CHAPTER 76 NOTE: Ang kabanatang ito ay mula sa POV ni Georgelyn noong siya’y nabubuhay pa. Ginawa ito upang malinawan kayo kung paano siya nawala at kung bakit sya kasama sa kuwento. CHAPTER 76 GEORGELYN POV Minsan iniisip ko, bakit ba ako isinilang sa ganitong sitwasyon? Sa bawat araw na lumilipas, parang lumulubog ako sa kumunoy ng sakit at pighati. Ang alam ko lang, bata pa lang ako ay napunta na ako sa isang pamilya na hindi ko dugo. Akala ko noon, swerte na ako dahil kahit papaano may tahanan ako. Pero habang lumalaki, doon ko naranasan ang bangungot na hindi ko makalimutan. “Walang kwenta ka! Kung hindi lang kita napulot, matagal na akong guminhawa sa buhay!” sigaw ng babaeng tinatawag kong “ina.” Pero sa puso ko, alam kong hindi siya ina—hindi niya ako minahal kailanman. Ang ba

