Pagkatapos ng usaping 'yun ay tumuloy na kami ni bes Elaine sa robinsons. Habang nasa biyahe ay pinag-uusapan namin 'yun, "anong plano mo ngayon bes nakiki-pagbalikan sya sa'yo? babalikan mo ba ?" usisang tanong n'ya sa akin.
"Hindi ko alam, hindi gano'ng kadali kasi 'yun." pabuntong-hiningang sagot ko. Nag-liwaliw kaming magkaibigan sa Rob, Foodtrip at Arcade lang naman magagawa namin roon hehe, umuwi na 'rin kami pagkatapos.
Natapos na ang Tatlong Araw na Exam, ay balik klase na uli kami , same routine as usual si Jonah na laging napunta sa room at si Justin na tuwing tapos ng School hours ko ay nag-aantay sa akin para kausapin ako ng paulit-ulit dahil sa gusto n'yang bumalik ako. Tulad ngayon, tapos na ang klase ko ang ibang kaibigan ko noong first year ay tumambay sa bilog, may mga kasama kaming ibang section nasa kabilang bilugan sila (bilog ang tawag namin sa sementadong bench na may tanim na malaking puno).
Nakita kong paparating si Justin sa puwesto namin kaya tumayo na ako at inayos ang gamit ko para maka-alis na. Ngunit mabilis ang loko, hinarangana ang daraanan ko kaya pinag-titinginan tuloy kami ng mga tropa ko at ng ibang mga taong natira doon.
"Please! kausapin mo naman ako LieAnn." nagmamakaawang pakiusap nya sa akin. "Sige, pero doon tayo banda sa may flagpole." pagpayag ko sa kanya.
"Ano bang sasabihin mo bakit ba ang kulit mo?." naiiritang sabi ko sa kanya.
"Please! bumalik ka na sa akin, hindi ko na kaya , hinahanap ko yung presensya mo, i'm sorry kasi niloko kita, i'm sorry kasi pinag-palit kita sa iba, please! maniwala ka ikaw pa rin 'yun mahal ko, please babe!" nagmamakaawang sabi nya, na parang gagawin ang lahat bumalik lang talaga ako. Tumingin ako sa tambayan at lahat sila ay sinisigaw na bigyan ko pa sya ng Chance, lalo pa ko nahiya nun nakita ko ang kapatid nyang babae na ka-batch ko rin, parang wala na akong takas rito, hindi ko na alam ang gagawin ko, gusto ko lang mawala ang usapan na 'to.
"Sige, pero sana 'wag mo nang uulitin 'to naiintindihan mo ba ako?" pagtatapos ko sa usapan namin. Nagpalakpak ang mga nakarinig, habang si Justin naman ay tuwang-tuwa at niyakap ako ng mahigpit bigla, ngumiti na lamang ako ng maliit. Pagkatapos no'n ay hinatid na nya ako sa sakayan ng tricycle sa kanto.
Pagka-uwe ay panay ang text nya sa akin, pinalitan na rin nya ang Profile picture nya sa friendster at pagmumukha ko pa 'yun, pati featured friend na si Gem noon ay naging ako na, aba! dapat lang noh.!
Lumias ang mga araw ay bumalik sa dati ang relasyon namin, mabilis kumalat ang balita na nagkabalikan kami, umiwas na rin si Jonah dahil alam n'yang okey na kami ni Justin, I feel sorry for him grabe pa naman sya mag effort kahit 'di ko sya pinayagan manligaw.
Pero hindi pa nakaka isang buwan ay mayroon na namang iba, may bago na naman sya di lang isa kundi dalawa pa, 'di ko na inalam ang pangalan basta nagulat na lang ako ng may sumugod sa akin sa labas ng schoolat sinabunutan ako. Napag-alaman kong Taga-Geanhs sya at girlfriend daw sya ni Justin, pina-lagpas ko na nga 'yun isa , Shutang iners may isa pa na manunugod pa sa akin.
Buti na lang ay kasama ko ang mga kaibigan ko at sila ang lumaban para sa akin. As usual hiniwalayan ko si Justin uli. Sa loob ng Sampung buwan, hindi na ata kami nag-celebrate ng Monthsarry kasi On/Off kami dahil laging mayroong iba. Mahal ko sya oo pero 'di na ganoon katindi dahil.
May mga tao ako'ng bagong nakilala. December nang taon na 'to sinama ako ni bes Elaine sa Rob dahil May EB daw ang clan nila, itong bestfriend ko takas na nga ako dadamay pa ko sa kalokohan nya hehehe, charot love ko 'yan noh. Hindi kasi sya papayagan ng parents nya pag hindi ako ang kasama baka akalain si Israel kasi.
Habang nag-aantay ay tumambay muna kami sa Food court katapat ng Arcade kung saan ang EB nila. "Hoy kilala mo ba mga ime-meet mo baka delikado ka d'yan ha.!" sermon ko sa kanya, "Oo naman bes , the rest naman puro taga school natin at kaklase ko kaya safe tayo." habang nanguya ay nagsasalita sya at palinga-linga sa paligid at nagkakalikot ng cellphone nya, di ko na sya pinansin at kumain na lang din ng kwek-kwek.
"Ayun!--mga kaklase ko 'yun bes tawagin ko lang,---oyy dito." biglang sabi nya at tinawag ang mga kaklase nya ng pa-sigaw, nakakahiya naman 'to si bes kagandang babae pero ang bunganga maingay rin, napailing na lang ako sa isip ko.
May tumigil sa gilid ng table namin at napa-angkat ako ng tingin rito, tatlo silang lalaki dalawang matangkad na lalaki isang moreno at isang maputi na-na OMG ang gwapo, bigla ako naging mahinhin na dalaga sa harap nila hehehe. Habang 'yung isa naman ay katamtaman ang tangkad parang ka-height ko nga lang e, singkit ang mata maputi at gwapo rin, actually tatlo silang gwapo hehehe pero yung matangkad na maputi talaga crush ko Omg , kalma Lieann may boyfriend ka.
"Uyy kanina pa ba kayo doon?" tanong ni elaine sa kanila, "hindi naman kakarating lang din namin." sagot ni crush habang naka-ngiti, hala 'wag kang ganyan baka mahulog ako (sa upuan) heheheh. "kami kanina pa, halika upo kayo nakain lang kami antayin na lang natin sila,---ayy oo nga pala si Lieann bestfriend ko, same school din natin sya, Bes! si Kirt, Jester at si Ren" mahabang pagpapakilala ni elaine sa kanila at sa akin.
So Kirt pala name ni Crush hihihih , Jester naman yun Moreno at yung Singkit ay si Ren. "Hi! Lieann nga pala" pagpapakilala ko at kumaway sa kanila, nagpakilala rin sila sa akin. Dumating na ang mga ka member nila sa Arcade may mga pakilala ako naman ay medyo malayo sa kanila at tumitingin tingin sa paligid.
Nang matapos ay naglaro at kumanta kami sa Karaoke ni Elaine, sumama na rin sila Crush sa bonding namin heheehhe, kilig ako OMG. Nang matapos ay sabay-sabay kaming umuwi at pinili na lamang maglakad mga tinamad mag commute kasi gusto rin namin lahat na magkakilanlan. Si Crush ang nasa tabi ko nasa likod naman ang tatlo, bago mag-hiwa hiwalay nang daan ay nagbigayan pa kami ng mga number.
May number na ako ni crush,, YES !
Lumipas ang mga araw ay mga nakakatext ko sila Jester ar Kirt, yun isa kasi 'di ko na matandaan 'yun name nya eh. Napag-alaman ko rin na may gusto sa akin si Jester, pero si kirt ang crush ko eehh. Kung tatanungin yo si Justin? Ito okey kami pero madalas nasa tropa nya sya, oh kaya sa ibang girlfriends nya, mali ba ako ?may boyfriend ako , pero may crush ako.
Habang tumatagal ay dumadami ang mga kaibigan ko. Araw ng Sabado at walang pasok, Itong si Kimmy(belong sya sa GOBILAMS) niyaya akong mag rob may ka-meet up daw sya, tsk sinama pa ko loka-loka tong kaibigan ko heheheh. So ayun nga, nun nasa rob na kami ay andoon na ang ka-meet up nya , nakilala rin sa clan pero schoolmate namin.
Parang pamilyar sya, Yes I know him , 'yun Ren tama , aba! Date pala 'toh ginawa pa ko'ng Chapperone ng bruha, nagde-date sila habang kabuntot nila ako, pero kahit papaano ay kinaka-usap nila ako.
Lumipas ang mga araw na okey naman kami ni Justin pero ramdam nya siguro na hindi ganoon ako ka-attached sa kanya, nauso na rin ang f*******: at may mga account na kami. Sa paglipas ng mga araw ay napapasali na rin ako sa mga Clan , pero ang kadalasan kong mga katext ay sila Jester, Kirt at Ren. Si Jester sinabi ko nang kaibigan lang tingin ko sa kanya, si Kirt Crush ko pa rin sya kahit may gf na sya :( si Donna, si Ren ? same we're friends pero may halo nang biruan kami.
December 31, magbabagong taon na, napapadalas na ang pagiging pala-text sa akin ni Justin , pagiging Clingy at pagiging mabait na boyfriend pero ramdam ko na parang may kulang. Ala-syete nang gabi magkatext kami ni Ren, we greet each other na Happy New Year. Sabi nya meet kami sa kanto ng patindig araw sa 7eleven.
I was in a rush, nilakad takbo ko ang kanto kasi baka naiinip na sya, pagdating ko roon ay wala sya, nag-antay ako at tinext sya na nasaan na sya ? them he replied me "Uy seryoso?nagpunta ka dyan? niloloko lang kita." text nya sa akin , bumagsak ang balikat ko at nagreply sa kanya "Hindi ako pumunta , tinanong lang kita kung nasaan kana kasi baka pumunta ka tapos wala ako, 'di kasi ako makakapunta eh, happy new year uli." pagsisinungaling ko para hindi ko mapahiya ang sarili ko sa kanya. Huling reply ko sa kanya 'yun at umuwi na lang sa bahay.
Ano bang nang-yayari sa akin? bakit ako pumunta ? bakit ako nagmadali? bakit ako na-excite ng sobra? bakit ako nalungkot nun nalaman kong di sya makakarating? ang daming tanong sa utak ko, bakit ko nararamdaman 'yun ? pinagsa walang bahala ko na lang ang mga tanong sa isip ko.
Balik klase na uli ang lahat, Justin is more caring and being so clingy boyfriend, one time nasa tambayan kami he checked my f*******:, bumili kami ni chelle ng foods para sa kanila, pagbalik ko ay nakita kong nasa f*******: sya ni Ren at chinecheck 'yun. I ask him pero mukhang nagulat sya sa presence ko, "kilala mo? bakit mo tinitignan account nya?" tanong ko sa kanya.
"HIndi ko kilala, naligaw lang sa News feeds ko." sabay tayo at umalis sa upuan tapos ay lumabas ng tambayan, pero bgao yun ay nakita kong malungkot sya.
February, Birthday ni Monica, bestfriend ko ay inimbitahan nya akong pumunta pati si Justin. Napa-inom si Justin at lasing, tsk. Bawal ako gabihin eh, pero wala akong choice need ko sya ihatid dahil boyfriend ko pa 'rin sya.
Habang nag aabang ng masasakyan ay naka-sandal si Justin sa pader dahil sa kalasingan, napa-iling na lamang ako at tumingin sa harapan upang mag-abang ng masasakyan, pero pagharap ko ay may dumaan sa harapin namin , bigla akong nanlambot , kinakabahan at nabilis yun pag pintig ng dibdib ko.
Si Ren dumaan sa harap namin at nakapambahay lamang. Tinanguan nya lamang kami, at ganoon rin ako, nalagpasan nya na kami pero habol tingin pa rin ako sa kanya, nun nawala na sya sa paningin ko ay bagsak ang balikat akong napalingon sa likod, nawala na sa isip kong kasama ko si Justin , nakatingin sya sa akin nang malungkot ang mga mata at maluha-luha sabay tingin sa dinaraanan ni Ren kanina sabay yuko.
Tahimik sya nun nakasakay kami sa Jeep pero halata mong lasing pa rin , nakarating kami sa subdivision nila, tahimik na naglalakad. "Doon muna ako kina Joshua mag-istay , papalipas oras baka magalit sa akin si mommy pag umuwi akong lasing." biglang sabi nya. Napatango na lang ako at naglakad na kami papunta kina Joshua.
Pagkarating doon ay nagulat si Joshua sa amin dahil kakalabas nya lang nang bahay, "Lasing eh, galing kaming birthday-an , dito muna daw papalipas oras." tumango si Joshua at sumenyas na pumasok sa loob nang bahay, "hindi na uuwi na rin ako, padilim na kasi---sige." paalam ko.
Bago tumalikd ay nagpaalam muna ako kay justin "aalis na ako ha, umuwi ka agad pag okey kana." bilin ko sa kanya.
"Babe! 'wag mo 'kong iiwan ha!." biglang sabi nya at tumingin sa mata ko , wala akong nasagot sa sinabi nya, pero nagpaalam na lang ako na uuwi na.