CHAPTER 28 HAZEL POV Matapos ang masayang meryenda, kung saan halos maubos nina Lucas at Llianne ang banana cue na niluto ko, nagulat ako sa biglang paanyaya ni Mr. Belfort. “Magbihis kayo, kids,” aniya habang pinupunasan ang kamay niya gamit ang tissue. “Lalabas tayo.” “Ha? Lalabas po tayo? Saan tayo pupunta?” tanong ni Llianne habang excited na tumalon sa upuan. “Mall. Shopping tayo, tapos kakain tayo sa labas,” sagot ni Mr. Belfort habang nakatingin sa akin. Napatingin din ako sa kanya, bahagyang nagulat. “Sigurado ka? Biglaan ata.” “May kailangan kayong damit,” sagot niya diretso. “Si Lucas at Llianne, halos wala nang maayos na kasuotan. At ikaw, Hazel… dapat may mga damit ka na rin na mas komportable. Hindi pwedeng laging borrowed.” Parang may kung anong init na gumapang sa mu

