CHAPTER 17 MR BELFORT POV Katatapos ko pa lang pumirma ng ilang mahahalagang dokumento nang tumunog ang cellphone ko. Si Mama ang tumatawag. Kagabi pa sila nakauwi mula sa ibang bansa kasama sina Lucas at Llianne. Pinili kong ipahinga muna sila at mamasyal habang inaasikaso ko ang ilang urgent na gawain dito sa kumpanya. Plano ko sanang sumunod sa kanila sa park kung saan sila dinala ni Mama. Pero sa mismong saglit na marinig ko ang boses niya, nanlamig ang buong katawan ko. “Xander,” ani Mama, habol ang hininga, halatang kabado. “Anak—si Lucas! Nawawala si Lucas!” Bigla akong napatayo mula sa kinauupuan ko. Parang sinampal ako ng malamig na hangin sa dibdib. “Ano’ng ibig mong sabihin nawawala? Kasama n’yo lang siya sa park, ‘di ba?” “Oo! Naglalaro sila ni Llianne sa playground. Sag

