CHAPTER 19 HAZEL POV Matapos kaming kumain, hindi pa man ako tuluyang nakakatayo mula sa upuan, agad na akong hinila ng kambal—sina Lucas at Llianne—patungo sa hallway. “Tara na, Mommy! Tulungan mo kami magbihis!” sabay sigaw ni Lucas habang hawak-hawak ang laylayan ng damit ko. “Yeah! Sa’yo lang kami magpapabihis ngayon!” sabay sabing nakangiti si Llianne. Kita sa mga mata nila ang sabik at kasiyahan, na para bang matagal na naming ginagawa ito. Hindi pa ako nakakabawi ng sagot nang biglang magsalita si Mr. Belfort mula sa dining area. “Hazel, samahan mo muna ako saglit. Kailangan kitang kausapin.” Agad akong napatigil, ganoon din ang kambal. Napasimangot ang mga mukha nila habang sabay na bumaling sa kanilang ama. “But Daddy—” sabay reklamo ni Lucas. Ngunit nang tingnan sila ni Mr.

