NEW SECRETARY

1598 Words
CHAPTER 5 HAZEL POV Maaga akong nagising, mas maaga pa kaysa sa karaniwan. Kahit mabigat ang pakiramdam, pilit kong nilabanan ang kaba sa dibdib. Ito na ang araw. Ang araw na baka magbukas sa mga tanong na paulit-ulit na gumugulo sa isip ko gabi-gabi. Hindi ako pumasok sa restaurant ngayon, gaya ng bilin ni Ma’am Lita. “Unahin mo muna ‘yan, Hazel,” sabi niya. “Hindi araw-araw dumarating ang ganitong pagkakataon.” Kahit may pag-aalinlangan, sumunod na lang ako. Baka nga tama sila — baka nga dito ko matutuklasan kung sino talaga ako. Pagdating ko sa kompanya, agad akong namangha. Ang building ay moderno at mataas, may mga guwardiya sa labas at receptionist sa loob na abala sa pag-aasikaso ng mga tao. Ang lobby ay malamig, malinis, at elegante — hindi ako sanay sa ganitong lugar. Maraming aplikante ang nakaupo sa gilid, nag-aayos ng resume, nagsusuklay ng buhok, nagdarasal pa yata ang iba. Lumapit ako sa receptionist desk, at kahit kinakabahan, pinilit kong ngumiti. “Hello, good morning. Saan po ba pwedeng mag-apply bilang secretary?” tanong ko. Ngunit ang inaasahan kong simpleng sagot ay napalitan ng kakaibang reaksyon. Pareho silang napatingin sa akin, at para bang bigla silang napatigil. Nanlaki ang mga mata ng isa, habang ang isa nama’y tila nanuyo ang lalamunan. Halos sabay silang pinagpawisan, kahit malamig ang aircon sa loob. “Ma’am… sure po ba kayo na… mag-a-apply kayo?” tanong ng isa sa kanila, halatang may alinlangan. Tumango ako, kahit hindi ko maintindihan ang reaksyon nila. “Oo, Miss. Seryoso ako,” sagot ko habang pilit na pinanatiling maayos ang tono ng boses ko. Nagtinginan sila ng kasama niya. Tila may ipinaparating sa pamamagitan ng kanilang mga mata. Sa huli, tumango na lang ang isa at nagsalita. “Dito po, Ma’am. Sa right wing lang po. Deretso, may pila po doon para sa mga nag-a-apply na sekretarya. At… ah, ang mismong boss po namin ang mag-iinterbyu ngayon.” “Salamat,” sagot ko sabay tango. Mabilis akong lumakad palayo, pero bago pa ako makalayo nang tuluyan, naulinigan ko ang bulungan nilang dalawa. “Paanong mag-a-apply siya? Di ba asawa siya ni Boss?” “Oo nga, pero tingin ko wala siyang maalala… ‘di ba nawala siya?” Napahinto ako sa hakbang ko ng saglit. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa likod ko. Asawa? Boss nila? Ako? Hindi ko na narinig ang sumunod nilang usapan dahil mabilis akong naglakad palayo. Tumibok nang mas mabilis ang puso ko. Parang… may alam sila. Parang may alam sila sa tunay kong pagkatao. At kung totoo man ang narinig ko... anong klaseng nakaraan ang naghihintay sa akin? Pagdating ko sa tinurong direksyon ng receptionist, agad kong nakita ang mahabang pila ng mga aplikante. Lahat sila, pormal na pormal — mga babaeng naka-blazer, naka-high heels, may mga dalang portfolio at envelope na parang resume pa lang ay pang-executive na. Ang mga lalaki nama’y naka-long sleeves at necktie, parang handa nang pumasok sa boardroom. Napahinto ako saglit. Napatingin sa sarili kong suot — simpleng blouse, palda, at rubber shoes. Parang estudyante lang akong papasok ng klase, hindi sekretaryang mag-a-apply sa isang kilalang kompanya. Ramdam ko ang pagtingin ng iba sa akin, mula ulo hanggang paa. May naririnig pa akong mahihinang sulyap at bulungan. “Siguro janitor ang ina-applyan ni ate...” “O baka naligaw lang…” Pero hindi ko inalintana. Kailangan kong ituloy ‘to. Para sa sarili ko. Para malaman ko kung sino ako. Naglakad ako palapit sa dulo ng pila, pilit na pinapakalma ang kabog ng dibdib ko. Ngunit bago pa ako makapuwesto, isang babae ang biglang bumangga sa akin. Halatang hindi aksidente ang intensyon niya — matigas ang pagkakatama niya at muntik na akong matumba. “Aray!” gulat kong sabi habang mabilis akong napatras. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa, kasabay ng isang mapanghamak na ngiti. Maganda siya, mestiza, at halatang sanay sa ganitong lugar. Naka-bestida siya na mamahalin ang dating, at ang suot niyang alahas ay tila mas mahal pa sa buong laman ng bag ko. “Hoy miss, next time, tumingin ka naman sa dinadaanan mo. O baka naman sinasadya mong makabuntot dito?” sarkastikong sabi niya. “Pasensiya na po, hindi ko sinasadya,” mahinahong sagot ko habang pinupulot ang nalaglag kong envelope. “Anong ‘apply’ ang gagawin mo? Sa ganyang itsura mo? Waitress ka siguro no? O scholar ng public school?” dagdag pa niya habang nakataas ang kilay at tumatawa. Napakagat ako sa labi. Gusto kong magalit, gusto kong lumaban — pero mas pinili kong manahimik. Hindi ako pumunta rito para makipagsagutan. Nandito ako para hanapin ang sarili ko, hindi para patunayan ang sarili ko sa kanya. Pero bago siya tuluyang lumayo, may sinabi siyang hindi ko inasahan. “Mag-apply ka man, sigurado ako hindi ka matatanggap. Baka pag nakita ka ni Mr. Belfort, palayasin ka agad. Hindi niya type ang mga mukhang probinsyana.” Napakunot ang noo ko. Mr. Belfort? Siya ba ang boss dito? At bakit paranh hindi sya pamilyar? Mas lalo akong naintriga. Hindi na lang basta tungkol sa trabaho ito — may koneksyon ang lugar na ito sa nakaraan ko. At kahit ilang hambalos pa ng panghuhusga ang matanggap ko… handa akong harapin ang lahat — basta makuha ko lang ang mga kasagutan Patuloy pa rin ang mga bulungan sa paligid habang nakapila ako. Hindi ko maiwasang mapakuyom ang mga kamay sa gilid ng palda ko. Kahit pilit kong pinapanatiling kalmado ang mukha ko, ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko. Mr. Belfort... siya ang boss dito? Paulit-ulit na umuukit sa isipan ko ang apelyido. Parang pamilyar, pero gaya ng lahat ng bagay sa nakaraan ko—malabo, parang usok na pilit kong inaabot pero lagi lang dumudulas. Napatingin ako sa unahan ng pila nang biglang bumukas ang malaking pintuan ng opisina. Lumabas ang isang staff na may clipboard at nagsabi, “Next applicant, please.” Isa-isa silang pinapapasok sa loob para ma-interview. Sa gilid ng waiting area, naroon pa rin ang babaeng bumangga sa akin kanina. Kasama niya ang dalawang aplikanteng babae na mukhang kasing-yaman din niya, nagtatawanan habang panay ang sulyap sa akin. “Sigurado akong hindi tatagal ‘yan,” bulong ng isa. “Pustahan tayo, iiyak ‘yan paglabas,” dagdag pa ng isa. Ngunit hindi ko sila pinansin. Inilabas ko ang envelope na may laman na resume na ginawa ni Ate Joan. Maayos naman, kahit simple. Ito lang ang meron ako ngayon... at ito lang din ang magdadala sa akin papalapit sa katotohanan. Maya-maya lang, ako na ang tinawag. “Next applicant, Hazel?” Tumayo ako, marahan ngunit matatag ang bawat hakbang. Habang papalapit ako sa pinto ng opisina, hindi ko mapigilang huminga nang malalim, sinusubukang pakalmahin ang kaba sa dibdib ko. Ito na ‘to, Hazel. Alamin mo na ang katotohanan, kahit pa masakit. Pagpasok ko sa opisina, una kong napansin ang lawak ng silid—elegante, moderno, at amoy mamahaling pabango na para bang gawa sa imported na bulaklak. Ang bawat sulok ay tila isinukat, walang kalat, pawang perpekto. Sa bandang dulo ng silid, nakatayo ang isang lalaking nakatalikod sa akin, nakaharap sa floor-to-ceiling glass window. Matikas ang tindig, suot ang maayos na itim na coat, at hawak ang isang dokumento na tila malalim niyang binabasa. Tahimik ang buong kwarto, tanging t***k ng puso ko lang ang naririnig ko. Maya-maya, marahan siyang humarap sa akin. Parang lumamig ang paligid. Ang malamig niyang mga mata ay dumiretso sa akin, para bang isang matagal nang tanong ang sa wakas ay may sagot na. Ngunit hindi iyon tingin ng tuwa—may halong pagkagulat, pagdududa, at… galit? Bumagsak ang hawak niyang papel sa ibabaw ng mesa. Napatingin ako doon, ngunit agad niyang inalis ang atensyon ko sa pamamagitan ng matalim niyang tinig. “Tanggap ka na… Miss Hazel Ramirez.” May diin. May bigat. Bawat pantig ng pangalan ko ay tila sinuntok ako sa dibdib. Napalunok ako, hindi makapagsalita. “Po?” “Tanggap ka na,” ulit niya, habang hindi inaalis ang titig sa akin. “Hindi mo na kailangang sumalang pa sa interview.” Hindi ako nakakibo. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gano’n na lang? Wala man lang tanong? Hindi man lang niya sinuri ang resume ko? Pero ang mas nakagugulo sa isip ko ay ang paraan ng pagkakabanggit niya ng pangalan ko—buo, tiyak, at punong-puno ng emosyon. Hazel Ramirez. Bigla akong napaisip. Bakit ganoon siya tumingin sa akin? Para bang… may galit, may kirot, may pananabik—lahat nang iyon, sabay-sabay. “Sir… kilala niyo po ba ako?” maingat kong tanong, kahit nanginginig ang boses ko. Hindi siya sumagot. Sa halip, marahan siyang umupo sa leather chair sa likod ng mesa at sinuklay ang buhok gamit ang daliri. Hindi pa rin inaalis ang titig niya sa akin. “Simula bukas, magsimula ka na.” Sabi nito syaka may tinawagan para Sabihin na may secretary na siya. bago pa ako ulit makapagtanong muli, may kumatok sa pinto. Isang staff ang sumilip. “Sir Belfort, may investor po sa lobby.” Tumango siya at saka muling tumingin sa akin. “Pwede ka nang umalis. Sabihin mo kay Clara na i-orient ka bukas.” Tumayo ako, marahan, tulad ng pagpasok ko. Pero sa loob ko—magulo. Mas maraming tanong ang naiwan kaysa sagot. At higit sa lahat, ang pakiramdam na ito—na ang lalaking iyon… si Mr. Belfort, ay isang bahagi ng nakaraan kong pilit na inaalala. Bakit parang kilala niya ako? At… bakit para bang may sakit sa mga mata niya tuwing tinititigan ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD