lang na gamitin ang Gift na mayroon siya hindi tulad ng mayroong Omnipotence Gift na may kakayahang gamitin ang kanilang abilidad sa walang katapusan at hindi lumilita sa iisang abilidad lang,” dugtong niya. Hindi ko lubos ma-imagine ang mga sinabi ni Cobalt. Tila hindi ko inaasahan na ganito pala sa mundong ito. Mayroon pang iba’t ibang abilidad bukod sa kung anong tribo ka nabibilang. “Ngunit alam mo ba kung anong class at gift na mayroon ako?” tanong kong muli. “Hmmm.” Marahan niyang inilagay ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang baba. “Kung ako ang tatanungin mo, hindi ko pa lubos nakikita ang class at gift na mayroon ka. Sa bawat pagsusulit kasi, tanging pisikal na katawan mo lang ang iyong ginagamit. Tanging mga kamao at taktika sa pakikipaglaban ang iyong ginagamit at nakakabilib na ang mga nakakatapat mo sa pagsusulit ay gumagamit ng kanilang mga abilidad ngunit natatalo pa rin sila.” Napatango na lang ako sa kaniyang sinabi at naliwagan ako nang bahagya tungkol sa aking sarili. “S-salamat, Cobalt. Malaking tulong para sa akin ang malaman ang ganoon tungkol sa mundong ito at higit sa lahat, ang aking sarili,” saad ko saka nagtungo sa harap ng pinto. “Oh! Saan ka na pupunta?!” tanong niya at agad na napatayo. “Magtutungo sa lugar kung saan makakasagot sa mga tanong ko. Salamat sa iyong oras, Cobalt.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD