CHAPTER 16 HAZEL POV Maaga pa lang, gising na ako. Kahit wala akong pasok, parang programmed na ang katawan ko sa routine ko bilang sekretarya. Pero ngayon, iba ang pakiramdam. Wala akong dapat ayusin na dokumento, wala akong susundang schedule, at lalong wala akong makakasalamuha na malamig ang titig at maraming tinatagong sikreto—tulad ni Mr. Belfort. Kagabi, bago ako tuluyang maka uwi, bigla siyang tumawag. Personal niyang sinabi, sa mababa pero mariing tinig na i cancel ko ang lahat nang appointment at meeting nya ngayong araw at hindi muna ako papasok. hindi ko natanong kung bakit pero Nagulat lang ako. Ngayon, imbes na manatili sa apartment, nagpasya akong bumalik sa restaurant na minsan kong pinasukan—oo, kahit isang araw lang ako doon. Isang araw, isang shift, pero hindi ko mal

