Viktoria’s POV
It was a quiet but still busy day sa office. Naka phone lang ako pero halos nanikit dibdib ko nang makita ang story sa isa sa mga kaibigan ng ex ko na kung saan yung ex ko asa picture pati yung… babaeng ‘yon.
Hindi matiis ay nag chat ako sa kaibigan niya. Oo, ever since they all betrayed me ay hindi ko na rin sila tinawag na kaibigan ko.
Viktoria: Wow… stay strong!
Hindi ko expect na makikita kaagad ang message ko.
Nanginginig ako sa galit… No one knows I got married except for close friends, family, and work. Hindi pa namin dinisclose sa public ang kasal namin.
Jus: Tovi…
Umirap ako at hindi nanaman napigilan pumatol.
Viktoria: Talagang tinakbuhan niya ano? Isa rin kayo na kunsintidor sa kaibigan niyong gago. Gago rin kayo. Sana kahit konsensya meron kayo.
Jus: Sorry, tovi. Hindi naman namin mapigilan si Louisse. Kilala mo naman siya.
“Hah!” Singhal ko. Nanlalabo naman na ulit paningin ko dahil sa luha na namumuo. Talagang hanggang ngayon nanginginig ako habang nag t-type.
Viktoria: Kilala nga… Kilalang kilala. Sana naisip niyo man lang na naging kaibigan niyo rin ako, jus. Mula 15 tayo magkakasama na tayo. Hindi ba pumasok sa isip mo ‘yon ni-isang beses? Na kahit hindi si Louisse ang usapan, eh, nakasama niyo ako? NA NAKASAMA KO KAYO?! Mula highschool hanggang mag college hanggang magsi-kuha tayo ng mga trabaho?! YUNG SAKIT NA NARARAMDAMAN KO SAINYO IBA YON. TINRAYDOR NIYO AKO. Iba yung sakit sainyo sa sakit nung dinulot ni Louisse.
Pinatay ko ang phone ko sa inis at tinakpan ang mukha dahil tuloy-tuloy na ang luha at hikbi ko.
Ang sakit pa rin…
Sumandal ako sa upuan ko at marahan na hinimas ang dibdib ko kung saan banda ang puso ko. I took a few deep breaths. Walang pakialam sa paligid dahil ang gusto ko na lang sana, eh, magmanhid.
Bumukas ang pintuan ko na akala ko sekretarya ko pero nakita ko si Elijah. Nang makita ang itsura ko ay mabilis siyang pumunta sa akin.
“Tovi, ano nangyari?” Tanong niya at umiling lang ako. ”Tovi… ba’t ka umiiyak?” Mahinahon na tanong niya at umupo sa harap ko.
Kapag tinatanong ako ng mga ganyan lalo lang ako naiiyak, eh. Hindi ko tuloy napigilan ang luha ko at humikbi nanaman ako.
Nang wala nakukuha na sagot si Elijah sa akin ay yinakap na lang niya ako. Sinandal niya ako sa dibdib niya at hinayaan na saluhin ng damit niya ang mga luha ko.
Marahan niyang hinahaplos ang likod ko na parang hinehele ako.
“Ang sakit… pa rin…” My voice broke.
“Ang alin…”
“Sobrang sakit…” I clenched my fist toward my chest to where my heart is kasi talagang parang pinipikot ngayon ang puso ko.
“Who hurt you?” Marahan na tanong niya.
Umiling lamang ako at inubos lahat ng iyak ko sa oras na yon. I think Elijah needs to know the truth somehow.
Nang huminahon na ako ay pinainom niya ako ng tubig at mula non ay hindi na niya ako pinabayaan at iniwan.
Hindi na rin niya ako kinulit kung bakit ako umiyak nang ganon.
“Ej,” marahan na tawag ko. Asa sofa ko kami ngayon. Binuhat niya ako kanina at ihiniga roon.
“Hm? What do you want?” Tanong niya kaagad. Nakaupo lang siya sa banda paanan ko.
“I need to tell you something…” Panimula ko na.
“I said yes to this marriage due to the wrong reason and for a selfish reason. Matatali ka sa akin ng limang taon kaya tingin ko dapat mo lang malaman din talaga ito. Maiintindihan ko kung magagalit ka rin… Remember how since we were 18 I always say no? It’s because I have a boyfriend.”
“Obviously,” He chuckled but I sensed pain. “Then?”
I held his hand. “I’m sorry… I said yes because of anger. Because of hurt. Last few months ago, the boyfriend… my ex… whom I was with since we were 15, cheated on me…” My voice broke and I saw him looking at me with pure genuine pity, I think. Suminghot ako dahil barado na naman ang ilong ko at hindi makahinga. “My circle of friends betrayed me, too… I was so… angry. Galit na galit na galit ako. Hanggang ngayon… Ngayon kaya naiyak ako kasi nagkaroon na naman ng confrontation kung saan nakausap ko isa sa mga barkada ng ex ko at hindi ko nanaman napigilan yung galit ko dahil natandaan ko na naman. I saw his story and I saw my ex with the girl he cheated on with me.” Tumulo na naman ang luha ko. “Ayaw ko na…” Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko.
Nagulat ako nang lumapit lalo si Elijah sa akin at yinakap ako. Mula kanina wala siyang sinasabi. I looked at him and saw his anger. Lalo ako na guilty kasi baka galit siya sa akin.
Tahimik akong humihikbi sa dibdib niya pero hindi nawala ang paggiging marahan niya habang hinehele ako.
“I’m sorry-“
“Shush, baby…” Bulong lang niya. “You don’t have to say sorry because all that matters to me is that you’re here now. You’re with me now.” He kissed the side of my head and I just cried to sleep.