LESSON 29- Punished

1509 Words

MAY pagkainip na tinitingnan ni Olga sina Sabina, Alyson at Lucy na itinali niya sa upuan. May busal din ang mga bibig ng tatlo upang hindi makasigaw ang mga ito. Kanina pa siya nakatayo sa harapan ng mga ito at hinihintay ang pagkakaroon ng malay nina Sabina at Lucy. Sa tatlo ay tanging si Alyson lamang ang may malay. Panay ang iyak nito na medyo nakakadagdag sa pagkairita niya. Naririndi na siya sa mahihinang paghikbi nito. Ito na ang matagal niyang hinihintay. Sa wakas ay mapaparusahan na niya ang tatlong tao na dahilan ng kanyang mga paghihirap sa buhay! Kaytagal niyang hinintay ang pagkakataon na ito. Noon pa niya balak na gumanti sa mga ito. Lagi niyang sinusundan ang tatlo ngunit natigil lamang iyon nang malaman niya ang misteryosong pagkawala ni Sabina. Gusto man niyang patayin na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD