CHAPTER 32 HAZEL POV Masayang nagkakagulo sina Lucas at Llianne habang pinipili nila ang mga gusto nilang damit sa loob ng isang sikat na department store. Kasama namin ngayon si Ma'am Estrella—ang ina ni Mr. Belfort—na siyang nagyayang mamasyal at mamili ng bagong gamit para sa mga bata. Bagamat medyo kabado ako sa umpisa, dahil ngayon lang kami makakasama nang matagal, pinilit kong maging kalmado at natural. "Mommy, ang ganda po nito!" masayang sigaw ni Llianne habang hawak ang isang pink na dress na may maliliit na burdang butterflies. "Bagay na bagay yan sa'yo, anak. Gusto mo ba yan?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya. Tumango si Llianne at agad tumakbo papunta sa fitting room. Si Lucas naman ay abala sa pagpili ng laruan kasama ang isang staff na inalalayan siya

