Chapter 19 - Best Friend

1678 Words
Hindi ko namalayan ang oras na tumatakbo. Ang pawis ko ay tumatagaktak na rin nang dahil sa pagod katatakbo. Hindi ko mawari kung anong nilalang ang nakasalubong ko gayong bigla na lang iyong nawawala na parang bula. I was as if chasing by death and the only way to escape is to run. To run for me to save my whole damn stupid worthless self. Malakas na pumapagaspas ang pakpak niyon at hindi ko lubos maisip kung anong nilalang ang maaaring maitawag doon. It is too fast that I can’t catch it by only moving my eye. Although its height is as high as horses from my world, it is like they were more faster than the fast horses in the universe. Dahil sa hindi ko na kaya ang pagod ay nagtago ako sa likod ng mataas na puno para makapagpahinga. Masyado na akong hingal na hingal at kung ipagpapatuloy ko pa ang aking pagtakbo ay malamang sa malamang ay baka kapusin na ako sa hininga. Habang nagtatago sa malaking puno ay sumisilip ako sa malawak na daan ng kagubatan kung saan ang mga d**o ay hanggang paa lang at direktang tumatama ang liwanag mula sa buwan. Ang lugar ay hindi nasasanggahan ng mga puno. It was an open space and perfect for a picnic date of a family. Kaagad na naalerto ako nang may bigla na naman akong makarinig ng malakas na pagaspas sa aking kanan. Sa sobrang lakas niyon ay humangin ng malakas na halos takipan na ng aking mga buhok ang aking mukha. Marahan kong inayos ang nakalugay kong buhok sa mukha upang makakita nang maayos. Hindi ko maaaring ipikit ang aking mga mata gayong baka sa isang iglap lang ay narito na siya sa aking tabi. Mayamaya ay narinig ko ang kaniyang marahang pagsinga na tila halos hangin lang ang lumalabas mula sa kaniyang ilong. Bahagya kong sinilip kung saan siya naroon. He seems to be busy scratching his white soft fur with his leg and as I pin my eyes at him, I put into conclusion that I found the one I am seeking for. Siya na nga ba talaga ang hinahanap ko? Ngunit bakit ganoon ang kaniyang hitsura. Tila hindi kapani-paniwala ang kaniyang wangis. I don’t even think he really is that kind ofcreature but what if he is? Ibinababa ko muna ang aking bag sa lupa saka dahan-dahan akong lumabas mula sa aking pinagtataguan habang nakamasid sa kaniyang ginagawa. He is still busy scratching his back while blowing air on his nose. He seems to be uncomfortable as I watch him does that. As I watch him for more minutes, it reminded me and more of like resembles Kylo, my dog best friend. I want to hug him from afar but there’s no guarantee if he won’t attack me back. The way he scratches his back and how he resembles with my little dog pain my heart for a while. He is this dog who has been my friend in calm minutes and those blossomings of cleverness he brings. He has that look about him when he's confounded, or invigorated or genuine, that large number of feelings that are so like our own. He is my boiling water bottle in the evening and the welcome cart when I return home. And, with his white silky and smooth fur, tiny paws, and playful growls always made my day. “K-Kylo?” mahina kong pagtawag sa kaniya. Kaagad na gumalaw ang kaniyang malalaking tainga at mabilis na lumingon sa gawi ko. Mapuputi ang balahibo niya habang marahang tumatama ang ilaw ng buwan kaya’t halos kumikinang ang kaniyang balahibo na parang diyamante samantalang ang kaniyang puting mga pakpak ay kahawig ng mga anghel mula sa kalangitan. Katulad ng nga matataas na hayop ay ganoon siya katangkad. He is a white dog, with an angel wings. Tila ang laki na ng kaniyang pinagbago sa mga ilang araw na namalagi kami rito. Mula sa kaniyang maliit na wangis ay mabilis na siyang lumaki habang kaniyang likod ay nagkaroon ng pakpak. Mabilis siyang tumayo mula sa kaniyang kinauupuan. Nagulat naman ako nang nagsimula siyang umangil. His ivory-white dangerous sharp teeth were visible as he continuously growls at my direction. His pair of eyes were like a flame of fire that could burn me into ashes while looking at me, enraged. “K-Kylo?” muli kong pagtawag sa kaniya habang marahan akong napapangiti sa tuwing tinititigan ko siya. Marahan akong lumapit sa kaniya upang hawakan ang kaniyang mga balahibo at tila wala akong balak na umatras kung sakali mang sugurin niya ako gamit ang kaniyang mabilis na galaw at matutulis na ngipin. “Zeniya!” pagtawag ng boses sa aking likuran ngunit hindi ko iyon pinansin, bagkus ay marahan pa rin akong lumapit sa isang nilalang na walang kasiguraduhan kung mapanganib o hindi. “K-Kylo,” tawag kong muli. Sa huli kong bigkas na pangalang iyon ay marahang napapalitan ang kaniyang pag-angil ng tila isang malamyos na tinig. “Zeniya! Masyadong mapanganib ang nilalang na iyan! Huwag kang lumapit!” sigaw muli ng boses ngunit diretso lang ako sa aking paglapit kay Kylo. And I know it was him. Knowing the fact that I am not Phoenix in this place but as Zeniya, I know that Kylo was here also but in a different form. As I successfully reached him without him trying hurting me, I caressed his white silky fur and heard his tiny growl that encouraging me to do so. I hugged him tightly like I was longing for him. Binabalik naman nito ang yakap ko nang paghagod niya sa aking likod gamit ang kaniyang pisngi. I was beyond happy to meet him after a long while. He is the only one who understands me in my upside downs and now we met again in this kind of dimension, I have nothing to worry about him since he is safe and unharmed. Narinig ko naman ang mga yabag ng tatlo na naglakad patungo sa aking direksyon. “Zeniya!” pagtawag muli sa akin ni Sapphire nang tuluyan na silang makalapit. “Masyadong mapanganib ang nilalang na iyan. Ngunit paano–” Marahan akong humarap sa kanila habang nakaakbay ako sa batok ni Kylo. Kaagad ko namang pinunasan ang aking mga nagbadbadyang luha mula sa aking mga mata habang tinatapunan ko sila ng malawak na ngiti. “Hindi ko alam kung maniniwala kayo sa akin ngunit siya ang aking kaibigan mula sa aking mundo. Siya si Kylo, ang aking kaibigan,” pagpapakilala ko sa kanila. Napakunot naman ng noo ng dalawa habang si Cerulean ay nanatiling blangko ang ekspresyon. What do I expect to Cerulean? Amazed by what I said? In my doubtful but undoubted dreams. “Anong mundo ang sinasabi mo? May sarili ka bang mundo?” napapakamot sa batok na tanong ni Sapphire. Hindi ko pinansin ang tanong na iyon ni Sapphire gayong kung sasabihin ko sa kaniya ay hindi rin siya maniniwala tulad ni Cerulean. Malamang din na pagtatawanan niya lang muli ako tulad nang sabihin ko ang mga bagay na dapat nilang malaman noon tungkol sa aking pangalan sa empermeryal. Isa pa, okupado ang isip ko gayong hindi pa rin ako makapaniwala na natagpuan ko si Kylo rito sa mundo nila at tila wala na akong mahihiling pa. “I-isa pala siyang Pheagrax!” bali ni Blizzard sa aking hindi makamundong iniisip. Kaagad naman akong napakunot ng aking noo sa kaniyang sinabi. “P-hea what?” tanong ko na lang gayong hindi ko masyadong naintidihan ang kaniyang sinabung iyon. “Pheagrax,” dugtong niya. “Ang Pheagrax ang isa sa pinakamabilis na nilalang sa buong Achiozaven empire. Sa pagkakatanda ko ay mas mabilis pa silang gumalaw kung ikukumpara sa mga physical assassin. Ang kanilang bilis ay tila hindi mo gaano mararamdaman gayong maaaring nasa tabi mo na pala siya nang wala kang alam.” “Ngunit hindi ba’t ang sabi ay tanging iisa na lang ang natira sa buong angkan ng Pheagrax? Siguro ay siya na lang ang natira mula sa kaniyang buong tribo,” dagdag naman ni Sapphire. “Wala pa ring kasiguraduhan ang mga sabi-sabi.” Kaagad na napatingin kaming tatlo sa boses na iyon ni Cerulean. Tila sa wakas ay nagsalita na rin ang mokong. “At wala na tayong oras. Kailangan na nating magtungo sa Veonniphere upang malaman ang kalagayan nila sa ngayon!” Humarap ako kay Kylo at tiningnan siya sa kaniyang mga mata. “M-maari mo ba kaming dalhin sa kontinente ng mga assassin, Kylo?” tanong ko sa kaniya habang ako ay nakangiti. Isang tahol mula sa kaniya ang kaniyang naging sagot. “I’ll take that as a yes, I think?” Marahang pumagaspas ang mala-anghel na pakpak niya saka dumapa upang siguro ay makasakay kaming apat. Nagtungo muna ako sa kaninang pinagtataguan ko upang kunin ang aking bag. Kaagad naman akong sumakay sa kaniyang likuran nang makuha iyon at sumunod naman ang tatlo na nakisakay na rin. Nasa likod ko si Blizzard habang sinundan naman iyon ni Sapphire at pagkatapos ay si Cerulean. Siguradong masayang-masaya ang tumbong ni Sapphire gayong katabi ni ang prince charming of his kuno. Nang marahang tumayo si Kylo ay bahagya akong nawalan ng balanse ngunit buti na lang ay kaagad na nakahawak ako sa kaniyang balihibo upang pagkapitan ko para hindi mahulog. Nang ipinagaspas ni Kylo ang kaniyang mga pakpak ay mabilis na lumipad kami sa himpapawid. Ang aming mga buhok ay nakiindak sa musika ng tunog ng kaniyang mga pakpak. Bahagya akong tumingin sa ibaba at halos mawalan na naman ako ng balanse sa sobrang taas namin ngayon. Mabuti na lang sy kaagad na hinawakan ako ni Blizzard upang hindi ako mahulog. “S-salamat,” saad ko nalang kahit nakatalikod ako sa kaniya. Mula sa himpapawid na halos takipan na rin ng mga makakapal na ulap ay kitang-kita ang buong kontinente ng akademya. Tila hindi pa kami nakakalayo a kontinente ng akademya gayong hindi ko alam na nasa kontinente pa rin pala kami ng akademya. Sa sobrang bilis ng paglalakbay, tila mayamaya lang naroon na kami sa aming patutunguhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD