CHAPTER 80 GEORGELYN POV Continuition Flashbacks: Bago mamatay si Georgelyn Pagkauwi ko sa bahay na tinutuluyan ko, halos buhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko, pilit binubura ang lahat ng nangyari kagabi. Pero kahit ilang beses akong magsabon, kahit anong lakas ng pagkuskos, parang nakatatak na sa balat at kaluluwa ko ang dungis ni Xander. Nang matapos akong maglinis, agad kong kinausap si Mercy—ang taong tumulong sa’kin dito sa Maynila, nag-alaga at nagpakain sa’kin noong wala akong mapuntahan. Siya ang una kong naisip na mapagsasabihan. Niyakap ko ang sarili ko habang umiiyak sa harap niya. “Mercy… ginahasa ako ni Xander… kinuha niya ang bagay na pinakaiingatan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natatakot ako, Mercy. Ayokong makita ulit siya.” Akala ko’y yayakap

