“So ano na ‘yung kwento mo Jaron?” bungad na tanong ni Randall pagkaupo ko palang sa bleachers.
Hindi ko pa naibababa ang bag ko at gusto ko nalang ihampas sa kaniya ‘yon.
“Tungkol saan Kuya?” singit ni Chantal na ngumunguya ng bubble gum sa tabi ni Reese, ang girlfriend ni Randall at bff ni Chantal.
“Hays Chantal! Pumasok ka na nga ng classroom niyo!” iritadong sabi naman ni Randall at hinawakan ang hita ng girlfriend niya.
Syempre #1 tutol yan sa nararamdaman ni Chantal sakin eh.
“Come on Cha. Nawalan na din ako ng gana tumambay dito.” Nilingon ako ni Reese at inalis ang kamay ni Randall sa hita niya.
Ayaw talaga nito sakin eh. No comment.
“Hep baby! Joke lang ‘yun. Dito muna kayo ng kapatid ko.”
“Ano, ikukwento ko pa ba?” tanong ko kay Randall.
Bumalik ang tingin niya sa kapatid niya pagkatapos sa girlfriend niya sunod ay sakin bago siya bumuntong hininga at tumango sakin.
“I’m seeing her,” panimula ko.
“Sino? Juliet? Marga? Nathalie?” tanong ni Zayn at napatigil siya sa pagsusulat sa notebook.
Nangongopya na naman siguro ‘to. Absent ako kahapon kaya tutulad nalang din siguro ako sa assignment mamaya.
Narinig kong suminghap si Chantal sa mga pangalang binanggit ng kaibigan ko.
“Si Serena.”
“What the hell? Sino naman ‘yan?” litong tanong ni Josh na madramang kumakain ng sopas.
“Randall…”
Nagkatitigan kami ni Randall ilang sandali nang makuha niya ang mensahe ng titig ko.
“f**k! Her??? As in her?”
Tumango ako.
“Sino Kuya? Who are you talking about?” Chantal asked then she crossed her arms.
“Serena Kai Allen.”
“Teka, akala ko ba Yara ang pangalan niya?”
“Well, akala ko din. Di ba nga, yung situation niya?” paalala ko kay Randall.
Hindi makasunod si Josh at Zayn kaya naman kinuwento ko sa kanila ang buong pangyayari maliban nalang sa mga bagay na hindi na dapat malaman ng lahat.
“And you settle for that?”
Nilingon ko ang banda ni Chantal at nakitang mapula ang mga mata niya, nagbabadyang umiyak. Hindi ako nagsalita at hinayaan si Randall sa mga litanya niya.
“Chantal, we do unexpected things for the people we love.” pagak na salita ni Randall at inakbayan ang girlfriend niya.
“I’m not asking you Kuya!”
Nagulat ang lahat sa pagsigaw niya. Tumayo siya at hinampas ang lamesa.
“And you settle for that Jaron? What about the playboy I know? Hindi kita hinahabol kasi akala ko ayaw mong mag-girlfriend like you always say! Tapos yan lang? Para lang sa babaeng yan na may sakit sa pag-iisip?!”
Biglang nagpanting ang tenga ko.
“Stop calling her that!” napatayo na ako sa galit. “I don’t glance at you, kaya paano mo naisip na magugustuhan man lang kita?!”
“Jaron…”
Napalingon ako kay Randall na ngayon ay nakahawak sa noo at tila problemado. I then stopped.
Walang nagsalita at ilang sandali pa ay narinig namin ang iyak ni Chantal. Napasapo ako sa noo.
“Sorry… Please Jaron..” umiiyak na lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Inalis ko ‘yon.
“Sorry din Chantal but I love her,” iling ko sa kanya.
“No.. no.. Ano ba ang pwede kong gawin? Please ako nalang.. Jaron please..”
Hindi ako nagsalita at napalingon nalang kay Randall na galit na ngayon. Nakatayo si Josh at Zayn malapit sa kanya at alam kong kapag hindi pa rin tumigil si Chantal ay baka masuntok na ako ng kapatid niya.
“For f**k sake Chantal! Sinabi ko naman sayo na iba nalang ang gustuhin mo di ba at huwag ang gagong ‘to?!”
I smirked.
“Kuya, I just can’t unlove him!”
“f**k this love! f**k you Jaron! f**k all of you! Itigil mo na ‘to Chantal at baka mabugbog ko kayong lahat!”
A minute of silence. Walang may gustong magsalita. Ayoko din na mag-away kami ni Randall dahil lang sa ganitong rason.
Kinakalma ni Reese ang boyfriend niya at binubulungan ng kung anu-ano. Maya-maya pa ay hinila niya na ito papalayo sa amin. Naiwan kaming tatlo nila Zayn. Hinawakan ko ang labi ko at hinayaan silang tumitig sa akin.
“Chantal balik ka ng classroom ni--.”
“Hindi mo ako utusan Josh!”
Narinig ko ang papalit niyang hakbang pero hindi ako lumingon.
“I wish that someday she’ll forget you. No, she’ll definitely forget you Jaron, but I won’t. Then you’ll realize that I’m the best choice.”
Kinuha niya ang bag niya at patakbong umalis sa may bench. Sinundan siya ni Josh at hinabol. Pinagtitinginan kami ng mga tao, but I don’t care at all.
“Bro..”
“Zayn please ayokong marinig.”
“Yeah. I just want to say that do what your heart wants. We only love deeply once. Hi mo nalang ako sa kaniya ha?” sabi niya at umalis na rin.
Sinuklay ko papalikod ang buhok ko sa sobrang frustrated. Hindi ako nagdadalawang-isip na iwan siya. That won’t be an option now. At kahit kailan ay hindi ko na iyon gagawin kagaya ng ginawa ko sa kaniya noong unang beses na malaman ko na may sakit siya.
I learned from my mistakes. And that is I cannot go on with my life, without her.
“Damn!”
Napabalikwas ako ng kama nang bigla kong maalala na nakalimutan ko palang lagyan ng alarm ang cellphone niya! s**t!
Linggo na bukas at dapat ay magkikita kami kung nalagyan ko lang ng note ang phone niya. Fck! Nakalimutan ko pagkatapos naming magpatattoo!
Tumayo ako at lumabas ng kwarto.
“Oh san ang punta mo Jaron?” sabi ni mama nang nakaupo sa sala at tinuturuan ang kapatid ko.
“Dyan lang sa tabi, Ma.”
“Turuan mo muna ng Math ‘tong kapatid mo.”
“Opo. Mamaya nalang,” sabi ko at kinurot sa pisngi si Jaxon pagkatapos ay tumakbo papalabas ng bahay.
“Jaron!!!” sigaw ni mama at dinig ko pa ang iyak ng kapatid ko.
Mabilis kong kinuha ang motor at nagdrive papunta sa Siargao. 6pm na. Mabilis kong nakita ang pagbubukas ng ilaw sa malaking bahay nina Kai.
Tinitigan ko ang bintana niya at iniisip kung kaya ko ba ‘yung akyatin para makuha ang cellphone niya at makapag-alarm.
Shuta! Ang taas naman! Siguro kung Lastikman ako or si Spiderman ay baka pa magawa ko ‘yun. Langya!
“And if she and I don't reunite
How can I go on?
Do we still remember what is gone?
What if I forget your face?
What if you move on without me?
What if I can't find
The doorway back through?
And what if I do
But don't recognize you?”
Nakahiga ako sa may buhangin habang nag-soundtrip sa labas ng resort nila Kai. 8pm na at kanina pang tumatawag si mama. Sinabi ko nalang na overnight ako kila Zayn. Bigla ko tuloy naalala si Randall. Hanggang ngayon kasi di pa rin niya ako kinakausap. Tinry ko siyang imessage sa messenger pero nakablock ata ako. Syempre pakipot yun eh.
“Aray!” hampas ko sa braso ko nang kagatin ng lamok. Mga putanginang mga lamok ‘to at ako pa rin ang gustong kagatin.
Napatingin ako sa langit. Bilog na bilog ang buwan at pinalilibutan ng maraming bituin. Napapikit ako at sumabay nalang sa kanta sa cellphone.
“I will find a way to make sure that you're okay
One careful step at a time
For you and I, are fragile things”
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Kung hindi ko lang naramdaman ang lagitik ng sampal sa pisngi ko ay baka inabot na ako dito ng tanghali.
Nag-inat ako ng braso at unti-unting minulat ang mga mata.
Napangiti ako sa nakita. First time in my life ata ‘to na magandang maganda ang gising ko kagaya nalang ng kagandahang nakikita ko ngayon. Direktang nakasungaw sakin ang mapupulang labi at ang maliit na dimple ay nagpakita din. Yun nga lang ay nanlilisik ang mga mata nito habang nakadungaw sa akin.
“Get up you stalker!”
Tumayo ako at pinagpag ang damit na ginamit sa paghiga sa buhangin. Kitang-kita ko tuloy ang sulyap ni Kai sa tattoo na nasa bewang ko.
“Who are you freak?”
Hindi ko na napigilang hindi tumawa. Damn! Parang kagaya lang ng una naming pagkikita ah?
“Sakit naman ng sampal mo.”
“So tell me, ano ang ginagawa mo dito sa labas ng bahay namin? Siguro you’re a thief no?”
“Hmm. Siguro? Why don’t you call a police and arrest me for stealing your heart?”
I laughed so hard at nakita kong nanlaki ang mga mata niya pero bigla akong natigilan nang bigla niyang pinindot ang panic button.
Patay! Agad akong nagsuot ng damit.
At wala pa nga ang ilang segundo ay biglang dumating ang kuya niya. Shuta naman oh! Kai! Bakit naman kasi….
“Hey, what’s wrong baby?”
Lumipat ang tingin ng kuya niya kay Kai papunta sakin. Unang tingin palang nito ay napataas na siya ng kilay sakin. Hindi ko alam kung naaalala pa ba niya ‘yung eksena sa boardwalk or what. Siguro oo. Nagulat nalang ako nang yayain niya ako papasok ng bahay.
“Why don’t you come inside… what’s your name again?”
“Jaron po.”
He mimicked the word ‘po’ pagkatapos ay inulit ang tanong.
“Wanna join us inside, Jaron?”
Agad na umalma si Kai.
“Kuya! We don’t know him! He might be a thief or a killer for all we know!”
Nakacrossed arm siya at pairap-irap sakin.
Hindi ka ba nahihilo sa kakaganyan mo Kai? Hahaha!
“No. I think I know him. Let’s go.”
Sumunod ako sa paglalakad papasok kahit na paulit-ulit na inayawan ni Kai ang desisyon ng kuya niya.
Oh sige, pindot pa sa panic button ha! Level up na ‘to guys! Meet the kuya na! Sheesh!
Unang tapak ko palang sa mansiyon nila ay nakita ko agad ang isang malaking family picture na nakasabit sa may doorway. Hindi ko ito napansin noon nung pumasok ako dahil siguro sa kabang naramdaman ko that time. Well, kinakabahan pa rin naman ako ngayon. Ang pinagkaiba lang ay welcome ako ngayon! Orayt!
Pumasok kami sa may veranda ng bahay nila at doon ako pinaupo ni kuya, este ng kuya ni Kai.
“Sit here. We’re about to eat our breakfast.”
Mabilis na nagdatingan ang kasambahay at naglapag ng madaming pagkain sa lamesa. Bigla tuloy ako nagutom. Nilingon ko si Kai na nasa may tapat ko lang at masama ang titig sakin.
Nagsimula na kami kumain at walang nangahas na umimik. Sarap na sarap ako sa pagkain at nadidistract nga lang ng konti dahil sa matalim na titig ng katapat ko.
Naghihiwa siya ng steak pero nakatingin pa rin sakin nang masama. Woah. Easy…
“Serena. Eat your food properly,” malamig na sabi ni Kaius habang seryosong umiinom ng kape at nakadekwatro. Napalingon siya sakin.
“So, Jaron..” panimula niya na ikinagulat ko.
Muntik ko ng maibuga ang iniinom na juice sa gulat kaya umupo ako nang maayos at tumikhim.
“Kaius..”
Napataas ang kilay niya nang banggitin ko ang pangalan niya. He stared at me for about 10 seconds pagkatapos ay nilapag ang kape sa table.
“Serena, can you please get inside and drink your medicines?”
Walang nagawa si Kai at sumunod sa kuya niya. Gusto ko sanang hawakan ang kamay niya nung dumaan siya sa may gilid ko pero alam kong hindi ito ang tamang panahon para ‘dun. Seryoso ang kuya niya, I need to be serious too. Nang mawala si Kai sa paningin naming ay nagsalita na siya.
“You’re the surfer back then right?”
“Yes po.”
“Oh. Drop the po Jaron, it doesn’t suit you.”
Nagulat ako at hindi nakaimik.
“What do you want? What do you want from my sister?”
“Want is understatement Kaius. Mahal ko ang kapatid mo,” diresto kong sabi.
Tumagilid ang ulo niya at tumawa nang sarkastiko.
“I have met a lot of people. Some of them are good but mostly are bad. Do you want me to tell you where you belong?”
Hindi ako makikipagtalo sa kaniya. Inuulit ko, hindi ako makikipagtalo. Alam kong overprotective siya sa kapatid niya. And I want it to be that way. Para kung may makilala man na iba si Kai, hindi niya rin agad pagkakatiwalaan ito.
“Have you seen her smile?” balik na tanong ko.
“A lot of times, Jaron.”
“Well, good for you. Pero ako, nakita ko siyang umiyak, nalungkot, tumawa, ngumiti at nagalit. You saw her smile but I saw the reason behind those. You might saw her cry but I learned how to comfort her. You noticed when she’s sad but I know what makes her feel okay and alive. Kaius, alam kong hindi ako ang pinakamayaman sa buong bansa o ang pinakagusto mong lalaki para sa kanya, pero please. Give me my chance. Nakikiusap ako sayo,” I pleaded, almost begging for my life.
Umiwas siya ng tingin sakin.
“I love her so much Jaron. She’s the only family I have. Ayokong masaktan siya.”
“Kaius, I love her. Paanong sasaktan ko siya?”
“She has an Anterograde Amnesia. Everyday, nakakalimutan niya ang mga pangyayaring bago siya natulog. She always ask a lot of things. There are times that I will narrate all those happened in the past after the incident, but mostly not. Not because it’s tiring but because it might troubled her memory. You haven’t seen her hysterical. You are not with her during her lowest times so don’t you f**k with me like you knew her better than me!” galit niyang utas.
Napapikit ako. Hindi ako nakikipagkompitensiya sa mga nagawa niya para sa kapatid niya. Gusto ko lang na intindihin niya ako at bigyan ng pagkakataon para kay Kai.
“That’s why I wanna know her more. Sorry pero mahal na mahal ko siya.”
Hinilot ko ang sintido ko at pinigilang huwag maiyak.
“We’re going back in Batangas.”
Napatigil ako at nagmamakaawang tinitigan siya.
“Kelan?”
“Next month.”
Next month?!
“Kaius please..”
“No. It’s not totally because of you. She’s studying there and her professors want her to come back. She’s graduating next year.”
Hindi ako umimik at napatitig sa kawalan.
“Babalik ba kayo?”
“I don’t know. Maybe? Maybe not.”
Napahilamos ako ng mukha. Tumango-tango ako sa kaniya.
“One month. Give me that one month with her. Kahit yun nalang Kaius.”
Matagal bago siya nagsalita. Mukha siyang napipilitan pero wala na akong pakealam.
“Fine.”
I nodded my head.
“Salamat. Una na ko palabas.”
Tumayo ako at handa ng aalis ng magsalita pa siya.
“I’ll tell her that you’re coming here tomorrow.”
Nakita kong napatingin siya sa paa ko ilang saglit bago tumingin sa akin.
“Salamat.”
Lumabas ako sa veranda at nagulat nalang ng makita ko si Kai na nakatayo malapit lang sa pinto.
“Ahmm. Sorry nga pala kanina.”
Magkahawak ang kamay niya sa harap at pinipisil ito.
Just one touch. One touch Jaron.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinigilan sa pagpisil.
“Okay lang. Medyo naligaw lang ako pauwi.”
I smiled, trying to keep calm and happy around her.
“Do you know what to do when you’re lost?” tanong niya nang may pag-aalala.
“Ano?”
“Just keep swimming. Just keep swimming. Until you find what’s you’re looking for. That’s what Dory said to Marlin when he couldn’t find his son, Nemo.”
Napangiti ako.
“You are what I’m looking for. My home. This is my home. You are my home Kai.”
Nalilito niya akong tinignan nang may lungkot sa mga mata.