Viktoria’s POV
Padabog akong lumabas ng meeting room dahil ni-isa ay walang sumunod sa plano. Lalo na si Elijah na kung saan nainis ako. No one informed me about the change! Lalong lalo na si Elijah!
Pumasok ako sa opisina ko at halos gawin ko na ang lahat basta mapakalma ko sarili ko.
“Tovi,” Narinig ko si Elijah.
“Lumabas ka muna please.” Sambit ko kaagad.
“Baby, talk to me.”
Hinarap ko siya at galit na galit naman ako. “Hindi ka lalabas?”
“It was-“
”Kung ganon ako ang lalabas.” Nag martsa na ako palabas pero bago ako tuluyan makaalis ay nagsalita siya.
“Don’t walk away from me like that.”
I turned to face him. “I can’t. Huwag muna ngayon Elijah dahil galit ako talaga.” Bigla ay namuo naman ang mga luha sa mata ko kaya sa inis ay hindi ko na hinintay ang sagot ni Elijah at patuloy na ‘ko lumabas ng opisina ko.
I went to my car and drove home.
Tapos na rin naman na ang trabaho ko. It was 6pm already.
Kauwi ko ay sa sobrang frustration ay nagdabog ako pero sa kama lang. Naligo na ako kaagad at kalabas ko naman ng banyo ay nagulat ako na nandito na nga si Elijah.
He’s just eyeing me seriously.
Kung tingin niyang petty ito ay bahala siya lalo sa buhay niya.
I sighed deeply when I noticed that he followed me inside the walk-in-closet.
“If you’re here to invalidate my feelings, tingin ko huwag na lang din muna tayo mag-usap.” I stated, coldly.
He held my wrist to hold me from walking away again.
“This is not how we fix things, am I right?” Tanong niya. “I do not invalidate your feelings, Tovi. Let me explain what happened before I hear yours, okay?” He stated, softly.
We talked that night and he managed to calm me down.
“Do not walk away from me like that again, Tovi…” He pleaded. Sa nakikita ko para siyang natakot. “Promise me…”
Tumango ako at sumandal sa dibdib niya.
“I’m sorry…” I said, softly.
“It’s okay, my love. I’m sorry, too.”
Mabuti na lang din at day off namin bukas kaya mahaba ang naging tulog namin ni Elijah. I woke up with him cuddling me.
I turned to face him at medyo nagising siya sa paggalaw ko.
“Good morning,” mahinang sabi ko at hinalikan ang noo niya.
I saw his brows raised. “Good morning…”
May nakaplano pala kami ngayong gabi. May date kami. As planned by Elijah. Ginising ko na siya kasi nagugutom na ako.
“What time tayo mamayang gabi?” Tanong ko.
“Around 7” Sagot niya habang nagluluto.
Tumango ako. “What should I wear?”
“Hm? Semi-formal is okay.”
Tumango ako ulit. Buong araw ay nakahiga lang kami pareho at nanonood ng tv hanggang sa pareho na kaming naghahanda para sa pupuntahan ngayong gabi.
Medyo malayo ang pinuntahan namin because it was a 30-minute drive.
I am wearing my black dress and he’s wearing a black dress shirt.
“Welcome Mr. And Mrs. Viergo!” Bati sa amin ng server.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasan matuwa sa view. It was a city view. Asa roof top kami ngayon. I looked at Ej pero halos natinag ako nang makita na nakatingin na siya sa akin.
“How’s being married to me…” Tanong at simula ko sa usapan.
“Married to you? Lugi ako.” Ngumisi siyang nakakaasar kaya umirap lang ako. “It was peaceful.” Agap niya. I looked at him again and saw he’s smiling a bit. “Thank you for caring for me.” Sambit niya at doon naman ako napangiti nang kaunti.
“5 years…” Bulong ko. “A bit long pala.” I pouted.
He held my hand and kissed it. “May balak ka bang iwanan ako?” Tanong niya.
Hindi… Hindi ko alam ang isasagot ko kaya natulala lang ako.
“Just because you’re married to me means you have to love me, Elijah.” Bulong ko.
Umiling siya. “That’s not something I can control.” Bulong niya.
Tumibok naman ng todo ang puso ko sa narinig. What does he mean by that…
Pero habang tumatagal ay may inggit akong nararamdaman kahit sa katunayan na asawa niya ako. Minsan ang sakit isipin na hindi naman niya rin talaga ako mahal. He’s just doing things because of the title that I am his wife.
But more than that… I would love to be called by him as his love more than his wife.
He never probed me about my past unless I wanted too and unintentionally he made me forget the pain and reassures me even though it’s not his job to do so.
“Alam mo kung ano tayo ngayon?” Tanong ko.
Tumagilid ulo niya at kumunot naman ang noo sa pagtataka. “Mag-asawa?”
Umiling ako. “FLING.” Sambit ko at nang bumusangot mukha niya ay natawa ako.
“So ano ginagawa ng apelido ko sa pangalan mo? Rumerent?”
Natawa ako sa banat niya. “Kasi naman! Wala tayong ginagawa na pang asawa-“
”Ano ba ang tinutukoy mo na ginagawa ng mga mag-asawa?” Ngumisi siya. “As far as I remember, we do things just how married couples do their things.” Hindi nawawala ang ngisi sa labi niya.
Sinamaan ko siya nang tingin and he returned with a playful smirk.
Great… Now Elijah thinks I want s*x!