bc

Relax, It's Just Tadhana (BOOK 1-Tagalog)

book_age12+
56
FOLLOW
1K
READ
badgirl
dare to love and hate
maid
comedy
detective
office/work place
brothers
sisters
friends
waitress
like
intro-logo
Blurb

Si Janine, ang mapagmahal na kapatid ni Jeslie ay gumawa ng hakbang para mapahamak ang taong nagbigay ng sakit sa kalooban ng ate niya. Ngunit, sigurado ba siya na iyon nga ang taong iyon?

Alamin natin...

#Romance #LoveStory

#RomCom #Kilig

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Naglayas ang kapatid kong babae dahil sa lalaking nagngangalang Jay L. Mercado. Hinanap ko siya para gantihan. Nawala ang ate ko dahil sa kanya. Kaya gumawa ako ng paraan na mahanap ko siya sa f*******: at magkakilala kami. Ako nga pla si Janine, at Jeslie naman ang pangalan ng ate ko. Masyado kaming close noon ng ate ko, kaya lang pagdating sa love life, wala na akong info sa kanya. Kaya naman kahit dahilan ng hiwalayan nila ng ex niya ay wala akong alam. Lumayas ang ate ko. Hindi namin alam ni Mama kung saang lupalop siya ng Pilipinas naroroon. Hanggang dumating din ang punto na nadiskubre ko sa mama ko na Jay Mercado ang name ng ex niya. Talagang todo effort ako sa paghagilap ng taong ito sa f*******:. Napakaraming Jay L. Mercado pero may nakita akong tila ba nakaagaw ng aking pansin. Taga-Batangas at malamang, siya na nga ang ex-boyfriend ng ate ko. "Huh, yari ka sa akin ngayon!" wika ko nang makita ko ang profile pic niya. Dumating nga ang time na nagkrus ang landas namin ng Jay na ito. Hindi siya gwapo, pero hindi rin siya pangit. Napakaganda ng Ate Jeslie ko para maging gano'n katanga sa lalaking ito. Isa siyang waiter sa isang hotel. Kaya naisip ko na maging guest dito. Sabi ko sa sarili ko na pahihirapan ko siya, para nga maiganti ko ang Ate Jeslie ko. At 'yon nga, utos dito, utos d'yan! Pakuha nito, pakuha n'yan! Sobrang pinahirapan ko! Hanggang dumating sa sukdulan, may dala siyang juice para sa ibang guests. And then, tinakid ko siya, kaya naman, naligo sa juice ang ibang mga guests. Pero "OMG", maldita pala ang natapunan niya, kaya sinampal siya, then sinuntok si Jay ng boyfriend ng girl! "Aray ko po!" sabi ko sa isip ko. Nakaramdam ako ng guilt. At nang matapos iyon. Napansin kong muli si Jay. But this time, hindi na siya nakauniporme na pang-waiter. May dala na rin siyang bag. Tinanggal na pala siya sa trabaho! Paano ba naman, ang natapunan pala niya ng juice ay pamangkin ng may-ari ng hotel. Oh, poor boy! At least, nakaganti na ako! Sa aking pag-uwi, masaya ako kahit may konting guilt. Sabi ko sa sarili ko, "Ate, naiganti na kita sa walang kwenta mong ex." Then, after few minutes, nakarating na ako sa bahay. "What the ... ?" May sasakyan sa harap ng bahay namin. "Teka, parang kay ate 'to ah!" And yes, I'm right! Dumating na pala ang ate ko. Bumalik na siya! Ang saya-saya ko. Niyakap ko siya, tapos sinabi ko ang nangyari. "Oh, my God!" Jay S. Mercado pala ang pangalan ng ex-boyfriend ni Ate—hindi waiter, kundi isang Contact Center Supervisor. Natulala talaga ako sa nalaman ko. Kawawa naman ang isang Jay na 'yon! Anong gagawin ko?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Professor's Wife

read
462.1K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
79.9K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
91.0K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
599.0K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
60.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook