CHAPTER 75 HAZEL POV Habang naglalakad kami muli ni Dad sa pasilyo, hindi na mawala sa isip ko ang sinabi niya. Nahanap na ang mag-asawang nagkupkop sa akin noon. Sa dami ng mga alaala, biglang bumalik ang malinaw na larawan sa isip ko—parang kahapon lang nang unang beses akong nagmulat ng mata sa maliit na silid na amoy kahoy at sariwang hangin mula sa bukid. Noong una, wala akong maalala—ni pangalan ko, ni kung saan ako galing. Takot ako, mag-isa, at puno ng tanong. Pero doon ko unang nasilayan ang mabait na mukha ni Nanay Selena, isang babaeng may maamong mga mata at palaging nakaputing duster. Siya ang unang ngumiti sa akin at nagsabi ng, “Anak, ligtas ka na dito. Huwag ka nang matakot.” Kasunod noon ay si Tatay Benidect, matipuno ngunit may malambing na tinig. Siya ang nagdala ng

