"Bakit mo ginagawa 'to ha?" galit kong tanong. Nakangisi lang si Jinky pero madilim ang kanyang ekspresyon. Tumayo si Lumen pero binaril siya agad ni Jinky sa balikat. Nanlaki ang mata ko. "Tangina! Argh!" daing ni Lumen sa sakit. Nakahiga na siya ngayon sa lupa at nakabaluktot. Lumapit ako sa kanya at pinressure ang natamaan niya. Umaagos ang dugo mula doon. "Nababaliw ka na ba ha!" sigaw ko pabalik. Napawi ang ngiti ni Jinky at tinutok ang baril sa ulo ko. Natahimik agad ako at nagtiim bagang. "Kapag nadinig ko pang nagsalita ka ulit, pasasabugin ko yang ulo mo!" gigil niyang sabi. Ngayon ko mas nakilala ang babaeng 'to. Hindi ko alam kung anong pakay niya pero hindi siya narito para tulungan kami. Hindi siya narito para iligtas kami mula kay Arturo. Naalala ko bigla si Chexter.

