XANDER OBSESSION

1759 Words

CHAPTER 77 GEORGELYN POV Makalipas ang ilang buwan, unti-unti nang nagbago ang takbo ng buhay ko. Nasanay na ako sa bagong paligid, at sa piling ni Ate Mercy, para bang nakatagpo ako ng bagong tahanan. Tuwing umaga, ginigising niya ako para mag-training—basic modeling, paglalakad sa runway, tamang posture, at paano ngumiti sa harap ng kamera. Noong una, sobrang nahihiya ako. Hindi ako sanay na nakatitig sa akin ang maraming tao. Para akong batang nangangapa, nagkakamali ng hakbang, madalas madapa o tumatawa na lang kapag napapahiya. Pero sa bawat araw, lumalakas ang loob ko. Tinuruan ako ng mga coach ni Ate Mercy, at doon ko nakilala ang ilan pang baguhang modelo na katulad ko—may iba’t ibang kuwento ng hirap at pagsubok, pero lahat kami may parehong pangarap: ang makaahon sa kahirapan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD