EPISODE 2 (2ND YEAR HS)

3235 Words
Ang bilis ng araw, 2nd year na agad ako huhuhuhuh. Tapos di ko pa matanggap yung Section ko kasi di'ba by average ang basehan nila pag ilalagay ka sa nila sa section na dapat saan ka, 87% ang average ko napunta ako sa Section 2-R sobrang dinibdib ko yun kasi yung mga kaibigan ko kahit papano nasa deserving nila na mga section, habang ako naiwan rito kaya panibagong pakikisalamuha uli ang darating sa akin. Kaya ko 'toh ! Aja ! Bago mag start ang klase ay nagpapraktis pa rin kaming mga wagayway dancers sa school, napa-sali rin ako sa isang organization sa school yun ay ang CABALLEROS , mga kuya at ate ko na sila kung tutuusin kasi ako lang ang bukod tanging 2nd year roon. Naging malapit ako kina Israel, Justin, Kevin, Chelle, Eldrin at sa iba pa pero sila yung mga palagi kong nakakasama. Nakikita ko pa rin si Jc dahil iisang grupo kami sa sayaw, nakakatawa lang na parang walang nangyare na naging girlfriend nya ako at hindi man lang nag-sorry sa akin. Unti-unti natatanggap ko naman na kasi naririnig ko na sobrang mahak na nya yung girlfriend nya ngayon na binalikan sya noon nung kami pa ang magka-relasyon. Ang galing naiwan ako sa ere hehehehe, Ibon na ba ako 'nun ?. Natapos ang Pagsasayaw namin pero ang pagkaka-ibigan ay hindi, nakalipas ang ilang linggo si Justin nililigawan na ako dahil napapalit na sya sa akin, sabi ko sa kany ayoko kasi hindi pa ako masyadong okey sa paghihiwaly namin ni Jc, ayokong sumubok uli bata pa naman ako eh. Second year ako , sya naman ay 4th year may itsura si Justin actually Crush sya ng Campus sila nila Israel at Eldrin, kilala silang Crush ng Campus isama natin si Kuya Reymark. Pursigido ang isang 'toh ang kulit-kulit. At bumigay na nga ako, sinagot ko sya di dahil sa mahal ko sya, kundi subukin kung mahal pa ako ni Jc at kung magselos ba sya kung may boyfriend na ako, alam ko'ng ramdam ni Justin yung ginawa ko. Unti-unti ginawa nya ang lahat para talaga sa kanya mapunta ang atensyon ko, nagtagumpay naman ang loko kasi nalaman kong okey na ako, nung nakasalubong ko si Jc papuntang Canteen. Nag ngitian kami na parang mag-kaibigan na lang, ang gaan na sa pakiramdam, hindi katulad dati na ang bigat at awkward pag magkakasalubong kami sa school. Isang buwan na kami magka-relasyon ni Justin at masasabi kong mahal ko na sya, pinaparamdam nya rin sa akin na mahal nya ako, alam sa buong school na ako ang girlfriend ng isa sa mga Campus Crush, yung iba nanghinayang, yung iba naman kinikilig sa amin. Imagine 14 and 16, 2 years ang agwat namin. Hanggang isang araw , May Pa-audition ang CABALLEROS naghahanp sila ng Dancers for Campus Fix Dancers at Member ng CABALLEROS. May girl na pumasok, Ang ganda nya sobra as in para syang anghel, ang mga mata nya Singkit na bilugan , Maputi, maganda ang buhok makintab, pala-ngiti, may dimples , halos parang nasa kanya na ang lahat . Isa ako sa namesmerize sa ganda nya , anghel ang tawag ko sa kanya kasi yun talaga yun una kong nakita eh. Siniko ko ang katabi ko si Justin kasi nga nagandahan ako ng sobra sa kanya "Ang ganda nya 'noh babe?" biglang sabi ko kay Justin. "Psh, mas maganda ka d'yan." sikmat nya sa akin habang naka-kunot ang noo. "Oo na, ang sungit nito , sinabi ko lang naman yun kasi nagagandahan ako." nagtatampong sabi ko. Nagpatuloy ang audition isa na doon si Gem ang babaeng maganda na mala-anghel sa paningin ko. Sayang lang at di sya naka-pasok , yes maganda sya pero yung talent ayoko na mag-talk heheheh, di sya marunong sumayaw matigas pa ang mga buto na pwedeng pakuluan muna pra ba bumagay sa ginagawa nya. Lumipas na ang mga araw, normal na buhay na istudyante muna ako hehehehhe, okey naman ang mga kaklase ko naging malapit na agad ako sa kanila, pero may isang bagay ako na nagbubulag-bulagan. Marami nagsasabi sa akin na hiwalayan ko na si Justin , isa na roon ang ate ko. Nag-away pa kami kung bakit, bakit hindi nya tanggap si Justin ?wala naman ginagang masama ang boyfriend ko. Active sya mga text ko at sa Friendster namin, gumawa pa nga sya ng Friendster namin dalawa "JUZLIE" ang name, ang sinabi lang ng ate ko basta hiwalayan mo na yan ha! I was mad bakit nya ako didiktahan ?sya nga may boyfriend eh sinabi ko ba yun sa kanya?kasi suportado ko sya , kapatid ko sya eh. "Basta sinabihan na kita, wag mo kong sisihin na di kita pinagsabihan ha, alamin mo muna kase, punta ka sa Comp. shop check mo na lang friendster nya at friendster nyong dalawa, icheck mo yung Featured friend nun at magkumpara ka, bahala ka na, yun lang sasabihin ko.". Ginawa ko ang sinabi nya, nagpunta akong Comp.shop, and to my surpise! Featured Friend nya sa Friendter nya ay Acc ko at Acc ng Juzlie, Pero pag click ko sa Juzlie ang Featured Friend doon ay Acc nya at Acc ng babaeng akala ko anghel sa paningin ko. Tanga na kung tanga pero hindi pa rin ako naniwala sa nakita ko, nagbulag-bulagan ako pinagpapatuloy ko ang relasyon kahit ramdam kong dalawa kami. Pang umaga ang pasok nya habang pang hapon naman ako dahil nga magka-iba kami. Maaga ako napasok kasi ang room nila ay katabi ng room namin, kaya pag lumabas sya ay makikita ko sya. Dati inaabangan nya ko hanggang 6pm kasi yun ang oras ng tapos ng klase ko , ihahatid nya ko sa kanto para maka-sakay sa tricycle, natambay sya sa school para mahatid lang ako. Pero nagbago yun, Isang gabi sumama ako sa burol ng tatay ni tope na kaklase ko nun 1st year. Habang nasa burol kausap ang mga kaibigan, tumawag sa akin ang mama ni Justin "Lieann, alam mo ba kung nasaan si justin ? anong oras kayo uuwe ? gabi na magsasara na ang robinsons." tanong sa akin ni tita thru phone. Nagulat man , ay sumagot ako kay tita na gumagaral na boses kasi ramdam ko nagsinungaling sya akin, ginamit pa nya ako sa mama nya, "Tita, hindi ko po kasama si Justin , huling kita po namin uwian nila, tinanong ko po sya kung aantayin nya po ako, pero sabi nya po ay pinapauwe nyo na daw po sya kasi walang magbabantay kay jordan(bunsong kapatid nila), nasa burol po ako ng tatay ng kaibigan ko po tita , hindi ko po sya kasama , anong robinsons po ?" tanong ko kay tita. "Lagot sa'kin to si Justin, nagawa pang idahilan ka para payagan ko sya. Osige lieanne ingat ka sa pag-uwe." Paalam ni tita sa akin sa phone, nagpaalam na rin ako ng maayos. Pagkababa ng tawag ay napa-upo ako sa Mono-blocks at nanghihina. Napansin yun ng mga kaibigan ko kaya tinanung nila yun, kinuwento ko sa knila , pati ang mga kutob ko na unti-unting lumilinaw sa akin. Pagka-uwe ko sa bahay ay nagpahinga ako at humiga, habang nagpapahinga ay ka-text ko si Israel, wala nang sasakit ren sa nalaman ko , kahit kay israel ay nagalit ako!. Pinagpustahan pala nila ako. Dapat pa nga daw ay si Israel ang manliligaw sa akin, pero sabi ni Justin ay sya ang gagawa noon , titignan nya kung bibigay ako. At Oo nahulog ako sa pustahan nila, TANG-INA nagago ako, nag-tiwala. Nalaman ni Justin na alam ko na ang lahat, sinusuyo nya ako , nagpapaliwanag , at sinabing nagsisisi sya sa pustahan , humihingi ng tawad 'wag lang ako makipag hiwalay. Yes ! nagpaka-tanga na naman po ako, Pinatawad ko sila. Ang bobo ko sobra. Lumipas ang dalawang linggo, umayos ang pakikitungo ni Justin sa akin, bumalik sya sa pagiging sweet at pinaramdam na mahal nya ako , bumabawi sa mga pagkukulang nya. Dumating ang araw ng SSG CAMPING 3Days and 2Nights yun. Sa ika-lawang araw pagabi, may pageant na magaganap, pageant na biglaan yun at ang mga grupo mo ang pipili sa iyo. KUng anong dalang gamit mo ay yun lang ang susuotin mo. Pagabi na ng nag aayos ng instruments sina Justin kasi tutugtog sila , habang nag i-strum ay may kinanta silang isang kanta, habang kinakanta nya yun ay naka-tingin ako sa kanya. Hindi nya alam na nasa gilid ako ng stage pinapanuod sya habang naka-ngiti, pero unti-unting naglalaho ang kilig at ngiti ko nun nakita ko kung saan sya naka-tingin habang nakanta. Kay Gem , bumalik na lang ako sa quarters namin ng matamlay. Natapos ang camping at balik eskwela na, ako eto atleast na pumasok ay hindi ako pumasok sa first subject. naglakad ako papasok sa school at nagtago nun madaan ang classroom namin. I need to know the f*****g truth dahil tang ina, kinakain na ako ng curiosity ko. Umikot ako sa daan na hindi ako mapapansin, and Yes nakita ko silang dalawa, magka-holding hands at naglalambingan , hindi nila ako makikita kase nasa likod nila ako at malayo sa kanila. Sa pagkakataong yun alam ko na ang dapat kong gawin. I need to f*****g wake up , pero gusto ko manggaling mismo sa bibig nya yun. After ko makita yun ay rumekta na ako sa classroom namin, galit ang nararamdaman ko kasi napaka gago nya , anong sabi nya mas maganda ako roon? Ngayon kasama nya na ha! parang kasalanan ko kasi mukhang naudyukan ko pa si loko. Pagkarating ko sa classroom ay nakasalubong ko pa ang 1st subject teacher namin, humingi ako ng pasensya sa pagiging late, buti na lang ay mabait sya kaya di na nagtanong pa. Pagpasok ko sa room ay nagdare-daretso ako sa upuan ko at walang pinapansin kahit sino, nagtataka ang mga kaklase ko kasi alam nilang di ako ganoon, dahil pag papasok ako ay nakikipag appear-an pa ako sa kanila. Pag kaupo ay pumasok na ang sunod na teacher, nakinig na lang ako sa klase kahit na kating-kati na ako na mag break time kasi gusto ko nang malaman ang totoo. Dumating ang oras na hinihintay ko, break time na at niyaya ako ng mga kaibigan ko pero di ako sumama , bibilan na lang daw nila ako pero bago lumabas sila sya ay may sinabi ako "Bes favor, pwede mo bang daanan si justin sa tapat ng social hall, andun sya after mo na lang sa canteen pag pabalik na kayo rito sa room, paki sabi aantayin ko sya may sasabihin lang ka'mo ako, thankyou bes." kahit nagtataka ay sinunod ni cha ang favor ko. Habang nag-aantay sa umupo sa unahan malapit sa pinto kahit hindi doon ang upuan ko, hindi nga ako nagkamali dumating ang taong inaasahan ko. "Bes andyan na sya paakyat na." sabi sa akin ni cha , kaya lumabas na ako ng room at inaantay sya sa bandang hagdan. Nung huminto sya sa harapan ko ay mas mataas ako sa kanya kaya nakatingala sya dahil nasa mas mataas akong palapag. "May sasabihin ka raw?" naka-ngiti nyang tanong, lakas ng loob ngumiti ng gago, tarantado naman. "Totoo ba?" unang tanong ko sa kanya. Nagtataka ang mga mata nya'ng naka-tingin sa akin, "Totoo ba?!" nang-gigigil kong tanong sa kanya. Nanlaki ang mga mata nya at mukhang alam na nya kung para saan ang tanong ko. "Ano, totoo ba?" pigil luha kong tanong sa kanya. "Oo" nakayuko n'yang sagot sa akin, "kailan pa?" kalmado kong tanong sa kanya. Doon lamang sya nag angat ng tingin sa akin, tinignan nya ako na parang tamad na tamad s'yang makita ako. "August 2 pa" nakayuko uli n'yang sagot sa akin. "Isang buwan na pala, hahahha" tumatango-tango kong sabi na may halong halakhak na nakaka-insulto. "Mahal mo?" kalmadong tanong ko sa kanya, nakayuko lamang sya at hindi sumagot sa akin, "Mahal mo?" ulit kong tanong sa kanya. "Oo" sabay angat ng tingin sa akin, tumatangong-ngumiti ako sa kanya , ngiting masakit at natalo. "Maghiwalay na tayo" naka-ngiting sabi ko sa kanya. Inaasahan kong aapela sya, "OK" sabay talikod sa akin, tinignan ko sya nang maluha-luha habang pababa sya ng hagdan, at nun nawala sa sya paningin ko ay doon ako bumalik sa room namin na nanlalabo ang mga mata dahil sa nagbabadyang luha. Hindi pa man ako nakaka-abot sa upuan ko ay napa-upo na ako sa bakanteng upuan dahil sa panghihina, doon nagsi-lapitan ang mga kaibigan ko at tinanong ako kung okey lang ba ako. Doon bumuhos na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan "TANG-INANG YAN!" humahagulgol kong sabi na may halong galit. Kinabukasan ay maaga akong pumasok hindi dahil sa gusto kong makita, dahil hindi ako naka-pasok sa 1st subject ko kahapon noh, Aral muna bago ngawa 'noh tsk!. Habang nag aantay sa tapat ng room dahil may nagka-klase pa na 4th year ay naka-patong ang mga braso ko sa railings ng bakal at nanunuod sa mga estudyanteng pang umaga na mga naka-abang sa gate para sa uwian. Tinawag ako ng mga kaibigan ko dahil labasan na ng mga 4th year, inayos ko ang gamit ko at nakita ko si Justin na lumabas ng room nila at nagtama ang paningin namin, pero ako ang unang nag iwas ng tingin at pinakitang di ako apektado sa paghihiwalay namin, binati pa ko ng mga kaklase nya at mga tropa nya nun nakita ako, kaya nakipag-ngitian na lamang ako. Sabay sa pagbukas ng gate sa baba ay naglabasan na ang mga estudyante na pang umaga, habang naka-sandal sa pader ay nakahilera ng buong tropa ko sa railing na bakal na tila may inaabangan, nagulat na lamang ako ng magbato sila ng magbato ng papel sa baba. di lang basta papel pala dun dahil may maliit na bato pala na naka-lagay dun. Sumilip ako kung ano ang binabato nila sa baba, pero hindi pala ano kundi sino. Si Gem lang naman ang girlfriend ni Justin ngayon na ipinalit sa akin, habang binabato nila si Gem ay nasigaw sila. "Mang-aagaw ka" "Patol ng Patol sa may girlfriend na" "Ahas ka girl?" Yan ang mga naririnig kong sinisigaw ng mga tropa ko, nakakapag-taka paano nila nalaman ang mukha ni Gem ? Hayiep Mike Enriquez na ba sila ? hahahah mala-Imbestigador ng bayan, tapos ngayon di pa nila tinatantanan, natawa ako sa sarili kong joke sa isip ko hahahahah. "Tama na yan, wala naman kayong mapapala d'yan" mahinahong sabi ko sa kanila. "Hindi! Tang-ina nun dapat inaabangan yung ganun" nang-gigigil na sabi ni melanie sa akin isa sa mga tropa ko. Napa-iling na lamang ako at pumasok na kami sa room. Naging normal ang mga araw ko sa mga naka-lipas na ilang linggo, busy mag aral kase 1st Periodical test na, nalaman rin ng teacher ko sa Araling Panlipunan ang tungkol sa amin ni Justin, tsk tong mga kaklase ko i-chismis ba daw yun hello, ano po ako noh?. Parang tropa kasi namin itong 1st subject namin. Nakwento ng teacher namin na yun na sa hawak nyang isang Section yun ay 2-L ay mayroon daw may crush sa akin. Di ko na lang pinansin ang sinabi nya at mga kaklase ko na lang ang naki-sakay sa sinasabi ni ma'am sa akin. Kinabukasan late na ako papasok sa 1st subject, pagkapasok ay naupo na ako sa upuan ko at naglabas ng notebook para sa lecture ngayon araw. Tapos na ang klase ni ma'am ng may sumulpot sa pintuan namin na matangkad na may kapayatan na lalaki, maputi at may itsura kung tutuusin. May dala syang bulaklak na fake ba yung rose, at teddy bear na naka-lagay sa basket. Lahat kamiay naka-tingin sa kanya sa pinto ng tawagin ako ni ma'am, "Lieann halika may ipapakilala ako sayo." tawag sa akin ni ma'am , tinuro ko ang sarili ko "ako po ma'am ?" nanlalaking matang tanong ko, naririnig ko pa ang Pag-Ayiee ng mga kaklase ko, tumayo ako at sumunod kay ma'am papuntang pintuan. Iniwan ako ni ma'am sa pinto kaharap ang lalaking may bitbit nang kung ano, nanunuod ang buong kaklase ko sa amin at parang mga tanga na naka-ngiti na akala mo may mga bulate sa tyan kasi mga kiniklig. Ibinigay nya sa akin ang mga dala nya, "para sa'kin?" parang tangang tanong ko habang naka-turo sa sarili. "Oo para sa'yo" nahihiyang sabi nya sabay kamot sa batok nya. "Uhm , Thank you ? hehehe tsaka bakit mo ko binibigyan?" awkward na tanong ko sa kanya, "Uhm, Jonah nga pala." pagpapakilala nya sa akin sabay lahad ng kamay nya, "Lieann" nakipag kamay naman ako, narinig ko na naman ang pag-Ayiee sa loob ng room kasama na doon ang teacher namin, kaya pala maaga nagdissmiss to kakuntyaba si ma'am(Sa isip-isip ko), "alam ko" nakangiting sabi nya sa akin. "So bakit mo nga ako binibigyan ng ganito?" tanong ko sa kanya, "gusto kasi kita"rektang sagot nya na parang biglang naglaho ang hiya nya kanina. Nanlaki ang mga mata ko "huh?kasi ano" ako naman ang napakamot sa ulo ko, "ok lang binigyan lang kita kasi gusto kita, sige alis na ako--thankyou ma'am" nakangiting sabi nga sabay kaway kay ma'am. Tinignan ko na lang sya hanggang sa makababa ng building, pagtingin ko sa baba ay nasa baba pala sina justin kasama ang tropa nya pati si Gem, na parang may inaabangan sa baba teacher siguro. Nakatingin si Justin sa taas, NO ! sa puwesto ko mismo, pero pumasok na ako sa room. Panay kantyaw sa akin ng mga kaklase ko at pinagkaguluhan ang dala sa akin ni Jonah, Kesyo sagutin ko na raw. Baliw ba sila? ngayon ko lang nakilala yun. Tsk! Araw-araw napunta sa room namin si Jonah dinadahilan pa na sinusundo si ma'am kasi after ng class ni ma'am sa amin ay sa kanila naman. Araw ng Periodical test at natapos ng matiwasay, kampante naman ako kasi nagreview ako. Nagtext sa akin si Bes Elaine na magkita kami sa tapat ng canteen after ng test, pagkarating ko ay naandon na sya. Plano kasi namin mag Robinsons, maaga naman natapos ang test at puwede nang umuwe. Nakaupo ako sa Bench dahil Nag ayos muna ako ng Sintas ko dahil naka PE uniform ako, nasa tapat ko si elaine nang mapansin kong tumigil sya sa pagkukwento at lumingon sa likod ko. "Oy Justin, anong ginagawa mo ri'to?" tanong sa kanya ni elaine. "Inaantay ka ni israel doon sa tapat ng Social Hall, gusto ko lang din makausap si Lieann." Pagkasabi nya ay tumingin sya sa akin. Tinignan ko naman sya ng may pagtatanong. Umalis na si Elaine at kita ko rin na nakasulyap sila sa amin ni Justin, boyfriend ni Elaine si Israel pero Lihim lamang dahil ayaw ng magulang ni Elaine rito. "Bakit? anong kailangan mo?" kalmadong tanong ko sa kanya. "Lieann, I'm sorry , gusto kong bumalik ka na sa akin, sorry sa nagawa ko sa'yo . Wala na kami ni Gem, ikaw talaga yung mahal ko." mahabang sabi nya habang nkatingin sa mga mata ko. Napatawa ako sa sinabi nya "Hmmp, asan si Gem? bakit kayo naghiwalay?." sa dami ng sinabi nya ay yung lamang ang sinabi ko, tanong nang kaibigang concern. Naramdaman nya siguro kung ano ang pakikitungo ko sa kanya kay nayuko sya sa harapan ko "I'm sorry niloko kita, hindi ko na na kaya , please bumalik kana." pakiki-usap nya sa akin. "Akala ko ba mahal mo sya?tinanong kita di'ba ? Umoo ka kaya hinayaan na kita. Sana okey sa desisyon ko." mahinahong pagkakasabi ko sa kanya. Tumingin sya sa akin nang pinipigilan ang mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD