Napabalikwas ako at napatayo sa pagkakaupo. Mabilis ang paghinga ko at dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng aking puso. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at nakita kong nasa office pa din ako. Patay na ang halos lahat ng ilaw pero may mga naiwan pang ibang nag-over time. Panaginip. Panaginip lang pala ang lahat. Akala ko...totoo na. Nagmadali na akong nag-ayos ng gamit at handa na akong umuwi sa oras na iyon. Ayokong magkatotoo 'yung napanaginipan ko! Binilisan ko agad ang lakad ko at dumiretso na sa kotse. Pagpasok ko pa lang sa loob ng sasakyan, agad ko ng sinalpak ang susi para makaalis na ako. Madilim din sa paligid, katulad na katulad ng panaginip ko. Ganito rin yung eksena. Nandito rin ako sa pwestong 'to. Akmang paandarin ko na sana ang kotse ko nang biglang may kumat

