‘Ano ba kasi talagang ginagawa niya dito?’
“You don't look happy,” bungad niya sa akin nang hindi inaalis ang pagkakangisi sa nakakairita niyang mukha. Hindi ako sigurado kung ano ang pakay niya sa akin pero alam kong mayroon. Imposibleng wala. Imposible naman na gusto niya lang akong makita at bisitahin dito. Last time I checked, hindi niya ako gusto.
Abogado siya ng mga Sy at alam ko na naniniwala siyang ako ang pumatay kay Sky. Technically speaking, for him I am the enemy at gan'on din siya sa akin.
“What do you want?” Matabang kong tanong bago lumapit sa kanya.
“Have a seat,” aniya at itinuro pa ang katapat na upuan niya.
“Anong kailangan mo sa'kin?” kalmado kong tanong at hindi na pinansin ang mapanuri niyang pagtingin sa akin. Hinila ko ang upuan na in-offer niya at doon na nga naupo.
Hinintay ko siya na magsalita pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin bago tumikhim.
“You look different,” aniya kaya napabalik ako ng tingin sa kanya. Nakangisi naman niyang isinenyas ang suot kong damit kaya nag-iwas ulit ako ng tingin. Nakaramdam kasi ako ng onting pagka-ilang lalo pa nga't hindi naman ako sanay na magsuot ng ganito lalo na sa harap ng ibang tao at sa lalaki pa nga.
“Ano nga kasi yung kailangan mo?” Pag-uulit ko ng tanong dahil mukhang wala siyang balak na sabihin sa akin kung ano ang pakay niya.
“I just want to make sure that you're still here.” aniya nang hindi inaalis ang pagkakangisi niya.
‘Saan naman kaya ako pupunta? Mukha bang papaalisin nila ako dito?’
Gustong-gusto kong itanong sa kanya para mabura na yung nakakainis niyang ngiti pero pinigilan ko ang sarili ko. Walang magandang idudulot 'yon, e. As much as possible, kailangan kong kumalma kahit pa talagang ang lakas niyang maka-provoke. Partida, wala pa siyang masyadong ginagawa at sinasabi pero parang nasa dulo na ako ng pagtitimpi ko.
Mahaba naman ang pasensya ko, e. Hangga't kaya kong magtiis, tinitiis ko. Kung pwede namang palagpasin na lang ang mga bagay-bagay, iyon ang gagawin ko. Pero itong Kenwood na 'to, makita ko pa lang naiirita na talaga ako. Maybe it has something to do with what happened last night.
“Mukhang hindi ka nasisiyahan na makita ako kaya gagawin ko na ang totoong pakay ko dito.” He said, seriously. Umayos pa siya ng pagkakaupo at hinarap ako nang tuwid. “Magpalit ka ng abogado.” Walang paligoy-ligoy niyang utos. Take note, utos talaga at hindi manlang request.
“A-ano?” kunot-noo kong tanong. Hindi sa hindi ko narinig yung sinabi niya, sadyang hindi ko lang gets kung bakit niya ako inuutusan. Ano ba naman sa kanya kung si Ziggy ang abogado ko? Dahil ba magkaibigan sila? Ganoon ba siya ka-affected? O nagpapatawa lang siya?
“You heard me. Magpalit ka ng abogado.” Mas naging seryoso ang expression ng kanyang mukha at sa tingin ko, hindi talaga siya nagbibiro.
Pero ano bang problema niya? Kasalanan ko ba na magkakilala sila ni Ziggy? I know medyo awkward iyon dahil magkalaban sila sa kasong 'to, pero akala ko nagkasundo na sila kahapon? May pa-may the best attorney wins pa silang nalalaman kagabi.
“That has nothing to do with you.” sagot ko at pilit pa na ngumiti sa kanya.
“Yes. But Atty. Park will risk everything he have just to prove your innocence.” he said trying to make his point.
“More reason why I should stick with him, diba?” nakangiti kong sagot. “I know na magaling siyang abogado. I know that he would help me out.”
“Hindi ka ba nakukunsensya na may isa ka pang buhay na sisirain? Hindi pa ba sapat na may napatay ka na?”
Hindi ko nagawang pigilan ang pag-arko ng kilay ko sa huli niyang tanong. Kusa din na nabura ang pagkakangiti ko. Hindi pala sapat ang salitang hambog para ilarawan siya. May pagka-judgemental din pala siyang taglay.
“For the record, wala akong pinapatay.” sagot ko.
“Tch.” Ismid niya at mapangutya pa akong tiningnan nang diretso sa mata. “Atty. Park is my friend. He's just starting to build his own name in the industry. Ayokong masira ang career niya nang dahil lang sa pagtatanggol sa isang kriminal na katulad mo.” Dagdag pa niya.
“Bakit ba siguradong sigurado ka na ako ang pumatay kay Sky?” matapang kong tanong pero inismiran niya lang ulit ako. “And besides, matalino si Ziggy, al—”
“Ziggy?” Tila hindi makapaniwala niyang tanong. Hindi niya yata nagustuhan ang pagtawag ko sa palayaw ng kaibigan niya. “You call him... Ziggy?”
“Oo. That's his name, right?” sagot ko. “As I was sayi–”
“That stupid guy,” mahina niyang bulong habang umiiling-iling pa.
“W-What?” kunot-noo kong tanong dahil hindi ako sigurado kung tama ang pagkakarinig ko sa binulong niya.
“Anyways, just do what I asked you to do.”
Oh diba? Siya na nga itong may ipinapagawa sa akin pero siya pa itong mayabang. Yung totoo? Lumaki ba siya na palaging nakukuha ang mga gusto niya? Masyado siyang feeling entitled. Akala naman niya magpapadala ako sa kanya.
“Paano kung sabihin ko na hindi pwede?” seryoso kong tanong na nagpataas ng kaliwang kilay niya.
“A-ano?” Bakas sa mukha niya ang pagka-inis kaya minabuti ko nang ipaliwanag sa kanya ang dahilan ko.
“Wala nang ibang gustong tumulong sa akin bukod sa kanya.”
“Of course! Do you really expect that someone is willing to help you? May I remind you, you're a murderer.” Madiin pa niyang sagot kaya napailing ako.
“See? Even you. Pinagbibintangan mo ako kahit wala ka pang sapat na batayan. Ziggy is my only hope para malinis ang pangalan ko. Siya lang ang naniniwala na inosente ako.” Paliwanag ko at tiningnan pa siya nang seryoso.
Kung tutuusin, wala naman akong dapat na i-explain sa kanya dahil una sa lahat, sino ba siya? Abogado siya ng mga tao na gustong magpakulong sa akin. Kalaban ko siya sa kasong 'to at sa kanya na nanggaling na gagawin niya ang lahat para makulong ako. What if parte ito ng plano niya? O nila? Ayoko siyang i-judge dahil sure ako na ginagawa lang din niya ang trabaho niya pero ako naman ang magiging kawawa sa huli kapag pinagbigyan ko siya.
“Pasensya ka na pero hindi kita pwedeng pagbigyan.”
“What? You are willing to ruin someone else's life? You're going to that extent?!” galit niyang sigaw at gigil pang tumayo sa harap ko kaya bahagya akong napasandal sa kinakaupuan ko. “Gan'on ba kakapal ang mukha mo?” tanong pa niya.
‘Ikaw ganyan ba kasama ang ugali mo?'
Huminga ako nang malalim para pigilan ang sarili ko na makapagbitaw ng masasamang salita.
“Makapal na ang mukha ko kung iyon man yung gusto mong isipin,” mahina kong bulong. “But I'm just trying to do what I can do for myself. Please don't take that chance away from me. Ziggy is my only hope. Gustong-gusto ko nang makaalis dito.” Paliwanag ko pa habang nakatingin sa mga mata niya dahil gusto kong maramdaman niya yung sincerity ko.
Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin kaya umaasa ako na maniniwala siya sa akin pero nagkamali ako.
Umayos siya nang pagkakaupo at naiiling pa akong tiningnan. "Tch. You almost got me with your acting skills. Not bad, huh?” Komento pa niya kaya napasapo na lang ako ng sarili kong noo.
'Gaano ba kalaki ang trust issue niya at hindi niya magawang maniwala sa akin?'
“May ilang araw pa bago ang hearing ng kaso, tell Zigmund to drop this case.”
“Alin sa salitang 'Pasensya ka na pero hindi kita pwedeng pagbigyan' ang hindi mo maintindihan?” napipikon ko nang tanong. “Gusto mo ba in english pa?” Tinaasan niya ulitako ng kaliwa niyang kilay kaya ganoon din ang ginawa ko. Kanina pa ako nagtitimpi sa kanya at oo mabait ako pero hindi ibig sabihin na hindi na rin ako mapupuno. “Masyado kang napahahalataan. Gan'on ka ba ka-threatened kay Ziggy?”
Bigla siyang napatayo sa tanong ko.
“W-what? Ako? Threatened?” Gulat na gulat niyang tanong. “You're talking about me? As in Iñigo Kenwood?”
“Oo, ikaw." Matapang kong sagot. “Lumaban ka ng patas, pwede ba?”
Napaka-unfair naman kasi niya, ako yung iniipit niya. Gipit na nga ako sa sitwasyon, mas lalo pa niya ako ginigipit.
“The audacity of this woman,” bulong niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. “You really got the nerve, huh?”
Pumikit ulit ako para pakalmahin muna ang sarili ko. Huminga muna ako nang malalim bago muling magsalita. “Alam mo? Naniniwala naman ako na magaling at matalino ka.” Pag-uumpisa ko. “Soon, malalaman mo din ang totoo. Lalabas di ang katotohanan na mali ka ng ibinibintang sa akin.” Tumayo na ako at tinalikuran siya. Handa na akong iwanan siya nang may maisip akong sabihin. I know that I will sound crazy if I tell him this but I just have to let him know. “How about this? Bakit hindi na lang ikaw ang bumitaw sa kasong 'to?” Liningon ko siya at bumungad sa akin ang nakabusangot niyang pagmumukha. Bakas na bakas ang pagka-inis niya na para bang hindi niya matanggap ang mga sinabi ko. Sa palagay ko, madalang o baka ngayon lamg niya naranasang mapagsalitaan. I don't know what pushed me to give him a genuine smile. I even lowered my head before I faced him. “Don't worry. I won't tell Ziggy about what happened today. But in return, I hope I don't see you again,” dagdag ko pa bago tuluyang umalis.
Nang makalabas ako ng silid, sinalubong naman ako ni Officer Salas. Katulad ni Atty. Kenwood, alam ko na para sa kanya, guilty ako. Kaya hindi na ako nagulat nang irapan at simangutan niya ako. Yumuko na lang ako para umiwas dahil iyon ang pinaka-praktikal at dapat kong gawin sa ngayon. Masyado nang marami ang nagagalit sa akin nang dahil sa maling bintang nila at ayoko nang dagdagan pa iyon.
“Hindi ko alam kung anong sinabi mo kay Zigmund at napapapayag mo siyang tanggapin ang kaso mo,” aniya kaya huminto ako at hinarap siya. “He's too gullible.”
“Sinabi ko lang sa kanya kung ano ang totoo. At sa tingin ko, maswerte pa din naman ako dahil may mga tao pa din na naniniwala sa akin,” sagot ko bago siya matipid na nginitian.
“Tss. At sa tingin mo mapapaniwala mo din ako?” tanong niya kaya nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga. Hindi ko alam kung bakit ang bitter niya masyado sa akin. Bakit kaya hindi muna niya ako bigyan ng chance? “Basang-basa ko ang mga katulad mo. Hindi mo ako maloloko.” Isa pa itong babaeng 'to. Ang laki ng trust issue sa mundo. Hindi ko alam kung ano ang pinanghuhugutan niya pero naaawa ako sa kanya. “Hindi magtatagal, lalabas din ang katotohanan. Gagawin ko ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Sky Sy.”
“Kung gan'on, pareho lang tayo ng gusto.” Yumuko ako sa kanya bago bagtasin ang daan pabalik sa selda kung saan nila ako in-assign.
Sana nga, magawan na nila ng paraan na mahanap ang totoong pumatay kay Sky. Gustong-gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang matapos ang bangungot na 'to. Para na rin matahimik na kaming pare-pareho.
“Oh? Lychee girl, ang bilis mo naman?” tanong ni Lemon na abala sa pagpapatuyo ng kanyang kulay blonde na buhok. “Akala ko may bisita ka?”
“Akala ko din, e.” sagot ko bago pumwesto ng upo sa tabi niya. Kung alam ko lang na bwisita at hindi bisita ang madadatnan ko doon, sana hindi na lang ako na-excite. Akala ko kasi talaga si lola na, e.
“Hindi pa ba yung lola mo yung dumating?” tanong ni Nanay Miling kaya mabilis akong umiling. Kalalabas lang niya ng banyo at mukhang katatapos lang niya maligo.
“Yung abogado po ng pamilya nila Sky, kinausap na naman ako.” sagot ko.
“Oh? Bakit daw? Ano namang kailangan niya sayo?” tanong ni ate Suzy habang may kinakain na kutkutin, sunflower seed yata iyon.
Nai-kwento ko na kasi sa kanila na ang daming kumausap sa akin kahapon at isa na nga 'don yung kampo nila Sky.
“Eh ayon po, inuutusan ako na magpalit ng abogado,” nakanguso kong sagot. “Pwede ba 'yon? Oobligahin niya ako na kumuha ng iba?”
“Ay wag kang papayag!” sigaw ni Lemon. Gigil pa siyang tumayo kaya napatingin kaming lahat sa kanya at naghihintay ng paliwanag kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya. “Kapag nagpalit ka ng abogado di ko na makikita si Atty. Park! Iyon na nga lang ang gwapo na nasisilayan ko, mawawala pa??”
“Sus. Akala ko naman, concern ka dito kay Lychee!” sita ni Peachy bago hilahim ang basang towel na nakasampay sa ulo ni Lemon. “Para kang tanga!”
“Eh anong sabi mo 'don sa abogado nila Sky?” seryosong tanong ni Apple dahilan para muling maibalik sa akin ang atensyon nila.
“Wala naman akong ibang choice bukod kay Ziggy, e.” sagot ko. “Tinanggihan na kami ng lahat. Kahit pa yung mga tao na akala ko maasahan ko sa ganitong pagkakataon, wala na sila.” Mapait akong ngumiti dahil naalala ko na naman sila sir Jules at kung paano nilang tinanggihan si lola base na rin sa kwento ni Ziggy. “Kaya sabi ko, pasensya na siya.”
“Bakit ka hihingi ng pasensya 'don? Parang tanga lang! Ngayon lang ako nakarinig ng abogado na gumanyan. Ka-bobo! Sure ka abogado 'yon?” gigil pa din na tanong ni Lemon. Ako ang kinakabahan sa kanya e. Baka mamaya, bigla na lang siyang putukan ng ugat sa batok dahil sobrang high blood siya. “Alam mo, feeling ko yung abogado na 'yon, matanda na yan at saka panutin na. Siguro pangit tapos amoy lupa na, no?”
Nagtawanan silang lahat kaya natawa na din ako pero deep inside, napapaisip ako. Yung hinulaang description kasi ni Lemon, halos lahat kabaliktaran ni Atty. Kenwood. I mean, alam ko na matalino siya, ramdam ko e. Siya kasi yung tipo na unang kita mo pa lang, alam mo na kaagad na marunong. Saka, papasa bang abogado 'yon kung hindi matalino? Hindi rin naman siya matanda, sure ako na kaedaran lang siya ni Ziggy, so more or less matanda lang siya sa akin ng around one to two years. Well-groomed din siya and he actually smelt nice. Tamang-tama lang yung amoy ng pabango niya, hindi masakit sa ilong.
Napasimangot ako nang ma-realized ko kung gaano ko siya binibigyan ng compliment gayong naiirita pa din ako sa kanya. Ang yabang kasi masyado, judgemental pa!
Tama! Walang silbi ang magandang physical appearance kung pangit naman ang ugali.
“Lychee? Okay ka lang?” natatawang tanong sa akin ni Peachy kaya tumango ako bilang tugon. “Natahimik ka bigla, e.”
“May naalala lang ako,” sagot ko bago tumingin sa nakasabit orasan sa dingding. Mag-a-alas nueve pa lang ng umaga. Dati-rati sa ganitong oras, nasa taping na ako at nag-aabang na maisalang sa eksena dahil sa bahay at trabaho lang naman umiikot ang buhay ko noon. Ngayon, hindi ko alam kung ano ang mainam na gawin para magpalipas ng oras. “Nay, anong mga pinagkaka-abalahan niyo dito sa loob?”
“Iba't-iba depende sa araw. Ngayong araw, may bag making class sa main hall. Minsan arts and craft. May cooking classes din. Basta mga gawain na pwedeng i-negosyo.” sagot ni nanay Miling. “Hinahanda din kasi ng Gobyerno ang mga inmates para mayroon pa din silang pwedeng gawing kabuhayan kapag nakalabas na sila dito.”
“Mahirap kasi humanap ng trabaho sa oras na magka-record ka ng hindi maganda,” ani Ate Suzy. “Hindi maiiwasan na mahusgahan ka kaagad, dahil alam mo na, may dungis na yung pagkatao mo. Kahit anong pursigi mo na humanap ng trabaho, wala nang magtitiwala sayo.” Malungkot siyang ngumiti sa akin bago pumasok sa CR. “Paihi muna ako, a?” aniya dahil si Peachy na yung dapat na maliligo.
“Iyan kasing si Ate Suzy, dati na siyang nakulong. Regular na yan dito kumbaga.” Mahinang bulong ni Peachy. “Nung nakalaya kasi siya, walang gustong tumanggap na kumpanya sa kanya dahil may criminal record na siya. Kaya ayon, napilitan ulit siyang magnakaw ulit, gipit na gipit na daw talaga kasi sila 'non, e.”
“Kawawa naman si ate,” bulong ko din.
“Tapos, yu— ay! Mamaya ko na lang i-chika sayo,” Naputol yung pagku-kwento niya nang biglang lumabas si ate Suzy mula sa CR. Si peachy naman ang pumasok doon para makapaligo na rin.
Nagkunwari ako na abala sa pagtingin sa ginagawang pananahi ni Apple pero pa-simple ko pa ding tinitingnan si Ate Suzy. Bigla kasi akong na-curious nang dahil sa sinabi ni Peachy.
Dati kasi, naniniwala ako na ang mga kulungan, lungga ng mga kriminal at masasamang tao. Pero tingnan mo nga, nasaan ba ako ngayon? Kahit wala akong kasalanan, nandito ako kasama sila.
Paano kung hindi lang pala ako ang nabiktima ng ganitong sitwasyon? Ngayon ko napapatunayan na may pagka-mapanghusga din pala akong tao at gusto ko nang baguhin 'yon.
Not all prisoners are criminal. Some of them might be the victim too. Parang ako.
-