Chapter 18 - Forest

1551 Words
I was left at the middle of the forest. Nothing can be seen but the tall trees dancing through the rhythm of the wind. They were like dancers who do not need a choreographer as they dance with the air by themselves. I anxiously started to walk with my bare feet because I forgot to wear slippers before trying to escape from the guard. In fact, I actually don't know where will I go for now. I can even hear minimal voices from afar that left me wonder if I will continue this stupid plan of mine. Tila baka mamaya lang ay may sumulpot na kakaibang nilalang at kapag nagkataon, maaring dito na ako mawalan ng malay o hindi kaya’y tuluyan na akong bumalik sa kung saang mundo ako nabibilang, o kaya naman ay hindi. Tumingin ako sa aking kanan at kaliwa. Hindi ako sigurado kung saang daan ako tutungo ngayon. I was confused if I will take the left side or the right side of the forest. “Bahala na!” sabi ko na lang sa aking sarili at tinahak ang kanang bahagi ng kagubatan. Siguro naman ay walang mali at sana naman ay tama itong naging desisyon ko kahit ngayon lang. Sana rin ay hindi ako makakita ng kakaibang nilalang kung sakali man gayong siguradong papatayin nila ako gamit ang kanilang mga kamay tulad ng mga punong inatake ako gamit ang kanilang matutulis na sanga na hindi ko pa rin alam kung pawang ilusyon lang iyon o gawa-gawa ng aking imahinasyon. I was scared, walking through the forest at dawn. It was still dark and I can’t see anything but the bright moon from the sky. Ang buwan ang nagsilbi kong tanglaw sa madilim na daan habang sinusundan ko naman ang pinakamaliwanag na bituin sa kalangitan. Walang kasiguraduhan kung saan ako dadalhin ng aking mga paa sapagkat diretso lang ako sa aking paglalakad at hindi pinansin ang maaaring umatake sa akin sa oras na hindi ako nag-ingat o naging alerto man lang. Masukal ang kagubatan pero may bahagi na nakahawan ito kung kaya’t doon ako dumadaan. Para na rin makaiwas sa nakasusigst na halaman, kung mayroon man. Sa paligid ay dinisenyuhan ng matatayog na mga puno at mabababang d**o habang ang buong kalupaan ay nababalot ng mga tuyong dahon. Maririnig sa bawat paglalalakad ko ang ingay mula sa mga tuyong dahon na tila nasisira sa tuwing ako ay dumadaan. Sa mahabang paglalakbay ay nakaramdam ako ng pagod kaya’t napagdesisyunan kong magpahinga muna saglit. Naupo ako sa isang maliit na sanga. Nangangalay na rin ang aking balikat sa dami ng aking dala. Ni hindi ko alam kung anong pinaglalalagay ko sa loob ng backpack ko kaya’t ibinaba ko muna iyon sa lupa. Ang alam ko lang ay mga gamit ito ni Zeniya na hindi ko rin alam kung bakit ko dinala. Sa hindi inaasahan, habang ako ay umiinom ng tubig, ay nakaramdam ako ng kakaiba sa paligid. Wari ko’y may paparating gayong rinig ko ang pagkaluskos ng mga dahon. Sigurado ako na hindi iyon nanggaling sa hangin gayong tila mula sa mga tuyong dahon iyon na nasa lupa. Nilingon ko ang paligid upang tingnan kung sino man ang sumusunod sa akin. Nagsisimula na rin akong kabahan sa kung anong maaaring mangyari sa akin oras na umatake siya o sila. Hindi kaya’y siya rin ang nilalang na gustong kitlin ang aking buhay noong mag-isa kong hinahanap kung saan naroroon ang library? Paano na lang kung dito na nga ako matuluyan. And what if he or she belonged from Dark Assassins? Wala akong kalaban-laban kung sakali mang umatake siya ngayon. I haven't unleashed my gift yet, nor my class’ ability. Who would have thought that today, I will be hanged on the forest and killed by someone I don’t know? Nararamdaman ko ang papalapit na kaluskos kaya’t naging alerto ako sa aking paligid. I tightly gripped my backpack and if he or she attacked me, I will run as fast as I could, although it was no use because they are more trained that me. Sa huling kaluskos ng tuyong dahon ay mabilis na isinuot ko ang backpack ko sa aking balikat at nagsimulang tumakbo. Run. Mabilis na rumehistro sa akin ang kaba at takot sa posibilidad na sa isang iglap lang ay maaaring may sugat na pala ako sa buo kong katawan nang hindi ko napapansin. Suot ko pa naman ay ang aking damit pantulog. Manipis pa naman ang tela nito at kung tamaan man ako ng talim ay maaaring magsugat kaagad iyon. Natigilan ako nang magulat ako sa biglaang pagsulpot ng kung sino man sa harap ko. Kaagad na napapikit ako dahil sa gulat at nawalan na rin ng balanse at kontrol sa aking sarili dahilan upang mapaupo ako sa sahig. “T-teka... Zeniya?” Kaagad na napakunot ang aking noo nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at nang makita siya ay agad na napabuga ako ng hangin. Hawak ang aking dibdib ay ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa gulat. “A-anong ginagawa mo rito at bakit ka may dalang bag?” takang tanong nito sa akin habang hindi pa rin ako makasagot dahil halos hikain ako sa gulat. “T-teka lang, s-sinusundan niyo ba ako?” tanong ko habang kapos-hiningang nagsasalita. “Nasa isa kaming misyon. Ikaw, bakit ka narito? Paano na lang kung dinakip ka ng mga Dark Assassin?” tanong naman ni Blizzard saka tinulungan akong makatayo. “I-I-I...” Walang lumabas sa aking bibig dahil hindi ko alam ang tamang salita sa aking sasabihin. “Naglayas ka?” sabay na tanong ng dalawa. Marahan akong tumango sa kanilang naging tanong habang napatampal naman sila sa kanilang mga noo. “G-gusto ko lang tulungan ang aking sarili! Gusto kong mahanap ang katanungang bumabagabag sa isip ko,” paliwanag ko sa kanila. “Pero inilalagay mo sa panganib ang iyong sarili. Masyadong mapanganib sa ganitong mga oras at kung hindi kami ang iyong nakasalubong ay malamang sa malamang ay pinatay ka na ng mga dark assassin!” halos pagalit na saad ni Blizzard ngunit basa ko sa kaniyang mga mata ang pag-aalala. “Paumanhin ngunit ito na lang ang tanging paraan ko para makilala ko ang aking sarili. I don’t have any exposure from the memory I have. Kaya naman ang paghahanap sa matandang sorcerer ang natatangi ko na lang paraan,” paliwanag ko. “Hindi ito maaari, Zeniya! Kailangan mo nang bumalik sa dormitoryo dahil kami ang malalagay sa panganib kung sakali mang may mangyaring masama sa iyo na hindi nalalaman ng punong guro,” wika ni Blizzard habang nagpapabalik-balik sa paglalakad. Tila malalim ang kaniyang iniisip. “Hindi ba ako maaaring sumama sa inyong misyon?” tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman ang dalawa na tila nag-uusap sa kanilang mga isip. “Hindi!” “Pwede!” Sabay na wika ng dalawa. Nabali ang aking atensyon sa dalawa nang may isang nilalang na tumalon pababa mula itaas ng puno. He effortlessly landed on the ground, slightly made the dried leaves flew outward. Nakapamulsang naglakad siya nang diretso at hindi kami pinansin. “Kasama niyo pala siya?” tanong ko habang nakanguso sa direksyon ni Cerulean. “O-oo kaya bumalik ka na sa dormitoryo!” pagtaboy sa akin ni Blizzard. “Hindi niyo kasi ako maintidihan! Sa ayaw at gusto niyo ay sasama ako!” matigas na wika ko at nagsimulang maglakad sa naudlot kong paglalakad kanina. Napatigil naman ako nang biglang sumulpot si Blizzard sa harap ko. “Ilang beses bang inalog iyang utak mo at bakit ang tigas ng ulo mo?!” halos pasigaw na wika ni Blizzard sa akin kaya’t nakipagsukatan ako sa kaniya ng tingin. “Ito na lang ang aking paraan para makilala ko ang aking sarili, Blizzard. At kung sa ayaw niyo man o gusto, hahanapin ko ang taong makatutulong sa akin nang mag-isa.” Nagsimula na muli akong maglakad. Ni hindi ko pinansin ang kaniyang pagtawag sa aking hiram na pangalan mula sa aking likuran gayong diretso lang ako sa aking paglalakad. If they don’t want to help me out with this amnesia thing, then I’ll go with myself. Mabilis akong naglakad nang naglakad. I was annoyed somehow? Matigas na ang ulo pero ito na lang ang natatangi kong paraan upang sakaling bumalik ang alaala ko at matapos na aking paghihirap na mahanap ang totoong ako. Ngunit sino nga ba ako sa mundong ito? Ang mabuhay bilang ako o ang mabuhay bilang ibang tao? Agad na napakunot noo ako nang itanong ko iyon sa aking sarili. Do I deserve to be treated as Zeniya? But what about my real self? How would I ever feel deserved if I am living as other person though? Naguguluhan na ako sa mga katanungang bumabagabag sa aking sarili. I am pretty confused of who I am. Surely, I will get my questions answered if I find the old sorcerer. I know he is the only way to bring back my memory. And if that happens, I will find Kylo after. Although I can’t find anyone who knows me very well as me, Phoenix, Kylo knows me more that I know myself. So I badly need a help from the old sorcerer. Though, where are you for the umpteenth times?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD