CHAPTER 79 GEORGELYN Flashbacks: 2 Halos hatakin ako ni Xander palabas mula sa gitna ng nagkakagulong tao. Hindi ko na halos marinig ang sarili kong hininga sa lakas ng tugtog at sigawan ng mga tao sa paligid, pero ramdam ko ang matigas niyang pagkakahawak sa kamay ko. Para akong batang nadadala sa kanyang lakas, at wala na akong nagawa kundi sumunod. “Xander, bitawan mo ako! Wala kang karapatan—” inis kong sigaw habang pilit kumakawala. Pero tila bingi siya sa lahat ng sinasabi ko. Hanggang sa huminto kami sa isang malilim na bahagi ng bar, malayo sa mga kaibigan ko at sa lalaking kausap ko kanina. Dito niya ako hinarap, ang mga mata niya ay nagliliyab sa matinding emosyon na hindi ko pa rin mabasa kung galit ba, selos, o kung ano. May inabot siyang baso ng alak sa mesa at iniabot i

