EPISODE 1 (1ST YEAR HS/WAGAYWAY FESTIVAL)

2843 Words
Unang pasukan at excited na ako kasi pakiramdam ko, dalaga na ako pag high school daw kasi yan daw yung exciting na part ng buhay kaya eto totoong excited ako at kinakabahan kasi baka hindi ako magustuhan ng mga tao, paano pag ayaw nila akong maging kaibigan? Pero hindi, think positive ka dapat Lieann. Crowded ang daan papuntang classroom namin , dahil nga unang pasukan yung iba ay magkakakilala na at yung iba naman ay naghahanapan pa ng classroom nila. Mabuti na lang alam ko na yung classroom ko noong nag enroll at nun nag orientation ay hinanap na namin ng ate ko ang classroom ko para daw pag pasukan ay hindi daw ako tatanga-tanga, hmp. Nung nahanap ko na ang classroom ko ay sumali na ako sa mga naka-pila sa tapat nito dahil sarado pa ang room namin at first subject din naman namin ay adviser namin. Tahimik lang ako sa tabi ng bintana kasi nahihiya akong makipag usap dahil karamihan sa kanila ay magkaka-kilala na dahil mga same school sila ng elementary. May kakilala naman akong isa kasi classmate ko sya ng elementary pero ang awkward kasi , crush ko sya nun elementary pero ang crush nya ay ang bestfriend kong Mei. Nung nagtama ang paningin namin ay halatang nagulat sya kasi same kami ng section. Ngumiti na lang sya kalaunan at ganoon rin ang ginawa ko. Dumating ang adviser namin at binuksan na nya ang room pero hindi nya muna kami pinapapasok kasi mag A-alphabetically arrange daw ang puwesto namin kaya mga nakapila pa rin kami sa tapat Section 1-D kami , pang apat sa mataas kasi By alphabetical din ang sections rito sa INHS. Nang naayos na kaming lahat sa loob ng room ay nag pasulat lamang sya ng name namin sa index card kasi yun daw ang attendance namin sa araw-araw at gagamitin sa mga recitations, bunutan ba. Nung lumabas si Ma'am ay kinausap ako ng katabi ko sa kanan kasi sa bintana ako napuwesto dahil sa apelyido ko. "Hi! ako si Monica , ikaw anong name mo ?." pakilala ng katabi ko. "Ako naman si Lieann." nakipag kamay sya sa akin at ganun din ako sa kanya. Napagdesisyunan namin na sabay kaming mag-Recess tutal kami pa lang naman ang magkakilala at parehas nangangapa sa school. Recess na at kami naman ni Monica ay parang tanga na hinahanap kung saan ang canteen, napunta pa kami sa pinaka likod ng school pero wala pala roon , ang ginawa na lang namin ay sinundan ang mga estudyang marami sa daan patungo sa isang direksyon, at dahil nga bago lang kami ay dun na lang kami umi-stop sa stall ng may burgers at kung ano pa, may mga palamig rin sila na matatamis at pineapple sa halagang 5-10 pesos. Sa tabi naman nung stall ay may tinda ring Mais na nasa cup tapos may margarine at asukal , hindi ko alam ang tawag dun dahil di naman talaga ako nakaian nun, mayroon din silang tindang pancakes na tig pa-5 pesos na lalagyan ng margarine at asukal, pati nilagang mais ay tinda nila. Ang napili ko na lang bilhin ay Egg sandwich at Milo na tig 5 pesos. Nun nakabili na rin si monica ay napagdesisyunan na lang namin na sa room kainin yun. Habang naglalakad pabalik ng room ay kinakain na namin paunti-unti ang pagkain namin sapagkat nakikita namin na parang male-late na ata kami kasi nagsisitarantarahan na ang mga kaklase namin. Naubos namin ang pagkain namin bago pa kami makapasok sa room. Sabay kaming natawa na may halong kaba pagkaupo namin. Syempre kabado pa kami kasi 1st year pa lang, ito yung tipong takot ka pa magkaroon ng pagkakamali sa pagiging high school. Lumipas ang araw ay dumami ang mga kaibigan ko kabilang na sina Chinkee, christofer, aimerence, at lorann. Nung Araw ng Birthday ko ay masaya ako kasi first time ko makatanggap ng regalo galing sa mga kaibigan. Lumipas ang mga buwan , dumami ang mga kaibigan ko nagkaroon din ako ng tropa. Nahati ako sa dalawang grupo pero parehas silang mababait. Ang isang grupo ay sila Monica, Chinkee, tope, Lorann, Aimerence sila yung mga tipong aral na tropa pag walang assignment ang isa sa amin ay papakopyahin kami ni chinkee at tutulungan. Ang isang grupo naman ay ang Tropang GOBILAMS hahhahaha ang weird nila magpangalan hahaha ang GOBILAMS ay halo halo ang mga kaibigan ko sa ibang section at mayroon din naman na kaklase ko tulad na lang nila Rhenshelle, James, Erwin, Nina(tomboy), Aimerence at sa katabing room naman namin na Section 1B ay sina Kim, Jomarie, Jessie, Janine, Shaira, Roderick. Mayroon din sa Section 1A si Grace. Habang tumatagal ay dumarami ang mga kaibigan ko, natuto akong mang bully ng kaklase kong bakla pero di ko na inulit. Sumasali ang Section namin sa mga Dance Group nun nagkaroon ng Christmas Party ang mga 1st year lamang. Nagkaroon ako ng Crush sa Section 1-E nang isang beses sumama ako sa adviser namin papunta roon sa net class nya kasi marami sya'ng bitbit, kasama ko sina Chinkee at Tope ng pumunta kami sa isang building at umakyat roon. Pagka-pasok ay parang nagkahiyaan pa kaming tatlo nila chinkee kaya nagtulakan pa kami sa pinto kung sino unang papasok kasunod ni ma'am at dahil napagtulungan ako , ay ako ang nasubsob papasok ng room. Pagkapasok ay sumunod ang dalawa at pasimpleng pinandidilatan ko sila ng mata, kasi nakakahiya dahil buong tao sa classroom ay nakatingin sa amin tatlo na akala mo mga ngayon lang nakakita ng tao hihihih. Pinakilala kami ni Ma'am Jasmien sa kanila kaya humarap kaming tatlo, pagkaharap ay may morenong lalaki akong nakita nsa 2nd row sya at medyo malapit sa bintana , bigla akong nahiya pakiramdam ko ay gusto kong tumili bigla ng di ko alam heheheh. Sa harap nya ay isang lalaking Chinito na maputi at medyo payat, apat silang lalaki na gwapo pero yung moreno talaga yung crush ko hihihih. Pagkatapos ng tagpong yun palagi na kami nasama kay ma'am pag pupunta sya sa next class nya, syempre alam na ni ma'am ang pakay namin kaya tatawa tawa sya sa amin pag kinikilig kaming mga istudyante nya. Kasama na namin ngayon si Joleen isa sa kaklase naming kinakainisan kasi sya yung feeling pabida sa room ba, minsan na nya inagaw kay chinkee ang utos ng isang teacher sa amin dahil si chinkee ang secretary sa room. Isang beses ay kay Aimerence inutos ang Portfolio pero sya ang naglikom sa amin imbis na si aimee, kaya sa inis ni aimee ay sinabunutan nya ito. Pagkarating sa room ay syempre pa shy type ang trip ko noh kasi and'yan si crush heheheh. Pero itong si joleen obvious masyado talagang pinaparamdam nya sa crush nya'ng crush nya talaga yun, di gumaya sa akin pa shy type lang hehehe. Pasimpleng kinakausap ni joleen ang crush nya , yung chinitong maputi Ren yata ang pangalan sa pagkakarinig ko. FYI may boyfriend si joleen at classmate namin yun. Natapo ang buong year ng masayang taon , maraming naging kaibigan, kalokohan at kung ano-ano pa. Nakakalungkot rin kasi magkakahiwa-hiwalay ang iba sa amin pagdating ng 2nd year. Busy ang lahat sa pagpapapirma ng clearance para makuha ang card sa susunod na linggo. Way to go sa 2nd year Goodluck! Natapos na ang first year, tapos na rin kami sa pagpapa clearance sa mga teacher na medyo nahirapan kaming hagilapin hehehe, nakuha ko na rin ang card ko. Nasa School ako ngayon kasi mag E-enroll na ako for 2nd year, ako lang ang nag eenroll sa sarili ko dahil hiwalay naman ang mga magulang ko. Ang mama ko ay may asawa nang iba pati na ang papa ko, pero wala akong masabi sa stepmom ko kasi mabait sya sa aming magkakapatid simula grade 3 ako dumating sya sa buhay namin at tinuring kaming mga tunay na anak , isipin mo lima kami na natanggap nya though hirap syang pakisamahan ang ibang mga kapatid ko dahil hindi pa sya tanggap noon. Pero nakalipas ang taon ay unti-unti na syang tinanggap nila at nagkaroon kami ng kapatid sa kanya at yun ay si Tisha Mae. So back tayo sa topic ng pag eenroll hehehe, nang matapos ay nakita ko ang kaklase ko noong 1st year si John Rey isa sya'ng Bisexual. So ayun nga nagkukwentuhan kami sa may bench sa harap ng Social hall ng may lumapit samin na lalaki. "Anong year na kayo? marunong ba kayong sumayaw?" tanong nya sa amin ni john rey habang naka-ngiti, napa tango naman kaming dalawa dahil totoong marunong naman kaming sumayaw. "Halika kayo pasok sali kayo sa grupo na to, gaganapin to sa wagayway festival, naghahanap kami ng mga marurunong sumayaw kase kailangan ng marami, halika meeting pa lang naman toh." At dahil interesado kaming pareho ay sumama kami papasok ng social hall, maraming naandon simula pa 2nd year hanggang 4th year ang mga narito at magkakakilala sila. Kami naman ni John rey ay tahimik laman at may nakita kaming mga pamilyar na tao , dalawa silang pamilyar sa akin actually yun ay si honeylane at naging crush ko noon si louize, noon yun ha! gwapo kasi sya hihih. May isang lalaking matangkad at moreno, sa totoo lang matangos ang ilong nya bilugan ang mata, manipis ang labi may kalakihan ang boses pero may pagkachildish hehehe, natawa ako kasi inaasar sya ng mga third year na incoming 4th year. Di ko alam kung anong year sya eh, nagsimula na rin ang meeting at sinabing mag istart ang practice in 3days kaya magpaalam na kami sa mga guardian namin, sinabi na rin sa amin ang mga needs sa practice. Umuwe na rin pagkatapos ng meeting. Araw ng practice , sa totoo lang pahirapan na attend ako rito pero hindi ako sigurado kung pinayagan ako , nagpaalam naman ako pero mukhang busy si lola sa dalawang ate ko na kasali sa"SIS: SINGLE LADIES" tv show sya tuwing tanghali sa GMA-7 contest yun sa mga naghahanp ng bagong members ng sexbomb wannabees. Suportado naman nila tita tess(stepmom ko) lolo at papa ang ginagawa ko, si tita tess at papa pa nga ang nagbibigay ng allowance ko papuntang practice. Andito na ang lahat sa Covered court pero mukhang wala si Jhon rey , hindi ata sya pinayagan ng magulang nya kaya ito makikihalubilo na lang ako sa kanila para naman di ako mailang tutal makakasama ko naman sila sa loob ng dalawang buwan. Nagsimula sa stretching ang lahat katabi ko tong matangkad na lalaki na moreno nun napansin ko last time ng meeting. Hindi ko alam pero napapangiti na lang ako ng paminsan-minsan pag nagkakatinginan kami. Sya lang ang bukod tanging kumakausap rin sa akin sa mga nagdaang araw, kaya kumpol kami ng asaran ng buong grupo. Ako man ay lihim na napapangiti kasi aminin ko man oh hindi ay nagugustuhan ko na sya nitong mga nagdaang araw na kasama ko sya. Mabilis ang araw kaya lalo na akong nahulog sa kanya ng niligawan nya ako, makalipas ang isang linggo ay sinagot ko na sya, oh di'ba ang rupok ko hehehheh. Syempre ang nasa utak ko kasi bakit papatagalin ko pa, gusto ko na rin naman yung at gusto nya rin ako hindi naman nya ako liligawan kung hindi sya seryoso sa akin diba ?bata pa ako Oo 13 years old pa lang at sa June ay 14 na habang si Jc na boyfriend ko ay 15 na. Simula ng naging kami ay lagi na akong nakakasama sa grupo nya nila kuya almar na incoming 4th year , habang si Jc ay incoming 3rd year. Ramdam ko na ang ibang kasamahan ko na Ka year Level ko ang tingin sa akin ay malandi oh popularity ang habol, pero hindi tangging si Jc lamang ang sinasamanako sagrupo nila at komportable na ako ron. May times na rin na habang nagpa-practice kami ay napahiya ako dahil hindi ako naka sabay sa beat ng tugtog nun una akala ko ay hindi ako ang pinapagalitan dahil nagagalit ang organizer namin at nagmumura sya habang pinapagalitan nya kung sino man yun.Habang nagagalit sya ay nahulog ang salamin nya mula sa ulo kasi kalbo nya in fact bakla po ang organizer namin, strikto rin sya , sya kasi ang organizer ng event sa munisipyo. Nung nahulog ang salamin ay hindi ko napigilang tumawa ng mahina, ngunit narinig pala ako kaya binato nya ako ng wooden clip board kaya natamaan ako "Anong tinatawa-tawa mo dya'ng tanga ka, ang bobo bobo mo, ikaw tong pinapagalitan ko may lakas ka pa ng loob tumawa, umalis ka dyan." napapayukong umalis ako sa puwesto ko at umupo sa stage habang pinapanood silang nagpapractice, pasimple akong tinanong ni Jc kung okey lang ako, at tango lang ang sinagot ko sa kanya baka kasi mapagalitan ako pag nagsalita pa ako eh, katabi ko lang kasi tsk. Break time na nang lahat, kinuhaan na ako ni Jc ng sa akin dahil may foods talaga for dancers and actors ng play. Nung lumapit sya ay nagsilapitan na rin sina ate joana at kuya almar, dito na rin sila kumain sa puwesto ko kinakamusta nila ako at sinasabing wag kong damdamin yun. "Okey lang po ako, mali ko naman po talaga yung di ko na rin po kasi napigilan un tawa ko nun nahulog yung salamin nya sa ulo eh."napangiti na lang sila sa sinabi ko at tinuturing akong bunso ng grupo. Natapos ang practice ng maayos at sinama na ako roon. Araw ng fiesta sa Barangay lugar namin kaya naman inimbitahan ko sina Jc, Israel at Engelyn biglaan to dahil sila ang kasama ko pauwe galing practice ay niyaya ko silang kumain sa amin dahil may kaunting handa naman kami. Pinakilala ko si Jc bilang boyfriend ko sa stepmom ko dahil marunong sya'ng makiramdam at suportado nya ako ron, sa ibang pamilya ko kaibigan ang pakilala ko kay Jc dahil natatakot akong malaman nila lola yun. Wagaway Festival na May 23, 5am pa lang ay ayos na kami dahil may parade pang gaganapin malapit lang rito sa imus, pagkatapos ng parade ay magsisimula ang programa ng 10 ng umaga. Nasa isang street kaming lahat ng dancers habang nag i-speech si mayor, nakaupo ako sa gutter katabi ko si Jc at pina-paypayan ako gamit ang kamay nya dahil nakikita nyang pagod at halos nahihilo na ako sa init. Nang tinawag na kami ay mag sisimula na ang sayaw ay nilabanan ko ang hilo matapos lang ang ang sayaw ay makaka-upo na rin ako. Nang matapos ang sayaw ay pinaghintay muna kami sa isang tabi sa puwesto namin sa kanina uli sa street at hindi ko na nga kinaya dahil sa uhaw na rin ay nagdilim ang paningin ko. Nagising akong nakahiga sa mono blocks habang ang ulo ko ay nkahiga sa hita ni Jc nasa isang office kami at may aricon dito kasama namin sila kuya Jp at sir Fritz dahil inaantay pala akong magising. Nalaman kong isang oras na pala akong walang malay at nagtatanghalian na ang lahat, pinagpapahinga na lang kami dahil tapos na naman ang sayaw namin, nagbonding na lang ang lahat sa isang lumang munisipyo rito kasama ang ibang actors ng play at may isang artista kaming kasama na si John Regala. Nasa isang sulok kami ni Jc habang pinapanuod ang mga kasamahan naming nagtatawanan at kung ano-ano ang ginagawa nilang trip sa buhay. Hindi pa pala natatapos dun ang sinalihan namin , dahil nagustuhan ang performance namin , ay pinag sasayaw ren kami sa Miguel Santo Alapan, Kawit kung nasaan ang Aguinaldo Shrine at Trece Martires Cavite para sa darating na Kalayaan Festival. Nagdaan ang ilang araw malapit na ang pasukan tatlong linggo na lamang ay nararamdaman ko na rin ang pagbabago kay Jc. Hindi ko maintindihan, pero bigla sya'ng nanlamig sa akin okey naman kami, nakakapag taka dahil wala naman kaming pinag awayan two days pa lang ang nakalipas ng pagpapahinga namin, dahil may practice uli para sa miguel santo alapandahil ipapalabas daw ito sa Unang Hirit. Nagbago ang pakikitungo nya sa akin at ramdam yun ng iba, First Time kong Ma-ghost. Walang sabing iniwan ako sa ere ng puro tanong, dun natapos ang relasyon naming hindi ko alam na tapos na pala. Walang salita na kahit ano, pero nagkakasama kami sa sayaw pa rin hanggang sa Trece Martires , hindi na ako nagtanong dahil ayoko na rin naman mapahiya at ramdam ko na gusto nilang magtanong lahat ng nasa paligid namin. Kahit ako gusto ko rin tanungin kung ano nangyari?. Hindi ko pinakitang apektado ako, pinaramdam ko sa kanya'ng wala akong pakielam sa ginawa nya, pero mali ako , ako pala ang talo talaga dahil nalaman ko na may girlfriend na pala agad sya kasi binalikan sya ng ex nya. Sana man lang nagsabi diba ? para hindi ako nangapa sa relasyong natapos ng hindi ko alam, parang surprise quiz kung baga. Literal na nasorpresa ako. Nasaktan ako Oo, pero hindi ako umiyak ang inisip ko na lang nagmadali ako kaya ganito ang kinahinatnan. Akala ko okey kami dahil sa actions nya pero may iba pala. FIRST BOYFRIEND, FIRST GHOSTING </3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD