CHAPTER 43 HAZEL POV Maagang umaga pa lang ay gising na ako. Tahimik pa ang buong mansyon, at ang sinag ng araw ay pilit pang sumisilip sa likod ng makakapal na kurtina. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdanan, maingat ang bawat hakbang para hindi magising ang kambal na mahimbing pa ring natutulog sa kanilang silid. Diretso ako sa kusina. Binuksan ko ang ilaw at agad na nagsimula sa paghahanda ng almusal. Pero hindi para sa mga bata… kundi para kay Xander. Napabuntong-hininga ako habang hinuhugasan ang mga sangkap para sa sinigang na sabaw—gagamitin kong hangover soup. Maalat-alat, maasim, mainit, at tiyak na magpapagaan ng pakiramdam niya pagkatapos ng gabing labis ang nainom niya. Nilingon ko ang paligid habang iniinit ang mantika sa kaserola. Tahimik. Payapa. Pero sa loob ko… gulo pa

