bc

My Greatest Love

book_age12+
8
FOLLOW
1K
READ
others
second chance
friends to lovers
badgirl
brave
self-improved
inspirational
cheating
childhood crush
first love
like
intro-logo
Blurb

Teenagers Who fell in love so fast and Experience a Heartbreak at a very young age. How can we handle it by ourselves ?

Do we need to fight for it?

Do we need to Let it go?

or Do we nedd to Learned from it, to Move forward in our lives.

Falling inlove is easy but Moving on, is Like a dream that we need to Push in step by step.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE (HURT)
Habang nasa loob ng classroom ay inaantay kong mag-uwian, kating-kati na'ko lumabas para maabutan ang boyfriend ko na 'di ako pinapansin ng ilang araw, kaka-labas ko lang ng hospital dahil na-confine ako sa sobrang acidic. Pagkapasok ko pa lang sa school n'un ay sumilip agad ako sa classroom nila dahil malapit lang sya sa classroom namin, ngunit wala pa sya excited na kasi ako miss na miss ko na sya. Hayy Nakapangalumbaba ako sa armchair habang nagkaklase ang teacher ko sa Araling Panlipunan, 3rd year high school na ako ngayon. Bakit gan'un ? uwian na kasi nabagyo ayaw pa rin kami i-dissmiss, ma'am naman baka takasan na naman ako n'un jowa ko eh!. At eto na nga ang inaantay ko, Hay salamat na dissmiss na rin. Dali-dali kong inayos ang bag ko , nagpulbo ako at inayos ko ang hairstyle ng buhok ko. Palabas na sana ako ng room ng harangin ako ng bestfriend ko "Bes, sama ka ? tatambay kami kina kuya ian , baka mamaya pa tayo n'yan makasakay ng jeep tutal maaga pa naman, sabay sabay labasan n'yan di agad tayo makakauwe, ano sama ka ?" aya sa akin ng kaibigan ko. "Sige bes, pero wait lang ha! kailangan kong maabutan si boyfie baka matakasan na naman ako, ilang araw na akong iniiwasan kasi eh." malungkot kong pahayag. "Hanggang ngayon pa'rin ba iniiwasan ka pa rin ? sige antayin ka namin sabihan ko na rin sina kuya para sabay-sabay na tayo. Sasamahan na rin kita sa boyfie mo para di makatakas hehehe." suportadong sabi ng bestfriend kong si grace. "Sige bes salamat dun lang ako sa stage mag aantay baka umikot sya dun kasi baha na banda dun sa isang dadaanan nya eh." pagkasabi ko n'un ay tumakbo na ako papuntang stage kahit malakas na ang bagyo at nababasa na ang palda at sapatos ko. Habang nag-aantay ay hindi nga ako nagkamali at nakita ko ang boyfriend ko na dadaan sa lugar kung saan ako nag-aantay, yung kilos nya na parang nagmamadali at may pinagtataguan. Pero wala mabilis ako eh, hehehe kahit mabasa ang sapatos at palda ko ay tumakbo ako papunta sa kanya, nung nakita nya ako ay lilihis dapat sya ng daan ngunit hinarangan n ma sya ni grace kaya naabutan ko sya. "Mag-usap kayo hindi yung ganito na tumatakbo ka at panay iwas sa kanya tay." sabi sa kanya ni grace, nasa likod din ni grace ang mga tropa ko na tinuturing kong mga kuya, namin nila grace. Tay at nay ang tawag sa amin ni grace sya daw ang anak namin, hehehe baliw 'yong bestfriend ko eh, support sa kabaliwan ko. Walang nagawa si Ren kundi harapin ako na parang napipilitan pa sya. Pagkaharap nya ay kinaladkad ko sya bandang gitna ng covered court para malayo sa mga tropa ko at sa ibang tao na makakarinig sa amin pero mukhang agaw atensyon kaming dalawa ri'to hay, wala akong choice eh para makausap ko na rin sya, nasasaktan na rin ako sa pag-iwas nya sa akin. Kahit malakas ang bagyo at baha na rin sa pwesto namin ay tinuloy ko pa rin ang pag-uusap namin at mga bumabagabag na tanong sa utak ko, masyado nang maraming bagay ang napasok sa utak ko. Katulad nang bakit bigla sya nanlamig? Bakit pag breaktime ayaw nyang lumabas ng classroom pag tinatawag ko sya, ay nagmumukha akong tanga sa pinto ng room nila at pinag titinginan ako ng mga kaklase nya, pero di nya magawang lumingon sa akin ? kaya ang ginagawa ko nakikisuyo ako sa kaklase nya na ibigay ang pagkain na binili ko sa canteen, kasi siguro busy sya sa pag-aaral at ayaw ng istorbo. "May nagawa ba ko?" unang tanong ko sa kanya, pinipigilan kong maluha dahil nararamdaman ko na mawawala sya akin. Hindi sya sumagot pero nakatingin lang sya akin na parang naiinip. Kaya't nagpatuloy ako sa pagtatanong "Bakit iniiwasan mo ako? bakit sabi ni cha sa akin ay hiwalay na daw tayo, sinabi mo raw sa kanya yun, bakit hindi ko alam ? naghiwalay ba tayo? may nagawa ba ko ? nagseselos ka pa rin ba malapit pa rin ako kina kirt, tropa ko lang sila." Pagaralgal na sabi ko ngunit nakatingin pa rin lang sya akin at hindi nagsasalita. Nakakaramdam na ako kaya siguro dapat magtanong na ako ng tanong na kanina ko pa gusto malaman. "Ayaw mo na ba sa'kin?" Naiiyak na tanong ko sa kanya, tinignan nya ako ng may awa sa mata. "Hindi sa ganon." biglang sabi nya kaya lalo akong napaiyak. "Hindi mo na ba ako mahal?" hagulgol kong sabi sa kanya, ang mga mata nya ay awang awa sa sitwasyon ko. Marami na'rin nakakakita sa amin dahil mga stranded din sila sa ulan at baha. "Mahal kita." sabi nya at nag iwas tingin dahil pakiramdam nya ay bibigay sya dahil sa itsura ko. "eh bakit mo ako iniiwasan? bakit mo sinabi kay cha na wala na tayo? wala na ba tayo ? paano?" umiiyak kong sabi. Ang mga taong nasa paligid ay halos kilala ako dahil Ex campus ang bansag sa akin, pero umiiyak sa isang lalaking nasa harapan nya. "Kailangan ko nang umuwe." biglang sabi nya, akmang lalagpasan ako ng pinigilan ko sya sa braso. "Teka, gusto kong malaman kung bakit ? ayaw mo na ba sa akin? di mo na ba ako gusto?" umiiyak kong tanong na halos magmakaawa na ako. Hindi nya ako nilingon pero napabitaw ako sa brasong nakahawak sa kanya sa sinabi nya "Wala na tayo, kasi ayoko na" pagkaalis nyang yun ay para akong napako sa gitna ng covered court at nakalingon sa kanya. Hinarang sya ni grace at may sinabi si grace sa kanya pero hindi ko narinig kasi par na akong nabingi nun at ang sakit, naninikip ang dibdib ko ramdam kong tuloy-tuloy ang mga luha ko sa pisngi. Natauhan lang ako ng lapitan na ako ni grace at ng ibang tropa, sa paglapit nila ay bigla akong napahagulgol at nagsumbong na parang bata sa kanila. "Ayaw na nya sa'kin , iniwan na nya ko , nakipg hiwalay na sya sa'kin. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko kung bakit biglang ayaw na nya sa akin? Nung birthday ko naman okey pa namin sobrang sweet nya, anong nangyari ? mga kuya anong nangyari?" humahagulgol kong sabi na halos di ko na maintindihan sa sobrang hikbi ko. Si grace at kirt ay galit na galit kay Ren dahil wala daw rason ang pakikipag hiwalay sa akin. "Gusto mo kausapin ko? Upakan ko? Nakaka-gigil eh!" biglang sabi ni kirt at halatang galit nya. Ang swerte ko may mga kaibigan akong ganito. Hanggang sa pagpunta namin sa tambayan ay umiiyak pa rin ako at pinapatawa nila ako, pero wala ako sa sarili dahil iniisip ko baka nagbibiro lang sya. Baka tinotopak lang sya, baka nagpapasuyo lang. Ang daming "baka" sa utak ko na natakbo. Hanggang sa makauwe ay maga ang mata ko. Salamat naman at hindi gaano napansin nila lolo at lola na galing ako sa pag-iyak. Kinagabihan ay tinext ko sya gamit pa ang cellphone ni lola na de keypad. Pero wala hindi nya sinasagot ang mga text at tawag ko sa kanya, sa sobrang nahihibang na ako ay niloadan ko sya ng regular 60 nasa isip ko kasing hindi talaga sya mahilig mag-load kahit noon pa. Hindi nya alam na ako yung sponsor nya simula noon pang hindi pa kami. Masaya ako pg nag GGM sya na "salamat sa nagload sa kanya" alam kong ako yun kaya masaya ako pag nababasa ko yun sa GM nya. At tama nga ako nag GM uli sya at nagpasalamat sa load nya. Eto na naman ako kinikilig na parang bulate sa higaan kasi nadaanan ng GM nya at nagpasalamat sya sa load. Hibang na talaga ako, iniwan na nga ako kinikilig pa ko. At dahil nga Nag GM sya nagtext ako kanya. Pero gaya ng inaasahan hindi nya ako nireplyan. Nag GM ako pero ang totoo ay sa kanya ko lang sinend ang "kunwaring GM" na yun. (Mahilig ako mag GM talaga ng lyrics ng kanta) AKO: "Tanging ikaw ang s'yang mahal, sa gabi at araw, kung lalayo pa'no na ang aking buhay." Gud'eve ebriwan , Pm sa want ;) GM #06.07.10 Pagkasend ko ay di talaga sya nagreply. Natulog ako nang tahimik na humahagulgol dahil ayokong marinig nila lolo, lola at ng ate ko. Ang sakit sakit. Pakiramdam ko ay ito yung una kong pag-ibig kahit hindi naman sya ang first boyfriend ko, hindi ko alam kasi sa dami ng naging boyfriend ko ay sa kanya ko nakita na sya yung gusto kong makasama at maging Corpus balang araw.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
101.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook