CHAPTER 20 HAZEL POV f Pagkatapos ng usapan namin ni Mama ni Mr Belfort, agad akong nagtungo sa kwarto ng mga bata. Sa bawat hakbang ko palapit, ramdam ko ang unti-unting paglambot ng dibdib ko—parang may kung anong hinahatak sa puso ko kapag naiisip kong makikita ko ulit sina Lucas at Llianne. Pagdating ko sa tapat ng pintuan, marahan ko itong itinulak. Kaagad akong sinalubong ng mga halakhak at ingay ng mga laruan na tila isang munting mundo ng saya ang laman ng buong kwarto. Napatigil ako sa may pintuan. Si Lucas, nakaluhod sa carpet habang hawak ang isang maliit na spaceship, tila lumilipad ito sa ere habang may ginagawa siyang tunog ng paglipad. Si Llianne naman ay abalang pinapasuot ng pink na damit ang paborito niyang manika. Pareho silang hindi pa nagbibihis ng pangtulog, pa

