Viktoria’s POV
”Hey, you okay?” Tanong ni Elijah sa akin.
It has been a week mula nang aminin ko sa kaniya ang lahat.
“Hi,” I answered, softly. Nag off ako dahil nag migraine ako kanina kaya umuwi ako kaagad. Mukhang nabalitaan naman ni Elijah din kasi mamaya pa dapat gabi out niya pero 5pm pa lang nakauwi na siya.
“Na-vertigo ako kanina. I’m fine now… Natulog lang ako.” Sagot ko.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. I love that he’s caring for me…
“What do you want for dinner? I’ll cook. Huwag muna fastfood.” Sinuklay niya nang marahan ang buhok ko.
Yinakap ko lalo ang unan na hawak ko ngayon. Para akong bata na nakasiksik sa malaking unan.
“Sinigang.” Sagot ko at ngumiti lang siya.
Tinanggal lang niya ang necktie at coat niya bago lumabas ulit ng kwarto. Siguro para magluto na siya kaagad. Dahil sa pagod ay nakatulog ako ulit. Nagising na lang nang dalhan ako ng pagkain ni Elijah sa kwarto. Dito na raw kami kumain.
“You think you’ll be okay tomorrow?” Tanong niya habang kumakain kami.
Tumango ako. May plano pala kami mag grocery bukas.
Malapit na kaming mag-isang buwan na kasal. Ganito pa rin kami. Medyo komportable na kami sa presensya ng isa’t isa. Nasanay na kami sa isa’t isa. The very close thing that he does to me was kissing my forehead and cheek. Not that I’m asking for more.
Natigil ang usapan nang bigla tumawag ang tatay niya. Nagloud speaker naman siya.
“Ej, bukas na mangyayari yung announcement sa media.”
Napatigil si Elijah kumain at tinignan ako.
“Pa, balak pa naman din namin mag grocery bukas.” Natawa nang kaunti si Elijah.
“Agahan niyo nalang.” I heard his father chuckled. “The announcement will be released by the press at 3pm.”
Tumango si Elijah at alam ko na kung ano tinutukoy nila. Idi-disclose na sa media na kasal na kami.
“Yes, pa.” Sagot lang niya.
“Mm, ingat kayo. Pakamusta na lang ako kay Tovi. May apo na ba ako?”
”PAPA!” Nataranta bigla si Elijah at inalis bigla tuloy sa loud speaker at inilapit ang phone sa tenga niya. “Oo na pa… We’re fine. Enough with it.” Napipikon na siya na kung saan natatawa na ako. Natutuwa ako pag nakikitang pikon ‘to, eh.
Nang matapos ang tawag ay nabalot kami ng katahimikan.
“Gusto mo ba kaagad mag anak?” Tanong ko at seryoso lang siya tumingin sa akin.
“Ikaw ba?” Balik niya sa akin.
“Ayaw ko muna…” I chuckled. “Not that I don’t want a child. I mean is… I want to spend time with my husband first. Learn to do things or find harmony. We’ll travel the world and such and until we’re both ready to settle then… that’s it.”
“Uh-huh… Are you on a pill?” Tanong niya bigla.
“Naka… implant ako.” Ngumiti ako nang kaunti. “Ikaw ba?”
”Hm? Kung ano gusto ng asawa ko. Gusto man niya o ayaw, okay lang sa akin.”
Tumango ako roon. “Sarap ng sinigang mo. Mas masarap nga lang akin.” Asar ko at bumusangot nanaman mukha niya.
Matapos kumain ay naligo na rin siya at tumabi sa akin.
“Okay lang ba pamasahe? Or pagod ka?”
“Saan? Likod?” Tanong niya at tumango ako na parang bata.
Kaagad ako tumalikod nang tumayo siya para kuhanin ang massage oil. I fell asleep immediately after he massaged me. One of my favorites talaga. Mula nang nag offer siya sa akin ng massage ay hindi ko na siya natantanan tuloy sa request. Sarap eh!
Nagising kami banda 8am dahil 9am nagbubukas mga grocery kaya talagang inagahan naman namin.
Dumating na kami sa supermarket at kumuha na siya ng cart namin.
“Listahan muna.” Sambit ko at tumango lang siya. Kinuha namin ang mga kailangan lang talaga at nasa listahan. Good for 1 month na ito.
Siya raw ang sasagot sa grocery ngayon kaya tuwang tuwa naman ako.
“Pst… kuha ako.” Turo ko sa chuckie dahil tapos na kami sa listahan.
Ngumisi si Elijah. “Kiss muna.” Demanda niya.
Tumawa ako at dahil gusto ko talaga ng chuckie ay mabilis akong lumapit sa kaniya. Dahil mas matangkad siya sa akin talaga ay kailangan ko tumingkad para maabot pisngi niya. That’s the closest intimate action we’ve got for the whole month being together under the same roof.
“Get one box.” Utos na niya.
“Lakas ko naman sayo, sir?!” Asar ko at inirapan lang niya ako.
Marami pa kami nakuha na wala sa listahan. Ending punong puno tuloy yung cart namin. It was almost 20k what the heck.
Mag 12pm na nang matapos kami sa grocery. Nag takeout naman kami ng pizza para kaagad na kami makauwi.
Katapos mag ayos ng mga pinamili doon na pa lang kami nakakain. Hindi napapansin ay malapit na pala mag 3pm.
”Sasabayan ba natin ang media?” Tanong ko sa kaniya. Nakahiga ako ngayon sa sofa habang siya ay asa dining pa.
“Oo, maganda yung photo na napili ko.” Yabang niya at ngumisi sa akin.
“Duda ako. Mas maganda sa akin.” Ngisi ko pabalik.
I chose the photo where in it was our shoot back at the church. He’s back-hugging me while eyes closed, his lips are on my cheek. While I’m smiling softly, also eyes closed. The picture and feeling looked so genuine.
Malapit na mag 3pm kaya pumunta na ako sa insta ko at nag ready na nag-iisip naman ako ng caption.
Viktoria: 8-8 Forever yours.
Viktoria: 8-8 Officially your Viergo @ElijahViergo
Wow wala ako maisip ha.
SHIT 2:59 NA
Viktoria:8-8 My infinity. Happy 1 month with you, husband
Yun na ang caption ko at tinag nalang mismo si Elijah sa picture at na-post na rin katatak ng 3pm. Nag notif naman kaagad sa akin ang mention ni Elijah.
ElijahViergo: I love you @ViktoriaViergo
Walang emosyon kong tinitignan ang picture na pinost niya. It was our first kiss as husband and wife. I looked at him and saw that he’s just looking down on his phone. Napansin niya siguro titig ko kaya napatingin siya sa akin.
Nang wala ako sinasabi ay tumaas ang isang kilay niya at unti-unti sumilay ang ngiti sa labi. Kumunot naman ang noo ko at ngumuso.
Na next thing I knew was tunog na ng tunog ang phone namin pareho dahil sa notification. Alam na ng buong madla na kami na.