CHAPTER 31 MR. BELFORT POV Nilapag ko ang hawak kong lunch bag sa ibabaw ng lamesa at marahan akong naupo sa swivel chair ko. Habang ini-scroll ko ang cellphone, pumasok si Carla dala ang schedule ko ngayong araw. Agad kong naramdaman ang bigat ng linggong ito sa sandaling makita ang tambak na trabaho. “Sir, ito na po ang schedule niyo. Full day po kayo today,” ani Carla habang inaabot ang clipboard. Napabuntong-hininga ako at umiling. “Hindi pala ako makakauwi nang maaga…” Pagkaalis ni Carla, agad kong sinimulan ang unang batch ng papeles. Wala pa ako sa kalahati nang bumukas ang pinto at pumasok si Marco—hindi para magtrabaho, kundi para mang-asar na naman. “Anong ginagawa mo nanaman dito?” tanong ko, nakakunot ang noo. “Wala lang. Masama bang bisitahin ka?” tugon niyang may ngisi

