CHAPTER 54 MR BELFORT POV Maagang akong gumising. Tahimik pa ang paligid pero ramdam ko ang init ng umaga—hindi dahil sa araw, kundi dahil sa amoy ng nilulutong sinangag at itlog na nagmumula sa kusina. Isang amoy na, sa ilang linggo lang, parang naging tahanan ko na. Tahimik akong bumaba ng hagdan, at mula sa hallway ay tanaw ko ang maliit na pigura ni Hazel sa may kalan. Nakasimple lang siya—t-shirt at shorts, buhok na nakatali ng maluwag. Pero sa paningin ko, para siyang liwanag na umaga. Wala siyang kamalay-malay na pinapanood ko siya. Ang gaan ng kilos niya. Napapangiti siya mag-isa habang inaayos ang pagkakaprito ng itlog, parang may sariling mundo. Lumapit ako, walang ingay. At bago pa siya makalingon, marahan kong niyakap ang baywang niya mula sa likod. "Ay!" bahagya siyang n

