At Lola Lorna's wake. ABALA SI APPLE sa mga dumating na nakikiramay sa lamay ni lola Lorna. Mag-isa lang kasi siya dahil wala pa si Eloisa. Nag-aalala na nga siya para dito dahil alam niyang hindi pa ito emotionally stable. Mabuti na lang at nakausap na niya si Yvette kaya bahagya siyang napanatag nang malaman na kasama nito ang kapatid nitong si Iñigo. Hindi siya magkamayaw sa pag-eestima sa mga bisita na nagpakilalang churchmate ng yumaong ginang nang may mga nagsidatingan na mga alagad ng batas. Kabado dahil hindi niya alam ang isasagot sa mga ito kapag nagtanong tungkol sa nangyari. "Magandang araw. Ako si SPO1 Vega, nakabalik na ba si Ms. Serdantes?" tanong ng isang lalaking naka-uniporme. Matipuno ang pangangatawan nito at masasabi niyang gwapo

