CHAPTER 42 HAZEL POV Tiningnan ko ang orasan sa dingding sa ikaapat na pagkakataon. Alas-dyes y medya na ng gabi. Tahimik ang buong mansyon. Patay na ang mga ilaw sa mga kwarto ng kambal at sa paligid, tanging ang lampshade sa tabi ng couch ang nagbibigay ng mahinang liwanag. Nasa sofa ako, nakaayos pa rin ang buhok, suot ang simpleng nightdress na hindi ko pa rin mapalitan mula pa kaninang alas nuwebe, dahil sabi ni Xander ay “sandali lang daw siya.” Pero hindi siya dumating. Pinipilit kong huwag mag-isip ng kung anu-ano. Baka na-traffic lang. O baka nagkaroon ng emergency meeting. Baka... baka may pinuntahan siyang iba? Napatingin ako sa cellphone ko—walang kahit anong text. Wala ring tawag. Bumuntong-hininga ako at tiningnan ang kandila sa center table na matagal ko nang hindi si

