CHAPTER 30 ELIZA – POV Mabigat ang mga yabag ko habang paakyat ako mula kusina. Sa bawat hakbang, dama ko pa rin ang hapdi ng pisngi kong sinampal ni Georgelyn—o kung sino man talaga siya ngayon. Nag-aapoy ang dibdib ko sa inis, at halos sumabog na ang galit ko sa sarili sa hindi ko agad pagsagot sa kanya. “Ako pa ang sinampal? Ako?!” bulong ko habang nakatingala sa kisame, pilit pinipigil ang luha ng inis. Hindi ko na mapigilan. Dumiretso ako sa kwarto ni Manang Rosa—ang matagal nang katiwala ng pamilyang ito at malapit kay Sir Xander. Baka siya lang ang makaintindi sa ginawa ni Georgelyn at matulungan akong iparating kay Sir kung gaano siya ka-bastos. Tok. Tok. Tok. “Pasok,” sagot ni Manang mula sa loob. Agad akong pumasok at halos hindi na nakapaghintay. “Manang! Alam niyo ba ang

