SBWL 07:

1650 Words
•Gaea• Napasimangot ako nang makitang nag-iikot lang sa loob ng rink si Chiannie. Kahit sino ay kayang gawin iyon, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip nito at ako pa ang naisipang gayahin. Pwede naman siyang gumawa ng sarili niyang pangalan at bigyan iyon ng sariling popularity. Sa tulong ng pera niya hindi impossible na makamit niya ang bagay na iyon. Nabili nga niya ang pangalan at mukha ko, paano pa kaya ang simpleng bagay na iyon. "It's okay, Ate Chiannie! Alam po namin kung bakit hindi po kayo makakilos nang maayos," malambing na saad ng taong nasa unahan. Dahil sa sinabi nito ay alam ko na tuloy kong bakit niya ginawa iyon. Sa tingin ko hindi naman kakilala ng mga SIS students ang tunay na si Eychan Kim, dahil na rin siguro sa dahilan na ang kanilang pambato ay si Monique De Silva. Napabuntong-hininga ako at tumayo na sa aking kinauupuan. Wala na akong balak pa na panoorin ang boring na palabas na iyon. Ngunit hindi pa ako nakakahakbang nang biglang pumasok sa skating rink si Monique. Napangisi ako at bumalik sa aking pagkakaupo mas maganda 'to. Alam ko na hindi hahayaan ni Monique ang isang Eychan Kim na gumawa ng isang bagay na ikapapahiya niya bilang isang karibal sa rink at palagi niyang hinahamon. "Anong ginagawa mo, Miss Monique?" tanong ng coach sa kanya nang magsimula na itong mag-warm up. "Alam mo ba na si Eychan Kim ang pinakagusto kong kalaban sa loob ng rink?" usal nito at nilingon ang pwesto ni Chiannie. Nilapitan nito ang huli at tinapik ang balikat na tinanguan lang naman nito. "At hindi ko hahayaan na masayang ang oras na'to na hindi man lang siya makakalaban." "Ah, Miss Monique wala na kasi akong panlaban sa iyo ngayon dahil ilang taon din akong natigil at—" "Akala ko pa naman may paninindigan sa titulo nila ang Northern Elenore? Huwag mong sabihin na hanggang salita lang pala kayo?" Natatawa nitong saad kay Chiannie. Naikuyom ko ang aking kamao sa sinabi nito, hindi ako papayag na masira pati ang pangalan ng paaralan namin ni Kyser dahil lang sa walang kwentang babae na'to. "Ano, Eychan s***h Chiannie? Sumusuko ka na ba? Wala ka pa lang kwenta kung ganoon. Ibig sabihin lang no'n na hindi na kayo marapat na sumali sa mga kompetisyon dahil wala naman kayong paninindigan." "Iniwan ko na po iyong lugar na iyon—" "Are you crazy?! Labanan mo siya kung ikaw nga si Eychan Kim! Baka ginagamit mo lang ang pangalan niya para sumikat ka?!" Napatingin ako sa babaeng sumigaw no'n. Hindi ko siya kilala pero sa tingin ko ay tagahanga rin ito ng dating ako. "Ang kilala naming Eychan, ay iyong Eychan na hindi marunong humindi sa hamon kapag figure skating na ang pinag-uusapan! Dahil iyon ang buhay niya!" Natigilan ako sa sinabi nito. Natamaan ako sa mga salitang iyon, tama naman siya. Buhay ko ang figure skating kaya hindi ko pinapalagpas ang mga taong humahamon sa akin sa rink. Nanghina ako sa huling sinabi nito dahil totoong binitawan ko na ang dating itinuring kong buhay ko. "Just incase you didn't know, nangako siya sa amin na kapag bumalik siya sa figure skating ay hindi pa rin mababago ang ugali nito. She promised that everytime she's inside the rink she will dance like a monster who's hungry for his prey." Napangiti ako sa sinabi nito. Iyon ang sinabi ko sa huling interview hindi ako makapaniwala na may isang taong makakaalala no'n. "Lumaban ka please, miss? Ilang taon ka na naming hinihintay." Nalungkot ako sa isiping iyon dahil napaka-impossible na mangyari ulit ang sinasabi nito. Pinapangako ko na kahit kailan ay hindi na ako babalik sa loob ng rink. Inaamin ko na naiinggit ako sa mga figure skaters na nagsasayaw sa loob ng rink, pero sa tuwing maaalala ko ang mukha ni Kyser ay kaagad din naman nawawala iyon. "Dahil sinabi mo nga na hindi ka makakalaro ngayon dahil sa injury mo sa paa ay hahayaan kitang magpagaling," nakangiting saad ni Monique. Napailing ako nang makita ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata, sa tingin ko ay alam naman niya na hindi ang totoong Eychan ang kaharap niya ngayon ay pinapatulan pa rin niya. "Pagkatapos ng isang linggo ay babalikan kita. Hinahamon kita ng one on one, kung mananalo kay ay titigilan na kita at kung ako naman ang mananalo ay aalis ka na sa school na'to. Game?" Hindi nakaimik si Chiannie at nanatili lamang nakatitig sa kamay na nasa kanyang harapan. Kapag tinanggap niya iyon at hindi niya sinipot ay masasampal ko talaga ang pwetan ng babaeng ito. Iyong sobrang lakas para madama niya ng husto ang kabaliwan niya. "Game!" masaya nitong saad. Napailing ako at tuluyan nang naglakad palayo roon. Hindi ko na gustong malaman kung ano ang kasunod na mangyayari roon. — Pagkalabas ko pa lang ng gymnasium nang sinalubong ako ng hinihingal na si Thalia. Tinaasan ko siya ng isang kilay nang bigla nitong hinawakan ang aking braso at tila ba nagmamadali. "Anong problema mo?" tanong ko sa kanya at hindi nagpatinag sa paghila. Hindi naman kami malapit sa isa't-isa ni Thalia, sadyang hindi lang talaga niya ako tinitigilan simula nang magkita kaming dalawa parang si Thunder din ang babaeng 'to. "Huminga ka nga ng malalim bago mo ako kausapin, Thalia." Ginulo niya ang kanyang hanggang balikat na buhok at itinuro ang hallway patungo sa next class ko—oh, wait! Magka-klase pala kami sa subject na iyon. "May quiz daw tayo kay Sir Jenan! Saan ka ba nagpupuntang babae ka? Gusto mo bang maglinis ng mabahong office niya para makapasa?" taas-kilay niyang tanong sa akin. Nanlalaki naman ang aking mga mata na binatukan siya. "Nambabatok naman 'to." "Akala ko ba walang pasok? Hindi ba at may—" Napatigil ako sa pagsasalita at kinunotan siya ng noo nang makita ko itong humagalpak sa kakatawa at napaupo na sa may sementadong hallway na iyon. Pinagtitinginan na ito ng mga tao ngunit parang wala naman itong pakialam sa sasabihin ng iba. "Tinatawa mo r'yan, Thalia? Sabi mo ay may quiz tayo kay Mr. Jenan bakit nar'yan ka pa?" naiinis kong tanong dito. Hindi ako palaimik pero sa tuwing kinakausap ako ni Thalia at Thunder para bang mababaliw ako kapag hindi ko ibubuka ang aking labi at kausapin ang mga 'to. "Uy, Eychan, akala ko talaga hindi ka maniniwala sa akin. Ang seryoso mong tao at ang talino mong tingnan ay naniniwala ka pa rin pala sa mga pa ganon ko!" natutuwa niyang ani. Napabuntong-hininga ako at umupo sa kanyang harapan. Magsasalita pa sana ito ulit nang hinila ko ang kanyang tainga. Agaran siyang napatili at napahawak sa aking kamay. "Gusto mong itali kita roon sa room kong saan magkikita kayo ng nilalandi ng ex-boyfriend mo?" taas-kilay kong tanong sa kanya. "Ay ang sama ng ugali mo, Eychan! Doon na lang kaya sa room ng gwapo kong crush, ano?" Napailing ako sa sinabi nito. "Ang swerte mo naman, hija, sa ginawa mo sa akin pwede na kitang dalhin sa zoo at ipalapa sa mga lion," seryoso kong saad sa kanya. Nanlalaki naman ang mga mata niyang tumingin sa akin kaya malakas akong tumawa na ikinatingin naman niya sa akin na puno nang pagkamangha ang mukha. "Ano na namang tingin iyan, Thalia? Babae ako at wala akong balak na patulan—" "Sorry, ngayon lang kita nakitang tumawa nang ganito. Alam mo kapag tumatawa ka ay napapaisip ako ng kamukha mo, hindi ko lang matandaan iyon pero sikat iyon, eh." Lumapit ako sa kanya at ginulo ang kanyang buhok. Normal lang iyon na may maalala siya dahil hindi naman kasi marami ang mayroong heart-shape lips. "Ang ganda mo!" Pinitik ko lang ang kanyang noo at nauna nang maglakad sa kanya patungo sa next class ko. Gusto kong magkaroon ng kaibigan pero natatakot ako na baka mabunyag ang sekreto ko. Hindi naman iyon mabigat na sekreto. Ayaw ko lang talaga na mabunyag ang pagkatao ko hanggat hindi pa ako nakapagtapos. Isang taon na lang din naman at gra-graduate na ako, madali na lang iyon. "Eychan, hintay!" Hinayaan ko na lang siyang sumunod sa akin ngunit hindi na ako umimik. — "Eychan, gusto mo bang mag-grocery?" tanong nito sa akin habang papalabas na kami ng gate. Tiningnan ko siya sabay na inilingan sa ngayon ay wala pa akong balak na pumunta sa grocery store dahil may laman pa naman ang refrigerator ko. "Ang boring mo talagang kausap, Eychan! Ano naman ang makukuha r'yan sa pag-iling mo?" nakabusangot niyang saad. Natawa naman ako sabay kurot sa kanyang matambok na pisngi. "Baka sa Sunday pa ako bibili ng mga stocks. Mag-isa lang naman ako sa apartment kaya hindi ko kailangan ng maraming pagkain." Tumango naman siya at nagpaalam sa akin ng dumating na ang driver niya. Kumaway lang ako rito at dahan-dahang naglalakad patungo sa may kalsada. Dahil wala naman akong gagawin ngayong proyekto ay maglalakad na lamang ako pauwi para makapag-save rin ng pamasahe. "Eychan!" Natampal ko ang aking noo dahil sa taong pumalit kay Thalia. Boses pa lang nito ay alam ko na si Thunder iyon. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin nang hindi nito tinigilan ang pagkulbit sa aking likuran. "Oh, galit ka na naman, Ali! Mag-smile ka nga, sige ka ang bilis mong tumanda n'yan!" pang-aasar nito sa akin. "Thunder, isa na lang talaga at sisipain ko na iyang pagmumukha mo," kagat-labing saad ko sa kanya. Tumaas naman ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin. "Ano?" "Kaya mo akong sipain? Sayang naman ang gwapo kong mukha, Ali," usal niya habang hinihila pa ang dala kong bag. Hindi ko siya pinansin at hinayaan na lamang ito na parang bata na nakahawak sa aking sling bag habang pabirong umiiyak. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao siya naman ang sikat ngayon sa school kaya siya pa rin ang magkakaroon ng pangit na image sa mga fans niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD