Tatlong taon na ang lumipas mula nang gumuho ang mundo ni Alessandro. Tatlong taon ng katahimikan, pagdurusa, at patuloy na pag-asam. Kung maibabalik lang ang nakaraan. Kung alam niya lang na dadating sa puntong ito ang buhay niya ay sana mas naging wais pa siya. Sana he prioritized people who really matters to him. People he loves. Pero nasa huli talaga ang pagsisisi. Nagsimula ang lahat sa isang araw ng pagkatalo. Sa kanyang harapan, sa loob ng kulungan, unti-unting nasira ang dignidad at reputasyon ng isang taong pinangarap maging pinuno ng isa sa pinakakilalang korporasyon sa bansa. Ang Corporation ng pamilya nila ay gumuho kasabay ng paglabas ng balitang may kinalaman siya sa kasong isinampa ni Mark Choi. Kabilang si Candy sa kasong iyon, ang babaeng minsang pinaniwalaan niya, ang

