Chapter 3

429 Words
Kinabukasan ay sama-sama kami nina Mama at Ate Jeslie sa lugar nina Jay. Nagpaiwan muna ako sa kotse at lumapit sina Mama at Ate sa pintuan nina Jay. Binuksan ni Jay ang pinto. "Sino po sila?" tanong ni Jay kay Mama. "Ikaw ba si Jay?" "Ako nga po! Bakit po?" "Mama ako ni Janine at ito ang kapatid niya." Itinuro ni Mama si Ate Jeslie. "Janine? Sino pong Janine?" "Si Janine ang anak kong may kasalanan sa 'yo! Naparito kami para humingi ng paumanhin sa 'yo!" "Tumuloy muna po kayo!" Pinaupo ni Jay ang mga bisita at ipinagtimpla ng kape. Lumapit naman sina Katkat, Bryan at Kyla sa kuya nila. "Sino po sila kuya?" tanong ng sumunod na kapatid ni Jay na si Kyla. "Ah eh ... " Hindi makatugon si Jay dahil hindi pa niya kilala ang dalawa. "Ako ang Ate Jeslie n'yo," tugon ni Ate. "At ako naman ang Lola Lianne n'yo," dugtong naman ni Mama. Lumapit si Katkat kay Mama para nagmano. Sinundan nina Bryan at Kyla. Nagtinginan sina Ate at Mama. At inumpisahan na ang pag-uusap. Ipinaliwanag nila kung ano ba ang nangyari. "Ako naman talaga ang may kasalanan, Iho. Ako ang nagsabi na Jay Mercado ang pangalan ng nang-iwan sa ate niya!" pauna ni Mama. "Hindi ko lang po talaga matanggap na sa gano'n lang ako mawawalan ng trabaho. Dahil kay Janine, nasampal na, nasuntok pa, natanggal pa ako sa trabaho! Talented din 'yang anak n'yo, ano ho? Mahusay!" "Kaya nga kami naparito, Jay, ay para tulungan ka na magkatrabaho ulit. Katulad niyan, ikaw lang ang nagtataguyod sa tatlo mong kapatid, 'di ba?" "Pag-iisipan ko po!" Nag-aalinlangan pa rin si Jay. Maya-maya pa ay natapos na ang usapan nila. Lumabas na sila sa bahay nina Jay. Sa pagpasok nila sa kotse ay ako naman ang lumabas. Nabigla si Jay at nagkatinginan kami. Hinayaan ko na umalis sina Mama at Ate. Lumapit si Jay sa akin. "Ano pa'ng ginagawa mo? Ba't 'di ka pa sumama sa kanila?" "Para makabawi ako sa 'yo!" "Pa'no?" "Tutulungan muna kitang mag-alaga sa mga kapatid mo!" "Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?" "Eh gusto ko lang na makabawi sa 'yo e!" "Umuwi ka na!" Tumalikod si Jay. "Jay!" Akma na sana akong iiwan ni Jay pero may nagkagulo sa kapitbahay nila! Ilang kabataan ang nagrambol! Bumalik si Jay at hinagip ang bisig ko. "Halika na nga rito!" Mahigpit ang hawak ni Jay na hila ako hanggang sa bahay nila. Ramdam ko na kahit may kasalanan ako sa kanya ay mabait at may concern pa rin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD