SABAY NA NAGPAALAM sina Ziggy at Yvette kina Lemon at Peachy. Noong una ay ayaw pa nga silang paalisin ni Lemon ngunit sa tulong ni Peachy, pumayag na rin ito. Hindi naman kasi sila pwedeng magtagal lalo na siya dahil walang kasama si Apple sa burol. Habang nasa elevator silang dalawa ay napapaisip si Yvette kung babanggitin ba niya ang offer ng binata kanina. Ngunit inuunahan siya ng hiya na ungkatin iyon. Hindi niya alam kasi kung totoong trip lang iyon or talagang gusto siya nitong ayain na makipag-date. 'Pero paano kung seryoso ito?' Para na siyang tanga dahil sa pagkalito sa intensyon nito. Pakiramdam niya ay hindi niya kayang tanungin si Ziggy. Saka isa pa, babae siya. Ang pangit naman kung sa kaniya manggagaling ang pagtatanong kung tuloy ba sila o hindi. Natigil sa pag-iisip

