Bumaligtad ang sikmura ko habang walang awang pinagsasaksak ni Arturo si Chexter sa video. Halos maduwal ako. Kita sa screen na hindi na gumagalaw ang katawan ni Chexter pero patuloy pa din sa pagbaon ng kutsilyo si Arturo. Tumatawa pa ito habang tumatalsik at sumisirat ang dugo mula kay Chexter. Madaming tumatakbo sa isip ko ngayon. Ang plano. Ang lahat ng ebidensya. Ang lahat ng pinaghirapan namin ay nawala na. Kapag wala si Chexter, hindi na maisasakutaparan ang plano namin! May pinakita pa si Arturo na dalawang video. At sa mga itsura nito, alam kong sila ang mga detective na inatas ni Chexter na humahawak sa kaso niya. Nanghina ako habang nakikita kong isa-isa silang pinatay ni Arturo at habang tumatagal, mas lalong gumiguho ang pag-asa ko. Hindi ko na maintindihan ang lahat. Hi

