“Bilisan mo, Jaron.”
Damn! Napatago ako sa malaking halaman nang muntik ng mahuli ng matandang babae na naka-apron.
Nilingon ko si Kai na nakatayo at nag-aabang sa may pintuan ng bahay nila. Kanina pa siyang naiinip dahil hindi ako makatakbo papasok sa takot na baka mahuli ng mga pagala-galang maid sa loob ng bahay nila.
Magsusurfing dapat kami. Pero sabi niya ay masakit ang katawan niya kaya mas pinili niyang manood nalang ng movie sa kwarto niya. Ayoko pa nung una kasi baka nandun ang kuya niya. Good thing nalang at umalis ito at may inasikasong papeles sa may munisipyo.
Nang nakita niyang wala pa din akong balak pumasok ay mabilis siyang tumakbo papunta sa banda ko at hinila ako sa kamay.
“Mari!” sigaw ko sa gusto niyang pangalan ngayong araw.
Humagikhik siya at mabilis na sinarado ang pintuan ng kwarto niya.
“No. We’re not here to do this,” sabi ko nang bigla niya akong hilahin at halikan.
“Jaron! You told me you’re my boyfriend right?”
Hinawakan ako ang mga kamay niyang nakasabit sa leeg ko. Nakapout ang labi niya sa harapan ko nang bigla siyang humalik nang mabilis sa labi ko bago tumalon sa kama at humiga.
Hmm. Parang gusto ko tuloy magalit sa naiisip na ginagawa niya ‘to sa mga boyfriend niya dati.
“Siguro boring kang boyfriend ano?”
Napa-tss ako at kinuha ang remote ng TV.
“Minamanyak mo na naman ako eh,” sabi ko at nilingon siyang nakapikit sa kama niya.
Taranta akong lumapit.
“Hep! Hep! Bawal matulog.”
Umangat ang labi niya pero nakapikit pa rin.
“Kiss muna.”
Wala akong nagawa at yumuko para halikan siya sa pisngi. Galit siyang nagmulat ng mata.
“Ano yun kiss ni kuya Kaius?”
Tumawa ako at mabilis na nilapat ang labi sa labi niya at binuksan ang TV.
Inayos niya ang comforter at pinatay ang ilaw. Biglang nagdim ang paligid pero may neon pink na umilaw sa ceiling.
“Kuha lang ako food sa baba. Baka mamiss mo ako ha?” biro niya at lumabas ng kwarto.
Hmm. Mabilis akong nagscan sa Netflix ng magandang movie. Ano kaya gusto nya? Action? Horror? Thrill? Wala akong mapili. Hindi naman kasi ako mahilig manood ng movie. Pumunta ako sa youtube at nisearch nalang ang movie na madalas kong mapanood sa kapatid ko.
Kinuha ko ang dalawang unan at humiga sa may dulo ng kama nang biglang bumukas ang pinto. Naghu-hum pa siya papasok at madami siyang dalang pagkain na nilagay niya sa may table sa gilid. Napatingin siya sa TV.
“Eww! What is that?” at tinuro ang TV.
“Movie,” simpleng sagot ko at hinila na siya papahiga sa tabi ko.
“Finding Dory? What do you think of me? Baby??!”
“Baby naman kita ah. Umusog ka nga palapit sakin.”
Lumapit siya at umirap. Sus kunyari hindi kinilig eh kita ko namang napangiti siya.
Humiga siya sa may braso ko at hinila ang comforter. Ang lamig kasi bukas ang aircon.
Niplay ko ang video at inabot ang nachos na nasa lamesa. Sinubuan ko siya ng isa at humalik sa noo niya. She smiled.
Unang part palang ng movie ay gusto ko ng palitan. I can’t smile. I can’t even share the laugh Kai gives to the movie. Dory, the blue fish and definitely the main character suffers from short-term memory-loss. Ilang beses kong kinumbinsi siya na palitan ang movie pero ayaw niya. She finds the movie entertaining.
“Hey! It’s fine naman ah. I actually like this movie, something that reminds me of my condition. Right?” she laughed but I didn’t.
Gusto kong panoorin pero hindi ko naman kayang sumabay ng tawa sa kaniya. Binigay ko sa kaniya ang nachos at yumakap nalang sa braso niya.
“Don’t tell me you’ll sleep while I watch this? Hmp!”
I kissed her cheeks and glance again at the TV.
“I’m watching.”
Natatakot ako. Natatakot na naman ako sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung pinagsisisihan ko bang pinagpatuloy to. Pero habang tumatagal, sumisikip ang dibdib ko dahil anytime, pwedeng pwede niya akong kalimutan. Araw-araw pagkakamulat ko ng mata ay pinagdarasal ko na sana kahit saglit ay may maalala siya sakin. Minsan gusto ko siyang tanungin kung may iba ba siyang nararamdaman kapag magkasama kami. Kung naaalala ba niya ang mga araw na magkasama kami sa ilalim ng buwan sa may boardwalk o kaya naman tuwing nagsusurfing kami at magkayakap? Pero natatakot ako, natatakot akong marinig sa bibig niya ang katotohanang kahit araw-araw akong magpakilala sa kaniya at samahan siya, ay hindi niya ako maaalala.
Minsan gusto kong ipukpok ang ulo ko sa dingding para pareho nalang kami o kaya naman ay uminom ng maraming gamot sa pagbabakasakaling makalimutan ko rin siya. Ang hirap. Sobrang hirap pero ginusto ko ‘to kasi mahal ko siya at hindi ko kayang mawala sa buhay niya.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nakayakap ako sa braso niya kaya naman naramdaman ko ang kaunting galaw ng katawan niya dahil sa pag-iyak.
Agad akong napabangon.
“Hey! What’s wrong? May masakit ba? Mari?!” frustrated kong tanong pero patuloy lang siyang umiiyak.
“It’s going away. It’s going because all I can do is forget. I just forget,” galing mula sa TV.
Napalingon ako doon at nakitang nasa kalagitnaan na at mag-isa lang si Dory sa madilim na dagat.
“Look at me please.”
Sinubukan kong alisin ang mga kamay niyang nakatakip sa mukha niya pero ayaw niya. I let her. Hinayaan ko siya ng ilang minuto na ganon habang hinahagod ang kaniyang likod.
“Tahan na please,” bulong ko at pinatay ang TV.
Ilang sandali ay tumayo ako at kumuha ng baso ng tubig sa may table. Binuksan ko rin ang ilaw at bumalik sa kama katabi niya.
“Inom ka muna ng tubig.”
Umiling siya at suminghot. I inhaled deeply.
Binalik ko ang baso ng tubig sa lamesa at hinawakan ang dalawa niyang kamay na nakatakip pa rin sa mukha niya.
“Mari.. Mari..” sabi ko at humalik sa kaniyang mga kamay.
“Bakit? Tell me, please,” pagmamakaawa ko.
Natatakot ako sa katahimikan niya.
After few seconds, she opened her eyes. Pulang-pula ito at medyo pugto na. I worried more.
Sumandal siya sa headboard ng kama at kinagat ang labi.
“What if I forgot you? Like Dory? She forgots her family. What if I forgot you?”
Shit! Hinila ko siya at niyakap nang mahigpit. Her words… it hurts..
“Shh. Hindi mo ako makakalimutan. Sa gwapo kong ‘to?” I joked at pinilit ang sariling huwag maiyak. Gusto kong kapag umiiyak siya ay ako ang sasandalan niya. Hindi ko kayang magpakita ng kahinaan sa kaniya lalo at sa ganitong pagkakataon.
“No. I will forgot you. Like I always do.”
Umiling ako at kumalas siya ng yakap sakin. Hinila ko siya pabalik para yakapin ulit pero umiling siya.
“I lost my parents. I just knew earlier. Hindi ko alam kung matagal ko ng alam but when I asked Kuya Kaius early in the morning, he just said it.. that they’re gone.. years ago.”
Napasinghap ako. Hindi ko alam yun. Akala ko naiwan lang sa Batangas ang mga magulang niya kaya hindi ako nagtatanong.
“Have you missed someone? ‘Cuz I don’t know. It feels like I always missed them.. deep inside my heart.. I think I lost someone.. something… I just couldn’t remember. And it’s my parents. I didn’t know. Jaron, I didn’t know..”
I tried to hug her but she pushed me away and started knocking her head on the headboard.
“Stop! Please stop it!”
Kinuha ko ang unan at nilagay sa pagitan ng ulo niya at headboard. And for the first time in my life, I cried.
“I don’t want to sleep. I don’t want to forget! Please stay here Jaron, let’s not sleep today. I want to remember this feeling, even if it hurts. Jaron please..” she pleaded.
Nagpahila siya sa akin at hinayaan akong umiyak sa may leeg niya.
“Jaron, I t-think I love you. I don’t know if we always see each other but that’s what I feel. Please stay here with me.”
Mas lalo akong napaiyak sa may balikat niya. I don’t want to go. Kung pwede nga lang ihinto ang oras ay baka ginawa ko na. Wala akong magawa, gusto kong maalis ang sakit na nararamdaman niya pero hindi ko magawa kasi kahit ako ay nasasaktan. Ang hirap at ang sakit.
I stayed for the night. Kinalma ko siya ng kaunti dahil nakita kong gabi na. Baka umuwi na ang kuya niya at makita pa ang pugto niyang mata. I tried to make some jokes to lighten the mood but she’s steady and just smile a little. Nang kinatok siya ng kuya niya para kumain ay lumabas siya. Nakahiga lang ako sa may kama niya at nakatitig sa kisame nang ilang sandali nga lang ay bumalik siya bitbit ang pagkain niya.
“Let’s eat dinner together.”
Napangiti ako at bumangon.
“Buti hindi ka tinanong ng kuya mo kung bakit dito ka kakain ng dinner,” sabi ko habang sinusubuan siya ng pork steak.
“He let me do whatever I want, even before when we were still young.”
Pagkatapos kumain ay nagpasya kaming mag-tong its. Punong-puno na ng pulbo ang mukha niya dahil lagi siyang natatalo.
“No sweat,” sabi ko at nilagyan siya ng pulbo sa may dimple niya.
“Can you please let me win for once?” iritado niyang sabi at tinapon ang baraha sa may sahig.
I laughed. Lahat ginawa namin ng gabing iyon para hindi siya makatulog. Tinapos din namin yung Finding Dory dahil gusto niyang malaman ang ending. Buti nalang at maganda naman ang kinatapusan dahil ayokong makita siyang umiiyak ulit.
After that, we cuddled, talked about her last memories from the past and even played truth or dare. Yun nga lang pikon siya kaya lagi akong nagpapatalo. Pinakita ko rin sa kanya ang tattoo name niya sa may balikat niya. Akala ko sasakit ang ulo niya pero tawa lang siya nang tawa dahil sa sinabi niyang pangalan sakin nung umaga.
“Hey, don’t sleep Mari,” biro kong gising sa kanya dahil napapapikit siya ng mahaba.
Umirap siya sa kawalan at pumikit ulit. I tickled her feet twice and laughed with her pagkatapos ay humiga sa kama at niyakap siya. Nang mag ala-sais ng umaga ay niyaya ko siya papalabas ng resort.
Kagabi ko pa ito iniisip. Gusto kong mag-iwan ng marka sa kaniya na hindi niya makakalimutan.
“Jaron! Bro!”
Nakipaghandshake ako kay Vic at nilingon si Kai na nililibot ang tingin sa loob ng tattoo shop. Siniko ako ni Vic kaya napabalik ang tingin ko sa kaniya.
“Jowa mo?”
“Girlfriend bro, girlfriend,” pagtatama ko.
Natawa kami pareho at nagpaalam siyang oorder muna ng coffee para saming dalawa ni Kai. Wala pa kasi kaming breakfast.
Nilapitan ko si Kai at niyakap mula sa likod. Nakatingin siya sa mga designs na nasa folder.
“Hmm. Alin kaya dito ang pipiliin ko?”
I kissed her cheeks at tinuro ang butterfly na design. Umiling naman siya.
“That’s too common. Gusto ko yung walang katulad.”
“Hmm. Mukha ko nalang kaya ipatattoo mo? Wala yung katulad.”
She smirked.
“I don’t think so. Tingin ko madami kami eh.”
“What?”
Galit ko siyang tinignan sa may salamin na nasa gilid. Napatingin siya doon at tumawa nang malakas.
“I’m just kidding.”
“Kidding my ass. Talaga namang ikaw lang eh. Wala akong iba. Alam mo bang nahirapan akong magmoved-on sayo?”
“Wow ha! Bakit naging tayo ba?”
Ang lakas ng loob palibhasa naikwento ko sa kaniya kagabi na gustong-gusto ko siya nung una ko palang siya makita eh.
Dumating si Vic at wala pa rin siyang napipiling design. Wala rin tuloy akong maisip dahil gusto kong pareho kami ng ipapatattoo.
“OMG! I have an idea!”
“Ano yun? Basta yung bagay din sakin ha?”
Baka mamaya kung anong design ang naiisip nito eh.
“Could you please search something for me?” tanong niya kay Vic.
Tumango naman si Vic at inabot sakin ang dalawang kape na inorder pa sa café nina Matteo!
Siya ang unang nagpatattoo. Hawak ko lang ang kamay niya at tinititigan siya habang umiinom ng kape at napapatawa nalang kapag umaaray siya dahil sa karayom.
Biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa. I kissed Kai’s hand bago tumayo at sinagot ang tawag ng clingy kong kaibigan.
“Randall--”
“Hoy gago ka! Bakit ka absent ha? Sang motel ka natulog?”
“Wag mo ako igaya sayo na sa motel dinadala ang mga babae tarantado ka,” sabi ko ng medyo pabulong dahil ayaw kong marinig ni Kai ang ganitong pag-uusap namin ng kaibigan ko. Ayokong iba ang isipin niya.
“So ano nasan ka nga? Whose p***y are you banging? Hep! Tanong yan ni Zayn ha, hindi ako.”
“Tumahimik ka nga Randall. Pakopyahin mo nalang ako ng notes mo bukas.”
“Okay hehe. Basta chika mo samin ‘yan bukas. Bawal ang hindi, okay?” at binabaan niya na ako ng phone.
Pagbalik ko ay nakaupo na sa ibang upuan si Kai. Hindi siya makatingin sakin habang umiinom ng kape.
“Tapos ka na?” tanong ko na hindi niya sinagot.
Binalingan ko tuloy si Vic.
“Tapos na siya Vic?”
“Oo. Ikaw naman.”
“Wait lang,” sabi ko at lumapit sa upuan ni Kai. Hinuli ko ang tingin niya pero ayaw niyang tumingin. Tinulak pa niya ang braso ko.
“Hmm. Parang nangangamoy selos oh,” biro ko.
“Kaibigan ko lang ‘yun. Si Randall,” ulit ko pa pero hindi siya umiimik.
I sighed pagkatapos ay ni-dial ang number ni Randall. Unang ring palang ay sinagot niya na ito.
“Gago ka Jaron may klase! Wag ka ngang tumawag!”
Narinig ko sa background ang salita ng professor namin na sa hula ko ay si Sir Castro.
“May gustong kumausap sayo bro,” sabi ko at binigay kay Kai ang cellphone ko.
Hindi niya iyon kinuha pero nakatingin siya don.
“Sino naman yan? Chix ba yan? Kung chix, hindi ako interesado. Pero sige, ano bang pangalan niyan?”
Hindi pa rin nagsalita si Kai. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinilit na pinatingin sa akin. Nagkatitigan kami.
Huminga siya nang malalim bago nagsalita.
“Hi. Ikaw ba ‘yung kausap ni Jaron kanina?” sa maliit na boses niyang tanong.
“Ha? Ah, eh, oo! Sino ba ‘to?”
Hindi na sumagot si Kai at tumango nalang sakin.
“Thank you bro. Aral well.”
“Gago ka! Sino yan? Sinasabi ko--”
Pinutol ko na ang tawag at hinila na si Kai papaupo sa tabi ni Vic para ako naman ang magpatattoo. Second tats ko na ‘to. May lion tattoo ako sa may bewang malapit sa may v-line.
“Wow it’s so cute!” sigaw ni Kai nang matapos. Napairap ako. This is so childish! Lolokohin ako nila Randall pag nakita ‘to sigurado. Buti nalang at nasa may ankle.
Pinakita niya sakin ang tattoo niya sa may ankle na picture ni Dory at pinagtabi sa ankle ko na may picture naman ni Marlin pagkatapos ay pinicturan niya.
Napatawa tuloy si Vic.
“Nice tats,” sarkastimo niyang sabi sakin.
“Tss. Pero hindi tayo magkaibigan Kai, okay?” klaro ko dahil sa pagkakaalam ko ay magkaibigan si Dory at Marlin.
“No we’re not. But I think Dory and Marlin care for each other.. like more than friends. So.. bagay naman ah! Don’t pout! Hmp!”
Binayaran ko si Vic pati ang kape na inorder niya bago lumabas ng tattoo shop. Hinatid ko na rin si Kai sa resort dahil baka hanapin na siya ng kuya niya.
“Bye Marlin!” birong sigaw niya.
“Bye Dory!” biro ko ding sigaw sa kaniya.
Kumaway ako sa kaniya at tumalikod para maglakad papunta sa motor ko. Napangiti tuloy ako nang makita ko ang maliit na tattoo ni Marlin sa may ankle ko. Tumigil ako saglit at pinicturan ito bago ni-set na wallpaper. Napawi ang ngiti ko.
I just hope that she’ll never forget her feelings with me. Baka hindi ko kayanin at matanggap. But if one day she’ll forget me, I promise to myself that I’ll find her. Her way back home, which is me.