CHAPTER 22

1548 Words
Chapter 22:Summer date At the end ay natuloy ang short vacation namin kasama si Conrad. Kaya bad trip na bad trip ako pagdating namin sa Tagaytay. Salungat naman ang nararamdaman ng bruha. She's happy, ang malawak na ngiti lang niya ang evidence. Tsk. "Ammy?" Napatingin ako kay Kienna when she called me, 'ahmy,' it's mommy. Hindi niya lang mabigkas ng diretso. I caressed her hair and kissed her cheek. "You want to play, baby?" I asked her. Tumango-tango siya, she raised her little arms. Binuhat ko siya at naglakad ako palapit sa dagat. I wearing my see-through summer dress and yes, naka-bikini ako and white sandal. Are you asking me kung naka-shade pa rin ba ako? Of course, hindi ko naman ito tinatanggal sa kung saang place man. Kahit nga sa mansion namin. Yeah, I'm weird. Kienna is wearing her cute little swimsuit. Ang cute-cute ng anak ko. "Akin na muna si Kienna." Napalingon ako sa nagsalita. Bakit naman ito biglang sumunod sa amin ni Kienna? "And who are you?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. Pinasadahan ko ito nang tingin, mula ulo hanggang paa tapos pataas ulit. Naka-summer dress din siya at nakikita ang pulang bikini niya. Oh, nagsusuot din pala siya ng ganitong kasuotan? I wonder kung saan niya ito binili dahil halatang mamahalin ito. "Curious ka? Binili ito sa akin ni Kierson," aniya at may pekeng ngiti ang sumilay sa makapal niyang labi. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko ngayon. Matatawa ba dahil napaka-imposible naman na bibilhan pa siya ng asawa ko ng bikini o masasaktan? "Really?" tanong ko ng walang humor sa boses. "You can ask him, Xena." "Don't call me, Xena. We're not even close at saka, katulong ka lang sa mansion. You should call me, ma'am, Conrad," malamig na saad ko. Sa halip na matakot sa akin ay may nanunuyang ngiti na naman ang nakaguhit sa mga labi niya. "Xena, asawa ka lang niya. Wala kayong anak, at alam mo na sa oras na maibabaling na ni Kierson ang atensyon niya sa akin?" nang-iinsulto niyang tanong sa akin. "Baka ikaw?" matapang na sabi ko. "Akala mo ba mahal ka ng asawa mo? Kilala mo siya in the first place, Xena. Kung ano ang bisyo ng isang tao ay ganoon pa rin siya. Walang magbabago at alam ko, mas pipiliin niya ang dapat para lang sa anak niya." Oo, ganyan siya ka-confidence na makipag-talk back sa akin. Matapang na siya at unti-unti kong nakikita ang tunay niyang kulay. Akala mo noon isang mahinhin na dalaga lang siya pero ngayon? Mas ipinapakita niya kung sino talaga siya. "Nagsisisi ka na ba na ako ang kinuha mo para maging ina ng asawa mo?" she asked and stepped towards me. "Alam mo ba kung ilang ulit naming ginawa iyon, Xena? At ngayon ay ginagawa pa rin namin," aniya. Naibaba ko si Kienna at malakas na dumapo ang palad ko sa kanang pisngi niya. "Tumatapang ka ngayon, ha? Ano ang pinaglalaban mo?" "Pinanghahawakan mo ba ngayon ang anak mo, Conrad? Baka nakakalimutan mo na legal na anak ko si Kienna? At mas malapit ang loob ng bata sa akin kaysa sa biological mother niya, bakit kaya?" nanunuyang tanong ko, "kasi walang kuwenta ang nanay niya. At ngayon ay nagiging ahas na," saad ko at inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya. Napangisi ako nang makita ko na ang asawa ko na naglalakad na palapit sa direction namin. "Baby!" I called him. This is the first time na tinawag ko siyang baby, kaya natural na magugulat siya. Nang makalapit na siya sa amin ay iniyakap ko ang magkabilang braso ko sa leeg ng asawa ko at nagawa ko pang halikan ang panga nito. Naramdaman ko ang pagnigas ng katawan niya bago yumakap sa baiwang ko. "Maria is so thought, baby. Sa kanya na muna raw ang anak natin para raw makapag-date tayo sa beach. Come on, baby," ani ko at pasimple kong nginisian si Conrad ng nabura na ang nakakainis niyang ngiti. "Oh? That's a good idea." You can't brainwashing me, Conrad. Ako si Xena at ang pagmamay-ari ko ay hindi mo makukuha. "But on the second thought, isasama na namin si Kienna," sabi ko at muli kong binuhat ang bata. Na kanina ay inosenteng nakatingin lang sa dagat. Tsk. *** Dinala kami ni Eson sa cottage. Mataas pa ang sikat ng araw kung kaya't hindi pa kami makakapag-swimming. "Let's eat," aniya. May nakahandang toasted bread, scramble egg, fruit salad and pineapple juice. Nakakandong si Kienna sa daddy niya at natutuwa itong sinusubuan. Napaisip naman ako sa lahat ng sinabi ni Conrad. Aaminin kong nasaktan nga ako. Pero magpapaapekto ba ako sa kanya? Pero hindi ko rin naman maiwasan ang kabahan, ang matakot. Paano kung darating nga ang panahon na iyon? Kasi possible iyon, mas inuuna ng asawa ko ang kapakanan ng anak niya. I took a deep breath, napapitlag ako nang maramdaman ko ang mainit at malambot na dumikit sa side ng lips ko. I glanced at my husband. "Are you okay, baby? Malalim 'ata ang iniisip ko. Is there something wrong?" he asked in a worried voice. Napailing ako at yumakap sa baiwang niya. Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Hinaplos naman niya ang buhok ko pababa sa likod ko at hinahalikan ang sentido ko. "Promise me you won't leave me, baby..." I whispered. "I won't. I'll promise." "Do you love me, Eson? Mahal mo na ba ako?" tanong ko and again, naramdaman ko na naman na natigilan siya. Umayos ako sa pagkakaupo ko at tiningnan ko siya sa mga mata niya. Nakayuko na ito at nakaawang ang mga labi. "Baby..." "Do you love me?" I asked once again. "Gimme time, baby. Gimme time. Someday, in the right time, your question will be answered, soon. As of now, let's just enjoy our moment together," he said and kissed me on my forehead. Napatango ako. "I understand," sabi ko na lamang at hinalikan na naman niya ako sa labi. "Kierson?" "Yes, baby?" "I love you. I love you, so much..." "I-I know, thank you." We'd spend our happy moments in just three days. Kahit may epal kaming kasama ay naging masaya naman ang short vacation namin at alam kong iritado na ang bruha. And I think, mas naging malapit ang loob ng asawa ko sa akin. Sana magandang resulta na 'no? Sana ito na ang sinasabi ng mga kabataan na forever. Dahil aaminin ko na ayoko ng masaktan. Ayoko ng umiyak pa. Gusto kong masaya na lang ako na walang sakit na mararamdaman sa puso. Pauwi na kami sa Manila nang biglang nawalan ng malay ang anak namin. Pareho kaming dinapuan ng takot lalo na no'ng nalaman naming mainit ang katawan ng bata. Parang nilalagnat ito at hinang-hina. "Kienna, baby? You okay?" nag-aalalang tanong ng asawa ko sa anak namin na ngayon ay wala na talaga sa ulirat. Humarang ako nang akmang lalapit sa asawa ko si Conrad. "Dalhin na natin si Kienna sa hospital, baby," I said. "Let me drive," sabi ko. Kinakabahan ako, oo pero mas gusto ko ang magmaneho dahil grabe ang panginginig ng katawan niya. At magsisinungaling pa ba ako na hindi ako nasaktan sa reaction niya? I'm jealous, dude. Nagseselos ako hindi dahil kay Kienna. Nagseselos ako dahil dapat anak na lang namin ang inaalala niya, sana. Sa hospital ng Tagaytay namin dinala si Kienna at kaagad naman siyang inasikaso ng mga doctor. Pareho kaming kinakabahan. Baka lagnat lang iyon, 'di ba? Hindi naman talaga sakitin ang bata. Healthy siya dahil nagti-take siya ng mga vitamins. At hindi rin namin siya piangbababad sa tubig ng matagal. Ilang minuto ang tinagal ng mga doctor sa loob ng ER bago ito lumabas at halos makipag-unahan kami sa paglapit sa doctor. "Sino ang mga magulang ng bata?" tanong ng doctor, nasa mid-20's pa ito. Guwapo at matangkad. "Kami po," sabay na sagot namin. Ako, si Eson at si Conrad. Naguluhan tuloy ang doctor at palipat-lipat ang tingin sa amin. Pero huminto ito sa akin. May ngiti sa labi at maaliwalas ang bukas ng mukha. "I'm her mother," confidence na saad ko. Mas ngumiti pa ng mas malapad ang batang doctor. "And the evidence is your child. But, kailangang salinan ng dugo ang bata as soon as possible. Kumalakat n--" "Why? Bakit sasalinan ng dugo ang anak ko?" putol ni Eson sa sasabihin sana ng doctor. "Dengue, she was diagnosed of the said disease. And you, parents, kayo po ang magiging donor ng bata," anito. "A-ako, ako magdo-donate," pagbo-volunteer ni Conrad. I rolled my eyes. "No, Maria. Ako na." Umikot ulit ang mga mata ko. "We can check your blood type. AB ang blood type ng bata," the doctor added. "Hindi kami compatible, type O ako," saad ng asawa ko. "Type +A po ako," wika naman ni Conrad. What the f*ck?! "Ha? Wala sa inyo ang ka-bloodtype ng bata? That blood is so rare, kaya mahihirapan tayong maghanap ng magiging donor niya. Hindi available sa hospital namin ang ganoong type ng dugo. 24 hours ay dapat sinasalinan na natin siya ng dugo," nag-aalalang sabi nito. Blood type AB... "I can be her donor. AB ang blood type ko," wala sa sariling sabi ko. How come na magka-blood type kami ni Kienna? "Then it settled, I'm Dr. Reign Krayt."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD