Chapter 19 "WHY ARE you letting them to treat you like that?" tanong nito sa akin habang nakahinto pa rin ang sasakyan sa tabi. "Kasi nakikitira lang ako sa kanila," sagot ko habang nakayuko. Pinahid ko ang luhang bumasa sa mukha ko at humugot ng hinga. Nagbabakasaling mapapagaan nun ang loob ko. Nagmulat ako nang abutan niya ako ng tubig. "Inumin mo 'yan," anito nang hindi tumitingin sa akin. "S-Salamat," sagot ko at sinubukang buksan iyon pero masyadong mahigpit. Binawi niya iyon sa akin at siya na ang nagbukas. Gaano man kabigat ang nararamdaman ko ay gumaan iyon kahit papaano dahil sa pag-aalaga niya sa akin ngayon. Isang bagay na hindi naman niya dapat ginagawa. Inurong niya papahiga ang kaniyang upuan maabot ang kung ano mang kukunin niya sa backseat. Lumingon ako sa kaniya

