CHAPTER 73 MR BELFORT POV Matapos kong maipatulog ang kambal, bumaba ulit ako sa sala. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng TV ang umaalingawngaw sa malawak na silid. Doon ko nakita si Mama, nakaupo nang tuwid sa sofa, nakapulupot ang shawl sa balikat niya, at tila seryosong nakatitig sa palabas. Dahan-dahan akong lumapit, parang ayaw ko siyang istorbohin, at umupo sa tabi niya. “Kamusta na ang paghahanap mo kay Hazel?” tanong niya bigla, hindi man lang nilingon ako. Parang dumiretso sa puso ko ang tanong na ‘yon. Napalingon ako sa kanya, pero nanatili lang siyang nakatingin sa TV, parang ayaw ipakita na hinihintay niya ang sagot ko. Bumuntong-hininga ako, mabigat. “Wala pa rin akong balita kung nasaan siya,” sagot ko sa mababang boses. Tahimik lang siya sandali, pero sumunod na

