Chapter 20 - Matter

1694 Words
Mula sa himpapawid ay nakikita ko ang nakamamangha at katangi-tanging ganda ng emperyo ng Achiozaven. Tila nawala ang antok ko sa aking mga nasasaksihan ngayon. Katulad ng nakita ko sa mapa ay makikita rin ang bawat kulay ng magkakaibang kontinente. Ang Sorzendom na nasa itaas ng akademya ay nababalot ng makakapal na niyebe kaya’t ang natatanging kulay niyon mula rito sa itaas ay kulay puti. Ang Gratiorhia naman na kontinente ng warrior tribe ay makikita ang isang malaking statue na may hawak na espada. Ang estatwa ay nababalot ng kulay pulang apoy na nagbibigay liwanag sa mga naroon kung kaya’t makikita rito sa itaas ang kulay pula nitong liwanag. Samantala, sa kanlurang bahagi ay makikita ang kulay dilaw na liwanag na nagmumula sa kanilang mga kabahayan. Mayroon ding maitim na ulap na tanging sa kanila lang kontinente nakatapat. Nagulat na lang ako nang biglang kumulog at kumidlat kaya’t halos siyasatin ko ang buong kontinente ng gunner tribe upang tingnan kung ayos lang sila dahil sa malakas na kidlat na iyon. “Huwag kang mag-alala. Iyon ang kanilang abilidad.” Tila nabasa ni Sapphire ang aking naging reaksyon tungkol sa aking biglaang paggalaw ng dahil sa gulat. “Napatango na lang ako habang muling tiningnan ang ibaba. Sa huling kontinente mayroon ang Achiozaven, ang kontinente ng assassin tribe ay natatanging kulay berde ang kulay. Pansin ko ang kanilang mga tahanan ay napapalibutan ng mga puno at halaman na tila naging disenyo o dekorasyon iyon ng kanilang bawat mga bahay. Mag-uumaga na rin. Tila mayamaya lang ay sisinag na ang araw. Parang ang tagal ng oras kanina habang kami ay naglalakbay at hindi namalayan ang oras. Mayamaya ay marahan nang bumaba ang lipad ni Kylo. Tila bababa na kami patungo sa Veonniphere continent dahil doon patutungo ang misyon nila. Nang bumagal ang pagaspas ni Kylo ay siyang paglapat ng kaniyang mga paa sa lupa. Marahan naman kaming bumaba mula sa kaniyang likuran. “Salamat, Kylo,” nakangiting wika ko sa kaniya ngunit sa hindi inaasahan ay bigla na muli siyang lumipad papalayo. “K-Kylo–” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang may biglang sumigaw sa hindi kalayuan. Kaagad na napalingon ako sa mga kasama ko gayong tila nasa panganib nga ang Veonniphere. Mula sa hindi kalayuan ay makikita ang mga kabahayang pinalilibutan ng puno at halaman ngunit sa hindi inaasahan ay napapaligirian na rin iyon ng kulay berdeng apoy. “Berdeng apoy?” tanong ko sa kanila. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganoong kulay ng apoy. Pero ang alam ko base sa science, nagiging ganoon lang ang kulay niyon kung mayroong content ng copper ang apoy na iyon upang maging kulay berde. “Oo. Ang kulay berdeng apoy ay ang natatanging kulay na maaaring magbunga kapag ang abilidad ng physical assassin ay sumama sa abilidad ng elemental warrior,” paliwanag ni Blizzard habang nakatutok ang tingin sa nangyayari sa paligid. “Ibig bang sabihin niyon ay ang organisasyon ng mga dark assassin ay binubuo ng iba’t ibang tribo?” naguguluhan kong tanong. If they are only dark assassins, then they should only consist of assassins, aren't they? “Iyan ang hindi kami sigurado,” tugon naman ni Sapphire. “Ang tangi lang naming nalalaman ay sila ang may dahilan kung bakit nagkakaroon ng kaguluhan sa bayan,” dagdag pa nito kaya’t napatango na lang ako bilang tugon. Bago kami magtungo roon ay inayos ko muna ang aking bag sa aking likuran dahil masyadong mabigat at medyo nangangalay na rin ang aking balikat. “Oo nga pala. N-nasaan pala si Cerulean?” tanong ko. Kaagad namang nagpalinga-linga ng tingin ang dalawa sa tanong kong iyon. Wala na siya sa tabi namin at tila sumugod na siya roon sa kabahayan upang tulungan ang mga nangangailangan gayong dahan-dahan nang nilalamon ng berdeng apoy ang bawat bahay. I know right. He is too impulsive though. Bago pa man kami makahakbang ni Sapphire ay kaagad namang nawala si Blizzard na parang bula. It is really obvious that she used her gift to teleport at nearby places. Well, she’s the female version of Cerulean. Way too impulsive too. Napatingin naman sa gawi ko si Sapphire. “Alam mo, Zeniya, hayaan mong tulungan kita sa iyong dala,” suhestiyon ni Sapphire. “H-hindi na. Kaya ko namang dalhin ang mga gamit ko mag-isa,” nahihiyang saad ko naman sa kaniya habang nahihiya ring nginingitian siya. I just decided to walk before her but before I step my feet on the ground again, my bag starts to feel quite weightless than before. “A-anong nangyari?” tanong ko sa mahinang boses saka tiningnan ko ang likod ko kung saan naroon ang aking bag. Inalis ko muna ang sakbit niyon sa aking balikat upang tingnan ko ang laman niyon at baka sakaling may kumuha ng mga gamit ko nang hindi ko namamalayan. Tila narinig naman ni Sapphire ang boses ko kaya’t lumingon siya sa akin. “A-anong ginagawa mo, Zeniya?” tanong nito sa akin samantalang naka-focus ang aking atensyon sa pagkakalkal ng mga gamit ko sa loob ng aking bag. “A-ang mga gamit ko!” nag-aalalang saad ko habang hinahanap pa rin sa loob ng bag ko ang mga gamit ni Zeniya. “Oh! Nakalimutan kong sabihin sa iyo na mayroon akong gift na baguhin ang laki o sukat ng mga bagay,” saad niya sa akin habang nakangiti at napapakamot sa kaniyang batok. Wait, so she can alter the size of matter? That’s unbelievable and fascinating. Napatampal na lang ako sa aking noo. Hindi kapani-paniwala na ang gaya niya ay mayroong ganoong abilidad. Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan niya bilang isang sorcerer pero tila kahit ganoon ang kaniyang personalidad ay tila mas malakas pa siya sa inaakala ko. Altering matter is no joke. She is somewhat powerful if I will put her in the bigger picture because she can make things bigger or smaller than they usually do. What the best example is that she can make Achiozaven empire erase in just a blink of an eye without even giving her power at higher level. “Zeniya! Ayos ka lang ba?” Saka lang ako bumalik sa reyalidad nang alugin niya ako sa aking balikat. “O-oo! Ayos lang ako!” saad ko habang tatango-tango sa kaniya. Bumalik ang aking tingin sa mga kabahayan na ngayon ay tanging mga usok na lang mula sa nasusunog na bahay ang tanging makikita. Tila naapula na ang sunog dahil sa abilidad ng dalawa. “Tila hindi na pala nila kailangan ang tulong natin, Zeniya,” uumis-umis na wika ni Sapphire sa akin habang nakatingin kina Cerulean at Blizzard na papalapit sa direksyon naming dalawa. “We are about to follow the both of you, pero parang hindi niyo na kailangan ang tulong namin,” saad ko naman habang nakakibit ang balikat. They are totally a great team though. Kaya na pala nilang dalawa na tupukin ang apoy nang wala kami. Wala namang naging reaksyon ang dalawa gayong seryoso lang silang nakatingin sa amin. Ni salita mula sa kanila ay wala kaming narinig. “T-teka lang,” saad ko habang nakakunot noo at diretsong nakatingin sa mga bahay na hindi kalayuan sa amin na kanina’y usok na lang ang natira. “Ang mga bahay, tila lalo silang lumiliyab!” dugtong ko habang nakaturo sa mga bahay na muling tinutupok ng kulay berdeng apoy. Sunod naman silang napatingin sa mga kabahayan at tila gulat na gulat sa kanilang nasaksihan. The green fire started to devour the whole city again like a wild tiger. And it is unexpected because all we thought is that it will be wiped out by the ability of a sorcerer by washing away the whole city through ice and water. “Tila mas lumiliyab pa lalo ang apoy kapag nababasa ng tubig!” mahinang saad ni Cerulean pero sapat upang marinig naming tatlo. “Tila ganoon na nga,” pagsang-ayon naman ni Blizzard sa sinabi ni Cerulean. “M-may alam ba kayo kung paano natin maaapula ang apoy? Ang gift kasi na mayroon ako ay hindi makatutulong sa ganitong sitwasyon,” dagdag pa ni Blizzard. Marahan akong napatango sa isinaad na iyon ni Blizzard at tama siya. Hindi makatutulong ang gift of teleportation sa ganitong sitwasyon. “Ang gift naman na mayroon ako ay psychokinesis. Kaya ko lang pagalawin ang mga bagay ngunit tila hindi rin iyon makatutulong,” wika naman ni Cerulean. Halos mapatawa ako sa sinabi ni Cerulean. Mabuti na lang ay napigilan ko ang aking sarili. Well, the son of one of the overseers of the academy is giving his side and talking right now. Hindi kapani-paniwala na nagsasalita siya ngayon. Napaumis ako sa mga sinabi nilang iyon. “Tila may naiisip akong paraan kung paano natin maaapula ang sunog,” I said out loud while nodding my head, directly eyeing the person I know who can help one of the cities of Veonniphere in this dire situation. “A-ano’t bakit tila iba ang ipinapahiwatig ng iyong mga ngiti sa akin, Zeniya?” takang tanong ni Sapphire sa akin. Tila hindi niya alam ang aking ibig sabihin. “Sapphire could help!” I suggested. Kaagad namang napatingin ang dalawa sa gawi ni Sapphire. “Kayang baguhin ni Sapphire ang laki o sukat ng isang bagay kaya’t maaari niyang paliitin ang laki ng berdeng apoy upang mapaliit din ang kakayahan niyon!” dagdag ko. Altering matter can also weaken or strengthen the ability of the matter itself. As the matter increases, the stronger it is. But as the matter decreases, the weaker. “O-okay?” tila naguguluhang wika naman ni Sapphire at napapakunot ang noo. “P-pero hindi ko pa gaanong gamay ang gift na mayroon ako. Maaaring matagalan ang pag-apula ng sunog sapagkat hindi kaya ng stamina ko ang apulahin ang buong bayan. “Paano kung hindi ang apoy ang ating paliitin kung hindi ikaw mismo, Sapphire?” suhestyon ni Blizzard kaya’t napaisip kami sa sinabi niyang iyon. Does she mean Sapphire will make herself bigger so her ability will be strengthened too? Napangisi ako sa sinabing iyon ni Blizzard. “What a nice suggestion, Blizzard. And I have a plan for that.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD